Chapter 1

80.4K 1.5K 245
                                    

Chapter 1

Masaya at mapagmahal na pamilya lamang ang aking hiling sa buong buhay ko. Gusto ko maranasan na matawag na "anak" at ituring na isang kapatid. Gusto ko rin na maranasan na makasama sila sa iisang lugar. Lugar kung saan malaya kami na nagsasaya at nagkukuwentuhan ng mga masasayang pangyayari sa buhay namin. Gusto kong ma-feel na parte rin ako ng pamilya at hindi parang isang hangin lang.
               
       
Pero baka nga sadyang malabo talaga na mangyari ang mga gusto kong mangyari. Alam kong malabo, sobrang labo dahil hindi ko kayang hilingin 'yan sa pamilya na mayroon ako. Alam kong hindi nila kayang ibigay ang ganiyang gusto ko. Masyadong mahirap ang gusto kong mangyari kaya naman tanggap ko na. Tanggap ko na noon pa man na ito na talaga ang buhay na ibinigay sa akin.
          
                
Ako si Vien Clara Sanchez na kilala sa tawag na "Clara". Middle child ako sa aming magkakapatid. Ang panganay ay si Kuya Lance Gabriel Sanchez at ang bunso ay si Ella Sanchez.
         
          
Tama nga rin siguro ang mga tao sa sinasabi nila tungkol sa mga middle child. Kami yung mapapansin lang kung kailangan nila.
   
                 
Puro pananakit ang natatanggap ko sa pamilya ko. Sa katunayan hindi ko alam kung pamilya pa ba ang dapat kong itawag sa kanila. May pamilya pa ba ako kung puro pananakit ang natatanggap ko? Pero mahal ko sila, at ang palaging sinasabi ng puso ko ay pamilya ko pa rin sila. Kahit na anong pananakit nila at sakit ng mga salita nila, hindi naman magbabago na sila talaga ang pamilya ko. Mahal ko ang pamilya ko kahit hindi ko ramdam na mahal din nila ako.
   
            
Nakakakain din naman ako sa bahay namin. Nagbibigay din si papa ng pera kung minsan.... pero hindi sapat. Ang hindi ko lang talaga maintindihan sa pamilyang meron ako ay kung bakit hindi nila ako magawang ituring na anak at mahalin bilang anak at kapatid nila. Hindi ako hangin, pero pakiramdam ko ay hangin na lang ako sa pamilya namin dahil sa pagtrato nila sa 'kin.
     
               
Hindi man ako kayang ituring na anak, kapatid, kapamilya ng sarili kong pamilya, may nag-iisang tao pa rin ang kahit kailan ay hindi pa ako binigo. May nag-iisa akong bestfriend, si Aliyah Ventura. Alam na alam niya kung ano buhay ko sa loob ng bahay namin. Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Aliyah dahil nanatili siya sa tabi ko. Hindi niya ako iniwan at hindi niya hinusgahan ang pagkatao ko. Kung wala si Aliyah, wala na rin ako. Si Aliyah ang liwanag ko. Si Aliyah ang pag-asa ko para manatiling matatag sa buhay.
               
           
               
                    
Kanina lang ay kasama ko si Aliyah, na nag grocery. Siya kasi ang inutusan dahil day off daw nung mga maids nila.
          
                          
Gabi na rin ako nakauwi sa bahay kasi medyo traffic din. Hindi ko alam kung malalagot ba ako o hindi.
              
                     
Pumasok ako sa loob ng bahay. "Magandang gabi po" bati ko sa pamilya ko pagkakita ko sa kanila sa living room na nagsasaya habang nanonood ng movie.
             
                          
Walang sumagot o bumati sa 'kin pabalik kaya naman lumakad na ulit ako saka umakyat papunta sa kuwarto ko. Sanay na ako sa ganitong set-up. Hindi na bago sa totoo lang.
           
                          
Pero masakit! Masakit yung ganito para sa 'kin. Ganitong buhay ba talaga ang nilaan para sa 'kin? Pakiramdam ko hindi na ito pagsubok sa buhay ko.                                
             
              
Binato ko sa kama ang bag na dala ko saka ako pabagsak na humiga sa kama. Habol hininga akong nakatingin sa kisame. Kanina ay nakaramdam ako ng gutom, pero ngayon nawalan na agad ako ng gana kumain.              
             
