08

0 0 0
                                    



Nakapag desisyon na ang mga guro matapos ang mga pinagsasabi namin laban sa isa't isa. Isa daw iyong personal na mga rason kaya napatawag ang pulisya sa baranggay ng bayan na ito na malapit lang sa school.

Hawak nila ang Ina ni Jessia. Ikukulong siya at hahanapin ang tunakas na tatay ni Jessia na sya mismong pumatay sa tatay ni Seth.

"Pigilan mo sila!" Utos ng nanay ni Jessia.

"Mommy!!" Naluluhang saad ni Jessia habang nakakapit sa nanay na binabantayan ng mga guro at ng mga pulis na kararating lang.

Tinawagan na rin nila ang Ina ni seth. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil alam kong may sakit iyon at pupunta pa dito at sa pulisya.

Sa buong oras ng diskusyon, sigawan at paglilinaw. Lumabas rin ang totoo. Hindi ako ang dahilan kung bakit sya natanggal. Siya mismo na sarili nya ang dahilan at ang mga magulang nya.

"Tama na ang pagsisinungaling mo Jeny! Sinungaling ka! Sinungaling ka!" Pagbibintang pa ni Jessia habang patuloy ang pagluha at halata sa kilos nya na gustong gusto na hilahin ang buhok ko.

"Ikaw ang sinungaling sa ating dalawa! Hindi malinaw sa'yo kung ano bang totoong nangyayari!" Bulalas ko.

"Hoy! Jeny! Wag na wag mong maduro duro ang anak ko ha!" Banta sa akin ng nanay nya na galit na galit sa akin.

Bagamat natakot ako. Pinanatili kong matatag ang sarili ko. Pinili ko na maging matapang kahit nanginginig ako dala ng maraming emosyon na bumabalot sa akin.

Nasa may ilalim kami ng puno ng mangga ang madalas na pinagtatambayan ni Seth. Tahimik lang siya ganoon rin si Brody na binabantayan si Seth.

Si Phoebe ay nag aalala sa akin kahit katabi ko lang sya.

Mula sa malayo natanaw ko ang paglagay ng posas ng isang pulis sa nanay ni Jessia. Pinipigilan ni Jessia ang paghuli sa nanay nya.

Isinakay ito sa police mobile car. Lumuluha ito habang iniiwan ang anak na hawak ng isang guro.

Dumating ang nanay ni Seth. Galit na galit ang ang mukha nito habang pinipilit ang sarili na sugurin ang nanay ni Jessia. Nasampal niya ito pero inawat na ng pulis at ng isa pang guro.

"Sana maging maayos na ang lahat." Anas ni Phoebe habang nilalaro ang daliri ko.

"Sana nga." Nasabi ko at napabuga ng hangin.

Nilingon ko si Seth. Nakatitig lang sya sa akin.. kanina pa ba? O sumakto lang?

Bumilis ang tibok ng puso ko. Kagaya nung una ko syang nakita ng malapitan ay ganoon ang nararamdaman ko ngayon.

Nakakatawa dahil kahit matagal na iyon ay katulad pa rin nung una at kung paano nagsimula ang lahat.

"Salamat." Pagputol nya sa mga iniisip ko patungkol sa kanya.

Nagtaka ako nung narealize ko ang sinabi nya. "Huh? Bakit ka nagpapasalamat?"

Napatingin ako sa dalawa. Sabay silang tumayo at tinapik ni Brody ang balikat ni Seth at si Phoebe ay kinurot ang pisngi ko.

"Go girl." Ani Phoebe kaya nagtaka ako.

Kinunotan ko sya ng noo at natawa lang sya. "Alis na kami." Dagdag niya pa at tinapik naman ang balikat ko.

"Puntahan ko lang si Tita." Ani Brody at nauna na kay Phoebe.

Pag alis nilang dalawa ay nagsalita ulit si Seth kahit hindi na sa akin nakatingin kundi sa papalayong police mobile car.

September In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon