Ngayon ay panibagong araw, ala sais na at heto ako naghihintay sa pagdating ni Phoebe. Monday na naman kaya heto kailangan nanaman na maglaan ng halos kalahating araw para matapos na naman yung mga bagong gagawin.
Ngayon din pala namin ipapasa yung group work. Ito ang pinaka ayaw ko, ang maging leader ng group at lahat sila hindi gagawa maliban sa close ko na tutulungan ako.
Nagsisimula na naman maging mainit. Buti nalang nasa silong ako ng tindahan kundi masusunog at magiging haggard na agad ako. Napakatagal ni Phoebe eh sasakay pa kami ng tricycle para mabilis makapunta don.
Napag isipan ko na lumipat sa malapit sa dinadaanan ni Phoebe. Umalis ako sa sinisilungan ko at ginamit ang kamay ko upang takpan ang mukha ko at makita ko ang pupuntahan ko.
Nakailang hakbang palang ako ng maramdaman ko na wala na ang init na hatid ng araw.
Nilingon ko kung sino ito.
"Seth." May dala siyang kulay asul na payong.
Naka uniporme ito ng pang eskwelahan at bagong paligo base sa style ng buhok niya na nakatagilid. Kahit kahapon ay nakita ko siya pakiramdam ko ay ngayon ko nalang sya ulit nakita.
"Ang init init hindi ka man lang nagdadala ng payong." Bungad niya.
Naamoy ko ang hininga niya na amoy toothpaste. Ito ang isa sa nagustuhan ko sa kanya, hindi niya nakakalimutan na alagaan ang sarili niya. Kahit marami siyang trabaho, malinis pa rin siyang tignan.
Inilagay ko sa likod ng aking tainga ang buhok ko na humaharang sa mukha ko. Kita ko ang pag kunot ng noo niya.
"Ang tagal kasi ni Phoebe eh." Sagot ko.
Totoo naman male- late pa yata kami dahil sa kanya.
Ang kanina niyang tingin na nasa akin ay nalipat sa nasa likod ko. "Ayan na pala siya." Aniya kaya napalingon ako.
Kumakaway si Phoebe sa amin at malapad ang ngiti na nakapaskil sa mukha.
Tumakbo siya papalapit sa amin at una niyang binati ay si Seth. Parang hindi ko siya hinintay ha.
Binalingan ko ng tingin si Seth
"Oh." Wika ni Seth at binigay ang payong niya.
Nagulat ako sa ginawa niya. Bakit niya ibibigay sa akin?
"Una na ako, Jeny." yon naman ang pagpapa alam niya sa amin.
Tumatakbo siya Habang papalayo sa amin. Kala ko pa naman ay magsasabay kami dahil sa nakita niya ako. Baka may trabaho pa siya.
Tama, busy siyang tao at may pinapakain siyang pamilya. Friends lang kami, I mean parang ganoon na nga.
"Kala ko ihahatid ka niya." Saad ni Phoebe habang papasakay kami sa loob ng tricycle.
Inikutan ko lang sya ng mata dahil umasa din ako. Nag akala din ako.
Inabot ni Phoebe ang bayad niya sakin. "Manong sa Carlos National High School." Wika ko sa driver na pinaandar na ang sasakyan.
"Sakit noh? Umasa ka kase eh." Pang aasar ni Phoebe kaya mas lalo ko lang naramdaman ang disappointment.
"Dumating ka kase." Bawi ko at inkutan ko siya ng mata.
Tinawanan niya lang ako at paulit ulit na inasar dahil umasa ako sa lalaking sinabi kong gusto ko.
Nakakainis. Tama, hindi naman dapat ako umasa sa kanya. Unang una wala siyang alam, pangalawa mukha akong baliw kung malalaman niyang natitipuhan ko siya at baka magmukha akong masama.
