Aliyah's POV
Alam kong malabo na talaga ang lahat. Pero sinubukan ko pa rin na magpunta rito sa ospital, dito sa opisina ng Doctor na nag check noon kay Clara.
"I'm sorry Ms. Ventura, natagalan ako"
Tumingin ako kay Doc at naupo naman siya sa swivel chair niya at ngumiti ako sa kanya. "Ayos lang po Doc. Pasensya na po kung biglaan yung pagpunta ko rito. Hindi manlang ako nakapag set ng appointment sa inyo, sorry po."
"It's okay Ms. Ventura, wala naman akong pasyente ngayong araw." Napatango ako sa sagot ni Doc. "Ano bang maipaglilingkod ko sayo Ms. Ventura?" tanong nito
"Yung tungkol po sa bestfriend ko. Si, Clara" Kumunot ang noo ni Doc pagkabanggit ko sa pangalan ni Clara. "Siya po yung pasyente niyo na sinabihan niyo na may taning na ang buhay kung natatandaan mo pa. Sorry Doc, pero hanggang ngayon ayaw kong paniwalaan iyon. Si Clara, lang ang bestfriend ko. D-Dapat alam ko lahat about sa kanya, eh... p-pero yung sa sakit niya, hindi ko po agad nalaman iyon. Doc, talaga bang may taning na siya? Baka nagkamali lang kayo? Baka naman may nagkapalit lang na result, baka hindi kay Clara iyon" pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko.
"Two years ago, nandito rin si Clara Sanchez dahil may kaklase siyang nagdala sa kanya rito. Noong araw na dinala siya rito, ako mismo ang tumingin sa kanya. Meron siyang cancer. Sinabihan ko siya na kailangan niyang i-confine para sa mga test na gagawin namin sa kanya pero tumakas siya. Bumalik naman siya, siguro five months ang nakalipas noon bago siya bumalik. Binigyan ko siya ng gamot, pero mukhang hindi siya nag te-take non." seryosong lintanya ni Doc. "Sa totoo lang Ms. Ventura, napakabata pa ng kaibigan mo, kaya pa naman dapat namin siyang gamutin noon, pero hindi siya nagpagamot. Sarili niya mismong katawan ang hindi niya inalagaan." dagdag pa ni Doc.
Napayuko ako at pinunasan ko ulit ang pisnge ko.
"Kumusta na ba ang kaibigan mo?" Tumingin ako kay Doc dahil sa tanong niya.
"She's s-still alive. Sobrang hina na nga lang niya, pero pinipilit pa rin niyang lumaban." nakangiting sagot ko. "Doc, w-wala na ba talagang pag-asa? Baka meron pa, m-maraming pangarap yung kaibigan ko, eh. Lahat gagawin ko, sige na Doc baka may chance pa, subukan niyo lang" lumuluhang sabi ko
"Maswerte kayo dahil nakakasama niyo pa siya ngayon. I-enjoy niyo na lang ang bawat araw hanggat kaya niya pa. Pasensya na Ms. Ventura, sinubukan naman namin ng team ko noon na pagalingin siya."
Ngumiti ako kay Doc at saka ako tumayo at tumango sa kanya. "Thank you po Doc. Pasensya na po sa abala, mauna na po ako." Lumabas ako sa opisina niya at naglakad na sa hallway ng ospital.
Mas napahigpit ang pagkakahawak ko sa bag ko at pilit kong dinadala ang sarili kong katawan pababa sa hagdan.
Wala akong ibang marinig kundi ang yapak lamang ng paa ko. Hanggang sa makalabas na ako ng ospital pinipilit ko pa rin na dalhin ang sarili ko sa sasakyan ko.
Habang nagmamaneho ako nag ring bigla yung cellphone ko kaya nagsuot agad ako ng headset.
"Clara?" Panimula ko
Kumunot ang noo ko pagkarinig ko sa paghikbi niya mula sa kabilang linya.
