Clara's POV
May sakit si kuya ngayon at wala sila papa at mama dahil nasa trabaho. Habang si Ella naman nasa school.
Umupo ako sa gilid ng kama ni kuya at piniga ko ang binasa kong bimpo saka ko dahan-dahan na pinunas sa mukha niya. Panay ang pag-ubo niya kaya ginawan ko rin siya kanina ng luya na dinikdik at pinakulo.
Pagkatapos ko siyang punasan ay bumaba na ulit ako para lutuan siya ng makakain. Hindi ko alam kung anong maluluto ko dahil bagsak na bagsak ang katawan ko ngayon. Yung mabilis at madali na lang siguro ang lulutuin ko.
Chineck ko yung ref namin at masuwerte pa rin dahil nakapag grocery ako kahapon. May stock kami.
Nagluto ako ng lugaw dahil wala pa siyang kain mula kanina. Pagkatapos kong magluto bumalik na ako sa kuwarto niya. Pagkapasok ko ay nakita ko siyang nakaupo habang nakasandal sa headboard ng kama niya.
"Anong g-ginagawa m-mo rito?" nahihirapan nitong tanong
Nginitian ko si kuya saka ko nilagay sa gilid ng kama niya yung dala kong tray. "Kumain ka na po muna kuya, para makainom ka na rin ng gamot"
"Clara, umalis ka na. Hindi mo k-kailangang..." muli siyang umubo kaya hinagod ko kaagad ang likod niya. "A-Alis na" Tinabig niya ang kamay ko kaya medyo napa atras ako.
"Kuya" kinagat ko ang ibabang labi ko. "H-Hayaan mo sana akong alagaan ka... kahit ngayon lang" nakayukong sambit ko.
Nag-angat ako ng tingin at nakatingin din pala siya sa mga mata ko. "Bakit hindi mo subukang alagaan ang sarili mo? Tignan mo nga ang sarili mo, mas mukha ka pang may sakit kaysa sa 'kin"
"Wala naman p-po akong sakit"
Muli akong lumapit sa kanya at kinuha ang kutsara na may lamang lugaw, inihipan ko muna iyon saka ko tinapat sa bibig niya. Ilang segundo siyang nakipagtitigan sa mga mata ko bago niya sinubo ang lugaw.
Nanatili ako sa kuwarto ni kuya hanggang gabi para bantayan na muna siya. Kanina ay bumaba na ang lagnat niya, pero ngayon ay tumaas na naman. Nilagyan ko lang din siya ng bimpo sa noo niya.
Sumandal ako sa sofa at ipinikit ko ang mga mata ko.
•••
Months passed, I only have twenty days to live. Twenty days, at gusto kong i-enjoy na lang ang natitirang araw ko.
"Salamat Aliyah, at sinamahan mo ako kanina na mamasyal. Dahil sa 'kin hindi ka tuloy nakapunta sa lunch niyo, sorry—"
"Clara, naiintindihan nila mommy ang kalagayan mo, ayaw rin naman nila na iwan agad kita kapag mag kasama tayo. Stop saying sorry dahil wala kang dapat na ika-sorry. Tandaan mo Clara, masaya akong nakakasama sayo. Masaya ako kapag ako ang tinatawagan mo sa tuwing may problema ka." nakangiting sabi ni Aliyah
"Thank you talaga Aliyah" Yinakap ko siya at yinakap niya rin ako pabalik.
"Lahat gagawin ko para sayo"
Hindi ko man nakikita ang mukha niya ngayon dahil mag kayakap kaming dalawa, alam kong umiiyak na naman siya.
Pagkauwi ko sa bahay nag-asikaso kaagad ako ng pang dinner nila. Lahat sila ay may pasok, maya-maya lang din ay nandito na sila.
Sa totoo lang hindi ko na talaga kaya. Ang bagal ko na kumilos, hinang-hina na ako, at parang babagsak na ang katawan ko sa tuwing naglalakad. Sa bawat araw na dumadaan, palaging dobleng sakit ang nararamdaman ko. Buti nga at nagagawa ko pang tumayo. Nagagawa ko pang mag-asikaso sa kanila kahit na ganito na ako.
Gusto kong sumuko na
Gusto kong mag pahinga na
Pero kapag ganon ang iniisip ko, napapaisip din agad ako. Paano na yung mga laban na naipanalo ko na? Minsan na akong sumuko, ayaw kong maulit iyon. Marami na akong nalagpasan na problema, alam kong malalagpasan ko rin ulit ito.
Pero sana maawa pa sa 'kin ang panginoon. Sana hayaan niya muna akong ganito. Hayaan niya muna sana akong makakilos at mapagsilbihan ang pamilya ko.
YOU ARE READING
My Family Hates Me: Clara's Story [Published under UKIYOTO PUBLISHING]
Short StoryLumaki si Vien Clara Sanchez sa isang pamilya na kahit kailan ay hindi siya binigyan ng pansin at pagmamahal. Puro pananakit ang natanggap nito mula sa kaniyang pamilya. Sa loob ng kanilang tahanan ay wala siyang naging kakampi. Kung may isang tao m...