Wala si Phoebe, wala si Seth at si Brody. Ako lang. Nag iisa. Walang kalaban laban. Tahimik lang habang hinahayaan si Jessia sa mga pinag gagawa niya.
"Ah oo yan yung may crush kay Seth. Akalain mo yun may magkakagusto pa pala sa tukmol na yon. Diring diri nga sina Maureen don eh." Dinagdagan pa nila ito ng malakas na tawa.
"Yuck kadiri, walang taste."
"Sayang siya.. pipili na nga lang sa katulad pa ng lalaki na iyon."
Tama sila pumili pa ako tapos katulad lang ni Seth. Tama sila wala akong taste.
Kasi wala namang taste ang love diba, walang pinipili, walang pinipilit.
Pagkatapos ko siya lapitan nung kaarawan ni Jewel. Huli na pala iyon at ilang linggo na ako na ang usapan at hindi na si Seth.
Alam din pala ni Jessia ang tungkol sa pagkagusto ko kay Seth. Narinig niya pala ako noong araw na pinipilit ako ni Phoebe. Nakakainis na ewan. Pero ayos lang atleast alam na niya na gusto ko siya, pero bakit unti unti lumalayo siya ng lumalayo?
Parang hindi na kami magkakilala. Mas lalong naging madalang ang pagkikita namin. Hindi na rin ako ganoong kinakausap ni Brody.
Si Phoebe ay naging busy sa ibang bagay. Hindi na rin kami madalas magka group. Naging malayo din siya pero nagkakausap pa rin kami.
Malapit na ang bakasyon at si Seth ganoon pa rin siya, ilang linggong absent pero nakakahabol naman sa ibang subjects.
Kinokonsidera ng school si Seth dahil alam nila na nagtatrabaho ito. Masaya ako. Masaya ako na unti unti nagiging okay si Seth.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging mag isa. Hindi ko alm kung bakit biglang nasa ibaba ako.
Napa angat ang aking tingin. Si Jessia papalapit na sa akin wala siyang ibang kasama. Ganoon pa rin ang ayos nito, naka lip tint may blush at umiksi ang palda na suot nito.
"Ayan! Tignan mo nga naman oh! Napapala nga naman ng may gusto sa isang hampas lupa! Nahihila pababa!" Tinarayan pa ako nito bago niya ako tinignan mulo ulo hanggang paa.
Dala ng labis na inis sa kanya ay napatayo ako. Tinaasan ko siya ng isang kilay at nag cross arms.
"Sino ka ba sa akala mo?? Eh wala ka namang ipagmamalaki! Kung makapag mataas ka kala mo naman ay malayo na ang narating mo!" Singhal ko sa kanya
"Hoy! Jeny! Para sabihin ko sa'yo mas mayaman kami sa inyo!" Tugon niya at pulang pula na lalo ang mukha nito.
"Ano ngayon kung mas mayaman ka sa amin? Wala ka pa ring nararating! Kagaya ni Set- Ah!!!"
Hinila nito ang buhok ko at ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Sumisigaw din siya at ayaw pa awat sa paghila sa aking buhok.
Punong puno na ako sa lahat ng kamalditahan niya, sa lahat ng pang iinsulto niya, sa lahat ng pagmamataas niya, sa lahat ng maling ginawa niya sa aming magkakaibigan.
"Ang kapal pa ng mukha mo na sabihin sa kanila na nililigawan ka ni Jeemuel? Ilusyonada ka talaga!" Pinag hahampas ako ni Jessia gamit ang isa nitong kamay ngunit di pa rin tumitigil sa paghila sa buhok ko.
"Wala akong sinasabing ganoon! Mas ilusyonada ka dahil kahit anong gawin mo nasa ibaba ka pa rin!" Ganti ko at ngayon ako naman ang humahampas sa kanya.
Inibabawan ko siya at pinagsasabunutan sa lupa. Tama yan diyan sya nababagay sa dumi. Alam ko na ang lahat, ang katotohanan na akala ko hindi totoo pero alam ko na, nakita ko na.
"Tama na!" Pinilit niyang abutin ang mukha ko pero hindi niya nagawa.
"Dahil sa nanay mo! Dahil sayo ay nakasira ka ng pamilya! Nanira ka ng pangalan ng ibang tao!" Hindi ko mapigilan ang galit ko at ang pagtulo ng luha ko.