"Clara? Clara are you okay? Anong problema?"
"A-Ali... A-Aliyah yung ka-kaliwang mata ko"
"Oh my god!" mas tinodo ko na ang speed ng kotse ko. "Papunta na 'ko. Nandiyan ba ang parents mo, siblings mo?"
"Wa-Wala... y-yung kaliwang mata ko hindi na maka-aninag"
"Malapit na 'ko Clara, kung kaya mong bumaba papunta sa living room, pumunta ka na doon. Papunta na ako diyan, susunduin kita."
Lord please huwag niyo po sanang pababayaan ang kaibigan ko. Tama na ang paghihirap niya, tama na please. Huwag niyo naman na iyong dagdagan pa.
Dinala ko si Clara sa malapit na private hospital. Nandito ako ngayon sa waiting area at hinihintay ko lang ang paglabas nila.
Sana naman maayos lang siya. Grabe na ang pinayat niya. Pati ba naman mata niya mabubulag pa.
Naiyukom ko ang parehong kamao ko habang iniisip yung pamilya niya. Hindi manlang ba nila naiisip na yung anak nilang si Clara, grabe na yung pinagbago, sa katawan palang mahahalata na. Pati sa ulo, siguro naman nakita na nila si Clara na wala na ang buhok, hindi ba nila naisip na baka may sakit ang anak nila? Ganon ba talaga sila kawalang kwenta.
Hindi ko alam kung bakit may mga kagaya pa nila na nabubuhay sa mundong 'to. Alam kong masama pero, sana sila na lang ang nagkaroon ng sakit na meron si Clara ngayon. Sana ang magulang at kapatid na lang ni Clara ang nagkaroon ng taning. Mga bwiset sila.
"Aliyah"
Tumingin ako sa gilid ko, nakita ko si Clara na naka wheel chair habang hila-hila ng isang nurse.
"Clara" Nilapitan ko agad siya at saka naman umalis yung nurse. Lumuhod ako para mapantayan ko siya. "Kumusta? Masakit ba?"
"P-Pumunta tayo sa beach" nakangiting sabi nito at hindi sinagot ang tanong ko. Nakita ko ang kaliwang mata niya na nakatakip ngayon. "Ali, sa beach ko g-gusto"
Yumuko ako at pinunasan ko ang luha ko saka ulit ako nag-angat ng tingin at nginitian ko siya saka ako tumango.
Tumayo na 'ko at pumunta sa likod niya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napatakip ng bibig, habang pinipigilan ko ang sarili ko na lumuha. "Si-Sige sa beach tayo"
Kailangan na kahit isa manlang sa amin ay maging matatag. Hindi puwedeng maging ako ay maging mahina sa harapan niya.
Mukhang yung kaliwang mata niya, hindi na talaga nakakakita. Kasalanan iyon ng nanay niya, wala siyang kwentang ina. Sarili niyang anak binulag niya.
Hinding-hindi ko sila mapapatawad. Masahol pa sila sa hayop.
Pagkarating namin sa parking, inalalayan ko siya sa pagsakay sa back seat. Hinila ko rin yung wheel chair papunta sa gilid ng parking saka ako pumunta sa driver seat at sumakay doon.
"Clara, may beach na malapit dito. Hindi gaanong matao doon sa ganitong oras, doon na lang kita dadalhin." nakangiting sabi ko sa kanya
Wala akong narinig na sagot sa kanya. Nasa malayo lang ang tingin niya kaya naman nag drive na ako.
Pagkarating namin sa beach, inalalayan ko ulit siya sa pagbaba sa kotse ko. May napansin akong bench sa ibaba kaya doon ko inalalayan si Clara. Mas maganda kung nakaupo siya sa bench.
Naupo na kaming dalawa. Tumingin ako kay Clara na nakangiti ngayon habang pinagmamasdan ang alon ng dagat.
