"Ang panget panget no'n crush mo pa? Ano bang nakita mo don at deds na deds ka sa kanya?" Naiiritang komento ni Phoebe.
May point naman siya, ano nga bang nagustuhan ko sa lalaki na iyon eh hindi nga naman siya ganoong kagwapuhan?
Pero sabi nga nila diba wala iyon sa itsura kundi sa ugali. Masasabi kong mabait naman si Seth kahit maitim siya dahil probinsya ito.
Sa kabila ng pisikal niyang anyo ay ang kasipagan niya sa pagtatrabaho. Maaga silang naulila ng mga kapatid niya at ng nanay niya. Yung nanay niya ay minsan lang makapagtrabaho dahil sakitin, ang mga kapatid niya nasa elementarya palang habang si Seth at ako ay mag g-grade 11 na sa next school year.
Life is always tough ika nga nila pero parte daw iyon ng pagiging malakas. Edi ibig sabihin no'n ay gusto ko siya dahil malakas siya?
Bakit parang nakikita ko naman na may future kaming dalawa? Minsan naiisip ko nalang na nababaliw na ako dahil crush ko talaga si Seth kahit di naman siya kapansin pansin, pinansin ko lang talaga dahil pinagtatawanan siya ng mga kaklase ko dahil lahat gagawin niya magkapera lang.
Napabuga ako ng hangin at sinagot si Phoebe. "Basta! Hindi ko alam! Saka wag mo ipagkakalat 'yon ha? Kundi sasabunutan kita." Pagbabanta ko sa kanya.
Sabado ngayon at nasa may tindahan kami na may upuan sa magkabilang gilid. Actually kanina pa kami dito nagchichismisan. Nasa opposite side si Phoebe kaya magkaharap kami.
"As if namang may magkaka interes kapag pinagkalat ko yan." Tugon niya.
Hindi ko nalang sinagot dahil may point naman siya.
Umiinom kami ngayon ng soft drinks at yung pinaka murang chocolate bar. Gumawa kasi kami ng group work namin at kanina lang natapos.
Pasado alas dose na kaya grabe ang sikat ng araw kahit september na.ano bang magagawa namin? Nasa probinsya kami kaya tiis tiis nalang. Pagka December naman ay malamig nagjajacket kami minsan.
Ano na kayang ginagawa niya? Pakiramdam ko nagtatrabaho siya kahit ito na dapat ang oras niya para magpahinga at gawin din ang group work.
Kahit di kami magkaklase halata naman na pare-pareho lang ang mga pinapagawa ng subject teachers.
Hindi ko alam basta simula ng napansin ko siya naging ganito ako, palagi ko siyang hinahanap at hinihintay kapag nasa school. Ang lakas ng tama ko, hindi ko alam kung ano ba ito. Kakaiba at ngayon ko lang naramdaman.
Nakakabaliw dahil sobrang nahihiya ako sa kanya at hindi ko masabi na gusto ko siya kasi friends kami kahit di ganoong close at higit sa lahat pinagtatawanan siya ng iba dahil sa lahat talaga gagawin niya.
Wala akong nakikitang mali doon, maliban sa inggit ng mga tinatawanan siya dahil si Seth kumikita na. Feeling mga taga Maynila e pare-pareho lang naman kami ng estado sa buhay.
Pinagtagpi tagpi lang din ang mga bahay. Hindi naman kasalanan ni Seth na mahirap sila at namatay pa ang nag iisang inaasahan nila sa buhay.
Tumayo si Phoebe at inaya ako. "Tara punta tayo sa may sakahan pupuntahan ko yung kapatid ko pati si Papa."
Tumayo na din ako at nagsimula na kaming maglakad. Habang naglalakad ay hawak namin ang soft drinks na may maraming yelo at sa kabila naming kamay ay mga tigpipisong pagkain.
Inilabas ni Phoebe ang payong niya kaya sumilong ako doon at sabay naming tinungo ang palayan na malapit sa paanan ng bundok.
Sa may silong kami pumunta dahil nga mainit at hapon na. Kahit na mahirap kami ay ayoko pa ring masunog ang balat ko.
