Dumating ang araw na pinaka hihintay ko kung saan officially maibebenta na ang ideya namin. Kami kami ang nagluto at sinigurado namin na mainit init pa talaga ito at nakalagay sa isang Tupperware para magstay ang freshness at init.
Ngdesign na kami ng booth at naging maayos naman ang kinalabasan.
"Ang bongga naman niyan teh may pa flower design ka pa sa gilid!" Saad ni Phoebe kaya natawa ako.
"Buti naman walang pangit na design dito! ang sakit pa naman sa mata." Grabe talaga sya magsalita.
Bumaba ako sa upuan na pinatungan ko at pinagpagan ang kamay ko.
"Maganda diba?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
Ngayon nalang kami ulit nagkita dahil madaming gagawin kahit sa classroom ay minsan nalang kami magkausap.
"Syempre naman noh! Ikaw nagdesign eh, pabili ako mamaya ha? Pagdating ni Judy." Aniya kaya napatawa ako.
Saktong sakto ang paninda namin dahil di naman lahat ng estudyante ay nakaka kain pag pasok. Ginawa naming affordable ang aming produkto kaya nasisiguro ko maraming kakain at bibili no'n.
"Salamat dumating ka na!" Usal ni Phoebe at patakbong lumapit kay Judy.
Siya ang may dala ng inumin. orange juice iyon, iyon ang sabi nila. Ang pinaka unang costumer namin ay si Phoebe na halos nakaka ilan na ng kain.
"Tae, nakakabusog naman ng bongga tong pagkain niyo!" Aniya kaya nginitian ko lang siya.
Nakakamiss din ang pagiging reklamadora niya sa bawat oras na kasama ko siya. Hindi siya si Phoebe kung wala siyang komento sa lahat ng bagay na nakikita niya.
Habang nagwawalis ako ng kalat namin ay siyang pagdatingan ng iba ko pang kagrupo may dalang ibang pagkain. Naisipan nila na biko nalang ang isa pang ibebenta, perfect for anytime.
"Oy Brody!!" Nakangiting bati ni Phoebe kaya napalingon ako sa gawi ng tinawag niya.
Nakangiti itong papalapit kay Phoebe. Ramdam ko na unti unti ay nagiging malayo kami sa isat isa.. lalo na sa kanya.. unti unti ko ng nararamdaman ang paglayo niya.
Muntikan ng magalit ang mama niya ng mabalitaan ang nangyari. Gusto ko sana na kausapin ang mama niya para humingi ng tawad pero hindi ako hinayaan ni Phoebe at mas lalo ni Brody.
Tinapon ko sa basurahn ang mga kalat at tinabi ang walis at dust pan.
"Kamusta Jeny?" Aniya kaya napaangat ako ng tingin.
Tipid ko itong nginitian bago sinagot. "A-ayos lang."
"Ganoon, okay. Noted" Akala ko naman ay maypahabol pa siyang tanong.
Bakit noted? Anong meron. Iniwan niya ako at nagtungo iyo sa harap ng booth namin.
"Wow nilupak! bibilhin ko nga tong sampung piraso."
Nanlaki ang mata ko. 10 piraso? Ang dami. Ang common na binibinili ay 4 na piraso lang at sampung piso iyon.
"Eto den sampu." Turo niya sa biko na inaayos palang ng Leader namin.
Ang takaw naman niya. Hindi ba siya nakakapag almusal? Mukhang gutom na gutom siya dahil ang dami niyang binili at nagliliwanag ang mukha nito habang kinakausap ang babae.
Mukhang maagang mauubos ang paninda namin dahil sa kanya.
"Gutom na gutom ka ah."
"Di naman haha. May papakainin lang ako matutuwa yon eh."