Nagtaka ako bigla nang tumayo si Clara at pumunta sa katabi kong puno. May katabi kasing puno itong bench na inuupuan ko ngayon.
"Clara" Kumunot ang noo ko pagkakuha niya ng bote na basag. Mukhang may nag basag dito ng bote tapos hindi manlang niligpit o tinapon. "Clara, baka masugatan ka niyan"
"Ayos lang, Aliyah" nakangiting sagot niya at may kung ano siyang sinulat doon sa puno gamit ang basag na bote.
Pinanood ko na lang ang ginagawa niya. Sinulat niya sa puno ang pangalan niya. Mas lalo tuloy akong nagtaka. Akala ko tapos na siya sa pangalan niya, sinulat din niya doon sa ibaba ng pangalan niya ang pangalan ko.
"Bakit mo sinulat yung pangalan natin diyan?" nakangiting tanong ko
"Para kapag nawala na ako may memories tayong dalawa sa beach na 'to." nakangiting sagot niya na ikinawala naman ng ngiti ko.
"Change topic, ayaw ko sa ganiyang usapan Clara. Nandito ka pa nga pero yung iniisip mo ganyan na."
Lumakad siya palapit sa 'kin kaya umusod ako para makaupo siya sa bench. "Aliyah, malapit na akong mawala. Eighteen days na lang matutulog na ako at hindi na magigising kailan man." nakangiting sabi niya na parang proud pa siya na pinapaluha ako.
"Shut up" Tumayo ako at tumingin sa dagat. Tumakbo kaagad ako doon. Binasa ko ang paa ko at nilingon ko si Clara. "Maganda ang sunset dito!! Panoorin natin mamaya, gusto mo?!" sigaw kong tanong para marinig niya.
Nakita kong ngumiti siya at tumango, tapos nag thumbs up pa kaya napangiti rin ako.
Palubog na ang araw at sabay naming pinapanood ni Clara, ang pag lubog nito. Nakasandal ako sa balikat niya at nakaupo kami pareha sa buhangin.
"Bukas... gusto ko sanang bumalik dito"
Inayos ko ang pagkakaupo ko at tinignan ko si Clara. "Sige, kung gusto mo ulit bumalik dito, babalik tayong dalawa"
"Salamat"
Tumango ako at yinakap ko siya.
Clara's POV
Pagkauwi ko sa bahay hindi ko nakita doon ang mga kapatid ko pati sila mama at papa. Siguro hindi pa sila nakakauwi ngayon.
Isang oras na rin ako rito sa kuwarto ko. Nakapag luto na rin ako ng dinner para sa kanila. Malapit na rin ang birthday ni Kuya Lance, kaya kanina nagpunta rin kami ni Aliyah, sa mall. Bumili ako ng puwedeng pang-regalo kay kuya. May nakita akong magandang klase ng beads kaya ganon ang binili ko. Naisip kong gawan na lang siya ng bracelet. Relo sana dapat ang bibilhin ko kaso hindi siya mahilig sa relo.
Inakala nga ni Aliyah na para sa 'kin yung beads at bracelate na gagawin ko. Ayaw kong aminin sa kanya na para talaga iyon kay kuya, kasi paniguradong iikot na naman ang mga mata niya.
Napangiti ako matapos kong maibalot ang regalo ko. Tumayo na ako at nilagay ko iyon sa likod ng mga damit ko para hindi makita o mapansin.
Lumabas na rin ako ng kuwarto at bumaba. Pagkababa ko ay nakarinig ako ng ingay. Pagkakita ko nakita ko ang pamilya ko na nagsasaya. Hindi rin nila ako napansin agad dahil medyo malayo ako, at may malaking halaman ang nandito sa gilid ng hagdan.
"May result na ba?" tanong ni kuya kay Ella.
"Just wait, bro... Oh my ghad!!" biglang sigaw ni Ella. "Nagawa ko po ulit, mom, dad, bro, honor ulit ako. Oh my ghad!" masayang sabi ni Ella na ikinangiti ko rin.