                                                  
             
               
Kinaumagahan pagkatapos kong gawin ang morning routine ko bumaba na 'ko papunta sa kitchen. May dalawang maid kami noon, pero inalis na nila at mas pinili nila na ako ang gawing maid. Ang saklap 'di ba? Pero sanay na ako. Ganito na ang kinalakihan ko kaya naman hindi na bago.
           
              
Nag suot na muna ako ng apron at inumpisahan ko na magluto ng breakfast nila. Hindi ako sumasabay sa kanila sa pagkain. Doon ako nakain sa cafeteria ng Thelasar University. Working student ako kaya kahit papaano nagagawa kong paaralin ang sarili ko. 
           
            
Yung kinikita ko sa pag wo-working student ay iniipon ko. Nakakapagdagdag ipon din ako kapag binibigyan ako ni papa ng pera. Katulad nga ng sinabi ko kanina, nagbibigay din sila ng pera minsan.
           
         
"Clara"
            
             
Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita ko si mama. "Good morning po, mama" nakangiting bati ko.
           
              
"Labhan mo itong dress ko dahil susuotin ko iyan mamayang gabi." pahagis niyang binigay yung blue off-shoulder dress niya. "Siguraduhin mong maayos ang pagkakalaba mo." pahabol pa nito
           
                
"O-Opo" utal kong sagot
                   
           
"Mom, may breakfast na ba?" at heto na ang bunso kong kapatid na masasabi kong paborito nila.
           
              
"Clara, hindi ka pa ba tapos diyan? Nagugutom na si Ella"
           
              
Tumango ako kay mama at tinignan ko ang niluluto ko. "Ta-Tapos na po. Ihahanda ko na po ito" sabi ko sa kanila.
           
                 
"Good morning"
           
               
Tinignan ko si papa, "Good morning po" bati ko
                   
                
"Morning, dad"
                  
                
"Good morning, honey"
           
              
"Morning" bati pabalik ni papa kina mama at Ella. Hinalikan din niya ang dalawa sa pisnge.
            
                 
Minsan—mali madalas pala naiinggit ako kay Ella. Masaya siguro sa posisyon niya. Yung tipong paborito siya nilang lahat. Kailan ko kaya mararanasan na maging paborito rin nila, kahit sana isang oras lang.
                   
                
"Okay na po, kumain na po kayo." nakangiti kong sabi sa kanila matapos kong ihanda ang breakfast nila sa lamesa.
                         
                   
"Good morning" Tumingin kami sa bagong dating. Si Kuya Lance pala. Mukhang late ulit siyang nagising.
                   
              
"Good morning, bro" nakangiting bati ni Ella kay, Kuya Lance
                     
                 
"Son, let's eat" pag-aya ni mama kay kuya.
                    
                  
"Aalis na po ako" Yumuko ako at lumakad na.
                   
                  
"Walang pasok ngayon kaya saan ang punta mo? Makikipag landian?"
                   
          
Nahinto ako sa paglalakad dahil sa tanong ni Kuya Lance. Yes. Ang tingin niya—mali dahil silang lahat pala. Ang tingin nila sa 'kin kapag umaalis dito sa bahay ay nakikipag landian. Ganon sila pagdating sa 'kin, at palaging may kirot sa puso ko kapag ganon ang iniisip nila.
                  
                
Hindi ko hinarap si kuya bago ako sumagot, "Kikitain ko po si Aliyah. Um, may usapan po kasi kami ngayong araw." pinilit kong mabuo ang mga binitawan kong salita, dahil konti na lang magbibiyak-biyak na ang boses ko.
                   
                 
"Hindi ka muna aalis Clara, hanggat hindi kami natatapos kumain. Walang maglilinis nito kung hindi ikaw lang. At saka may inuutos pa ako sayo na lalabhan mo."
                 
                     
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Tumango na lang ako sa sinabi ni mama at humarap sa kanila. "Sige po doon po muna ako sa living room." maliit na ngiti sa labi kong paalam.
                       
