Sixteen days na lang ang mayroon ako. Ngayong araw rin ang kaarawan ni kuya. Mamayang gabi nga ay magkakaroon ng pool party. Ang mga bisita lang naman daw ay ang mga kaibigan ni kuya at Ella. Paniguradong mas maraming bisitang dala si Ella, dahil marami siyang kaibigan.
"Ayusin niyo iyan. Birthday ng anak kong lalaki kaya dapat maayos iyan. Nakakahiya sa mga friends niya kapag naging palpak ang birthday niya." masungit na utos ni mama sa mga nag-aayos.
Nakasilip lang ako habang nakatago sa pader. Hindi nila ako pinapababa kasi may iilang bisita na, makulit lang talaga ako kaya sumilip ako rito. May iilang kaibigan na rin si kuya na maagang nagpunta rito.
"Mom, bakit ba kasi may paganito ka pa? Hindi na ako bata, dapat nga lumabas na lang kami ng mga kaibigan ko." iritadong sabi ni kuya.
"Once in a year lang ang birthday Lance, kaya hayaan mo na ako." nakangiting sagot ni mama. "Isa pa hindi naman pang baby ang party na 'to, pool party ito my son, bagay 'to sa mga kagaya niyo. For sure magugustuhan 'to ng mga friends mo na darating pa mamaya." dagdag pa nito
Napangiti na lang ako habang pinapanood silang nag-uusap. Napasandal na lang din ako sa pader habang iniisip na sobrang swerte nila kuya at Ella, kila mama at papa. Ako never nilang na-celebrate ang birthday ko. Naranasan ko lang mahandaan at ma-celebrate ang birthday ko noong sixteen ako. Si Aliyah at ang family niya ang kasama kong nag celebrate no'n.
Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko yung mga sinabi kagabi ni mama. Hindi niya ako anak, kaya kahit kailan hindi ko talaga mararanasan at mararamdaman na mahalin nitong pamilya na 'to.
Siguro kung siya talaga ang mama ko, baka hindi ganitong buhay ang nararanasan ko ngayon. Pero kung sakaling may taning pa rin ang buhay ko, malamang nandito sila sa tabi ko para damayan at alagaan ako.
Sana... sana kahit isang beses lang, sana maramdaman ko ang pagmamahal nila. Kahit sa pagpapanggap lang ay masaya na 'ko.
Bumalik ako sa kuwarto ko. Inulit ko ang ginawa kong bracelate para kay kuya. Wala akong nabili na iba kaya beads ang nabili ko no'ng nakaraan. Mas maganda rin siguro kung gawa ko mismo ang ibibigay ko sa kanya.
Sunod-sunod na pagkatok ang narinig ko sa pinto ko kaya nagulat ako. Dali-dali kong hinila ang comforter ko para maitago ang mga ginagawa ko.
Tumayo na 'ko at lumakad saka ko binuksan ang pinto. Pagkabukas ko, bumungad sa 'kin si mama. "Ma, m-may iuutos ka po ba?"
"Wala. Pero gusto ko lang ipaalala sayo Clara, na hindi ka puwedeng lumabas sa kuwartong 'to hanggat hindi natatapos ang araw na 'to. Birthday ngayon ng kuya mo, huwag mo sanang sirain." Duro niya sa 'kin at binaba rin niya agad ang daliri niya. "Isa kanang kahihiyan sa pamilyang 'to Clara, huwag mo na sana dagdagan pa. Nagkakaintindihan ba tayo?" taas kilay nitong tanong.
"O-O-Opo, mama" nakangiting sagot ko.
"Good" Tumalikod na rin siya at akala ko aalis na pero humarap na naman ulit siya sa 'kin. "Padadalhan na lang kita ng food mo dito para wala kanang maging rason para bumaba pa." matapos niyang sabihin iyon ay tuluyan na siyang umalis.
Sinara at nilock ko na ang pinto ng kuwarto ko.
Bigla na lang gumuhit sa labi ko ang matamis na ngiti at napahiga agad ako sa kama at nag pagulong-gulong doon. Hindi ko alam pero ang saya ko ngayon. Pakiramdam ko naging concern bigla si mama sa 'kin. Hindi naman siya ganon sa akin noon, kaya ngayon ramdam na ramdam nitong puso ko ang pagkasaya. Nihindi nga mawala-wala sa labi ko ang ngiti. Noon kasi ay wala naman siyang pakealam kahit magutom ako.
Napaupo ako sa kama dahil nag ring bigla yung cellphone ko. Tinignan ko kung sino iyon. Nabasa ko ang pangalan ni, Aliyah sa screen ng cellphone ko kaya sinagot ko na.
"Aliyah, kumusta ka?" unang pabungad ko.
"Ako yung tumawag, ikaw ang nangumusta. Pero okay lang ako Clara, salamat sa pagtatanong."
"Bakit ka pala napatawag, Ali?"
"Gusto sana kitang ayain dito sa bahay, nagluto kasi si mommy at nag request ako sa kanya ng paborito mo."
Napahawak ako sa labi ko at napatango. "Ali, sorry hindi ako makakalabas sa bahay. Maraming tao dito ngayon, eh."
"Huh? Anong meron?"
"Birthday ni kuya, kaya nagsisidatingan na yung ibang bisita. Hindi ako makalabas, ayaw kasi ako payagan ni mama. Alam mo naman." Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Naiintindihan ko Clara, sige mag-enjoy ka na lang muna diyan. Bukas na lang, bye"
"Salamat Aliyah, bye"
Binaba ko na ang cellphone ko at bumalik na ulit ako sa tinatapos kong bracelate.
Kinagabihan, napaka ingay na sa pool area. Sumilip ako sa bintana, hawak ko rin ang kurtina para tama lang ang nakikita ko. Paniguradong hindi nila ako mapapansin.
Napangiti na lang ako pagkakita ko kay, kuya na sobrang nag e-enjoy. Mukhang nagustuhan nga niya ang pool party na hinanda ni mama sa kanya.
Napatingin ako sa hawak kong bracelate na ako mismo ang gumawa. Gusto ko sanang puntahan si kuya para batiin at ibigay sa kanya itong ginawa ko, pero kasi hindi naman ako pinayagan ni mama na bumaba. Ayaw niya kasi na makita ako ng mga bisita ni kuya. Siguro bukas ko na lang ibibigay.
Tumingin ulit ako sa ibaba, bigla akong napaatras at nabitawan ko rin ang kurtina dahil nakita ko si kuya na nakatingin dito sa taas.
Sana naman hindi niya ako nakita. Malalagot talaga ako kapag nakita niya ako.
Inip na inip na ako rito sa kuwarto ko. Nakakain naman na 'ko, pero gusto kong lumabas.
Hindi naman siguro nila ako makikita. Hindi na lang din ako magpapakita. Sobrang bored na bored lang talaga ako rito sa kuwarto ko. Wala na kasi akong magawa na iba.
Kanina nagbasa lang ako ng libro, inulit yung bracelate ni kuya, nag guitar tapos pagulong-gulong lang sa kama ang mga ginawa ko.
Tumayo ako at tumingin sa pintuan. Siguro naman kapag sinubukan kong lumabas, hindi naman siguro nila ako mapapansin.
"Wooohh! Kaya ko 'to" Lumakad na 'ko at hinawakan ko na ang doorknob. Napapikit na lang ako sabay ikot sa doorknob.
Sumilip muna ako, pagkasilip ko nakita ko si mama sa bandang dulo. Nakaupo siya sa sofa habang natutulog.
Lumabas ako ng kuwarto at dahan-dahan na naglakad palapit kay mama. Pagkalapit ko nga ay kinuha ko yung jacket niya na nakalapag sa tabi niya. Dahan-dahan kong pinatong iyon sa katawan niya. Malamig kasi dito sa second floor kaya baka ginawin siya.
Napagod siguro siya buong araw. Mas excited pa kasi siya kaysa kay kuya kanina.
Hinalikan ko rin sa noo si mama. Gumalaw ito kaya bigla akong kinabahan, pero mabuti na lang dahil hindi siya nagising.
"Good night, mama" nakangiting sabi ko at lumakad na ulit ako pabalik sa kuwarto ko.
Lance POV11 p.m. na at nagsi-uwian na ang mga bisita ko at ang mga inimbita ni Ella. Nasa second floor na 'ko ng bahay. Lalakad na sana ako para magpunta na sa kuwarto ko pero napalingon ako sa kuwarto ni Clara. Ang alam ko buong araw hindi siya nakalabas dahil sa utos ni mom.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero binuksan ko ang pinto ng kuwarto niya at pumasok ako sa loob. Pagkakita ko sa kanya mahimbing na siyang natutulog.
Lumapit ako sa kanya. Napansin kong hindi nakaayos sa katawan niya ang comforter kaya hinawakan ko iyon. Bago ko pa maayos ang comforter niya, napansin ko ang mga pasa at kaonting sugat sa braso niya. Pati ang binti niya ay may pasa rin.
Naupo muna ako sa gilid ng kama niya. Hinawi ko ang buhok(wig) nito na nasa mukha niya. Nagtataka tuloy ako ngayon kung bakit sa tuwing nakikita ko siya sa ibaba ay palaging may takip ang kaliwang mata niya. Pero ngayong tulog siya, inalis naman na niya.
Tinignan ko ulit ang mga pasa niya. Hindi namin iyon nakikita sa tuwing nasa ibaba siya. May nilalagay siguro siya para takpan ang mga pasa niya.
Tumayo na 'ko dahil baka magising pa siya. Inayos ko na rin muna yung comforter niya at lumakad na 'ko. Pagod na pagod ako ngayong araw kaya gusto ko na rin magpahinga.
Lalabas na sana ako pero napahinto ako pagkakita ko sa cabinet niya na nakabukas. Lumapit ako doon at isasarado ko na sana pero may nakita akong dalawang bote ng gamot. Kinuha ko iyon at nakita kong puno pa. Parang hindi pa nababawasan. Tumingin ako kay Clara, nang bigla siyang gumalaw kaya dali-dali kong binalik yung dalawang bote at sinara ko na ang cabinet niya.
Lumabas ako sa kuwarto ni Clara at nilock ko iyon.
Hindi maalis sa isip ko yung mga gamot. Para saan kaya iyon? Bakit parang walang bawas?Pumasok ako sa kuwarto ko at umupo sa couch. Ipinikit ko na muna ang mga mata mo. Tinatamad pa ako mag half bath.
Hindi ko maintindihan pero pumasok bigla sa isip ko si Clara. Galit ako sa kanya. Actually may galit din ako kay dad, pero mas matimbang ang kay Clara. Si Clara ang dahilan kung bakit muntikan na kaming magkawatak-watak noon.
Simula pagkabata ay may namuo na agad na galit dito sa puso ko.
Pero aaminin ko, may parte sa puso ko na nasasaktan sa tuwing sinasaktan nila mom at dad si Clara, at sa tuwing nakikita ko ang pasa at sugat niya sa katawan.
YOU ARE READING
My Family Hates Me: Clara's Story [Published under UKIYOTO PUBLISHING]
Short StoryLumaki si Vien Clara Sanchez sa isang pamilya na kahit kailan ay hindi siya binigyan ng pansin at pagmamahal. Puro pananakit ang natanggap nito mula sa kaniyang pamilya. Sa loob ng kanilang tahanan ay wala siyang naging kakampi. Kung may isang tao m...