                    
Lumakad na ako at pagtalikod ko doon nagsibagsakan ang luha ko na agad ko rin namang pinunasan.                      
                     
                 
Hinintay ko lang na matapos silang kumain. Nagbasa na lang muna ako ng libro. Habang nagbabasa ako ay nag ring naman ang cellphone ko at nakita kong tumatawag sa ig ko si Aliyah, kaya sinagot ko kaagad.
                   
            
"Ali" panimula ko, "Sorry hindi kita agad nasabihan na hindi ako makakasama sayo sa pupuntahan dapat natin. Hindi ako makaalis dito sa bahay."
                 
              
"Ganon? Sige huwag na lang muna ngayon. Kapag puwede ka na doon na lang tayo pumunta."
                   
             
"Bakit ka nga pala napatawag bigla?" nakakunot kong tanong.
           
                 
"Eh, kasi nga akala ko tuloy tayo ngayon."
                 
                   
"Clara!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Kuya Lance, kaya tinago ko kaagad ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko.
                    
                  
"Po?" Tumayo ako at lumakad palapit sa kanya.
                  
                
"Tapos na kaming kumain, maglinis ka na doon."
            
                
Akala ko kung ano na
                  
               
Nakangiting tumango ako at lumakad na papuntang kitchen.
            
                
"Clara, yung inuutos ko sayo. Maglinis ka rin dito sa bahay dahil aalis kaming lahat. Huwag ka rin aalis dito kapag tapos ka na. Malilintikan ka talaga sa 'kin kapag wala ka rito pagdating namin." may pagbabantang sabi ni mama pagkapasok ko sa kitchen.
           
                  
"O-Opo" may pagkautal kong sagot at nauna na sila ni papa sa paglabas sa kitchen.
            
              
Tinignan ko naman si Ella, na napailing at napangisi. "Bye, maid" nginitian pa niya ako bago siya sumunod kila mama at papa.
                   
               
Umiling na lang ako at inumpisahan ko na ang pagliligpit sa pinagkainan nila. Naghugas na muna ako at nilinis ko rin ang buong kusina.
              
             
Pumunta ako sa likod ng bahay pagkatapos ko sa kusina. Doon ako sa likod ng bahay naglaba ng dress na pinapalaba ni mama.
              
             
Pagkatapos kong maglaba at mag sampay, pumasok na ulit ako sa loob ng bahay at naglampaso naman ng sahig.
               
                
             
                                                                                   
5 p.m. na pero wala pa rin sila. Saan kaya sila nagpunta? Kaninang umaga pa sila wala, eh.
          
               
Habang nakaupo sa sofa bigla akong nakaramdam na parang naduduwal kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa kitchen. Sumuka kaagad ako. Tatlong beses akong sumuka.
           
                  
Maghihilamos na sana ako pero nagulat ako dahil may kasamang dugo ang sinuka ko. Nagmumog na kaagad ako at nilinis ko ang sinuka ko.
           
                  
Hindi ko maintindihan normal pa ba ang sinuka ko? Bakit may kasamang dugo?
           
              
Lumabas ako sa kitchen at bumalik ako sa living room. Pagkabalik ko doon nakita ko si mama.
          
                
Lumapit ako kay mama at kinuha ko ang kamay niya. "Ma, mano po" mag mamano na sana ako pero tinabig niya lang ang kamay ko.
           
               
Nakita ko si Ella, na galing sa likod ng bahay. Sabay pala sila ni mama na dumating, akala ko kasi si mama lang.
           
                 
"Nasaan yung dress ko? Maayos mo ba na nalabhan?" masungit na tanong ni mama.
           
            
"Um, opo nandoon po sa likod. Kukunin ko lang po muna."
           
                
"Bilisan mo" Tumango ako kay mama at patakbo akong pumunta sa likod ng bahay.
           
                
Pagkarating ko sa likod ng bahay nilapitan ko kaagad yung dress ni mama at bigla na lang akong nagulat dahil nagkaputi yung blue dress niya. Biglang nagkamantsa. Maayos ko naman itong nilabhan, at maayos ko rin itong iniwan dito kanina, kaya paanong nagkaganito bigla?
           
                
"Pa... panong? Anong nangyari?" pabulong ko rin na tanong sa sarili ko.
           
              
"Clara!" sigaw ni mama kaya tumingin ako sa kanya na palapit ngayon sa 'kin. "Sobrang tagal mo. Kailangan ko na iyan ngayon."
           
                    
"M-Ma!—" inagaw niya bigla sa 'kin yung dress niya at kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkagulat.
           
                
"Bakit may mantsa 'to?" galit niyang tanong. "Sinabihan kita na ayusin mo ang paglalaba 'di ba? Bakit naging ganito ha, Clara?!" mariin akong napapikit dahil sa galit na sigaw ni mama.
           
                     
"M-Ma maayos po iyan kanina. Wala naman pong mantsa iyan no'ng s-sinampay ko. Hindi k-ko po alam kung paano nangyari na nag—"
           
                   
"Bwiset ka!" galit na hinila ni mama ang buhok ko kaya sobra akong napadaing.
           
                 
"M-Ma a-aray—masakit po"
           
                    
"Wala kang silbi! Simpleng utos, hindi mo manlang maayos-ayos. Letche ka!!"
           
                 
"Ma"
           
               
Kinuha niya yung hose at binuksan niya yung gripo saka tinutok sa mukha ko yung hose.
           
              
"Iyang mukha mo ang lalabhan ko!"
            
              
Kumuha rin siya ng powder detergent at nilagyan ang mukha ko. Sobrang anghang at hirap na hirap na akong idilat ang mga mata ko.
           
                  
"Ma, t-tama na. M-Mama, please" umiiyak kong pakiusap.
           
         
"Bwiset!!" Tinulak niya ako kaya napadaing akong napaupo sa tiles. "Let's go Ella. Sinira na niyang bwiset mong kapatid ang gabi ko."
            
              
Hinanap ko kaagad kung nasaan yung hose, panay ang kapa ko sa tiles at pagkakakuha ko tinapat ko kaagad iyon sa mukha ko para mawala yung anghang at sabon na nilagay ni mama.
             
             
Napahagulgol na lang ako bigla. Nakita kong dumudugo rin ang braso ko. Hinawakan din ni mama kanina ang braso ko, nagkasugat dahil sa tulis ng kuko niya.
                
                                                              
                             
Naligo na ako. Pagkatapos kong maligo ay naupo na 'ko sa kama. Nilagyan ko na rin ng band aid ang sugat ko sa braso. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang hapdi ng kaliwang mata ko. Mabuti na lang at yung kanang mata ko ay maayos at mabilis na nawala yung hapdi.
           
                    
Habang nagpupunas ng buhok nakita kong tumatawag si Aliyah sa IG ko.
           
                 
Binaba ko muna ang towel ko at sinagot ang tawag ni Aliyah.
           
                 
"Busy ka ba?" Umiling ako sa tanong niya
           
                
"Bakit?"
           
               
"Anong bakit? At saka wait, umiyak ka ba, ha? Bakit parang mugto yata iyang mga mata mo? Ayos ka lang? Sinaktan ka ba diyan? Anong nangyari sayo?" sunod-sunod niyang tanong, at mababakas din sa tono ng boses nito ang pag-aalala
           
              
"Ayos lang ako Ali. May pinanood lang ako kanina tapos naiyak lang ako doon sa movie."
           
                
"Liar! Hoy, Clara, umamin ka nga sa 'kin anong ginawa sayo diyan? Aba, iyang pamilya mo sumosobra na. Pikon na pikon na ako diyan. Konting-konti na lang talaga—Arrghh kapikon!"
           
              
"Ali, ayos lang ako. Tumigil ka na, kumalma ka lang din."
           
              
"Fine, pero bukas magkita tayo sa cafe."
           
           
"Sige na Aliyah, bukas na lang. Bye na"
           
            
"Bye, Clara. Good night. See you tomorrow" nakangiti akong tumango at nag-off na ko ng cellphone.
              
                 
Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko kasi tumawag siya. Alam na alam din talaga ni Aliyah, kung nagsasabi ba ako sa kanya ng totoo o nagsisinungaling lang. Siguro kabisado na talaga niya ako.
             
                
Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ko kayang mawala sa 'kin si, Aliyah. Siya na lang ang meron ako na ayaw kong mawala sa buhay ko.

My Family Hates Me: Clara's Story [Published under UKIYOTO PUBLISHING]Where stories live. Discover now