"I'm so proud of you baby" Hinalikan ni mama sa pisnge si Ella.
"I told you makakapasok ka ulit, sa 'kin ka kaya nagmana" proud na sabi ni kuya.
"Anong regalo ang gusto ng bunso namin? Kahit ano bibilhin namin" tanong ni dad.
"Mom, dad, puwede po ba na magpunta tayo sa Italy? Gusto ko po sanang makapunta sa Italy" pagpapacute ni Ella at pinagdikit pa ang parehong palad.
"Sure baby, pero kapag tapos na ang school year niyo ni Lance. Sinisiguro ko sayo tayong apat ang pupunta doon."
Apat? Kung ganon hindi ako kasama?
"Tayong apat lang, mom? How about Clara?" Napatingin ako kay kuya dahil sa tanong niya.
"Masisira lang ang family bonding natin kapag isasama pa natin si Clara. Isa pa mas mauuna na matatapos ang school year nila Ella, kaya dito na lang siya sa bahay, bantayan niya ito at maglinis siya." nalungkot ako sa naging sagot ni mama.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko at lumakad na ulit ako. Tuluyan na akong bumaba sa hagdan at naglakad papunta sa kanila. Lahat sila ay napalingon sa 'kin.
"Nasa honor list ulit ang kapatid mong si Ella, how about you Clara?" tanong ni papa
"Aasahan niyo ba na magiging honor student siya like me? Eh, kung alam niyo lang po, puro lang siya gala after class. Nakikita namin iyan ng mga friends ko sa park at mall, gumagala kasama yung friend niya. Remember Aliyah? Doon siya palaging sumasama. Yung Aliyah na iyon masyadong malandi, so I think nahawaan na rin niya si Clara. Imposible na mag focus pa sila sa pag-aaral." lintanya ni Ella na hindi ko nagustuhan.
"Pagsalitaan niyo na po ako ng hindi maganda pero huwag na huwag ang kaibigan ko. Hindi ho ganong klase ng tao si Aliyah dahil matino siya. May dignidad ho ang kaibigan ko." Buong lakas kong sabi sa kanila. "Sorry po, mauna na po ako." Tumalikod na ulit ako at lumakad na ulit papunta sa second floor. Aalis na lang ako dahil baka masaktan lang ulit ako.
Aliyah's POV
"Gusto niyong ikasal ako sa lalaking iyan?" inis kong tanong kay mommy.
Akala ko simpleng family dinner ang magaganap dito sa restaurant, kaya gusto nilang umuwi agad ako kanina. Hindi ko alam na ganitong dinner pala ang mangyayari.
"Para sa kompanya natin Aliyah, umayos ka. Alam na rin ito ng dad mo." bulong ni mommy kaya naitago ko ang kanang kamay ko sa ilalim ng table at naiyukom. "Pasensya na, hindi lang kasi namin nabanggit kay Aliyah ang tungkol sa magaganap nilang kasal ni Axel. Pero payag at handa naman si Aliyah."
Gusto kong sumigaw at magmura ngayon. Buong katawan ko, ramdam na ramdam ko ang galit. Mas nangingibabaw ang galit ko ngayon.
Bwiset na bwiset pa akong sa lalaking nasa harapan ko. Wala manlang sinasabi, letche.
"Aliyah, my future daughter-in-law, please call me mama"
Tumingin ako kay Mrs. Perez at kay Mr. Perez, saka doon sa anak nilang seryoso ang mukha na nakatingin sa 'kin ngayon.
Naalis ang tingin ko sa kanila pagkakita kong nag riring ang cellphone ko at pangalan ni Clara ang nasa screen.
Hinawakan ko na ang cellphone ko para masagot yung tawag ni Clara pero bigla namang nagsalita si mommy. "Mamaya mo na sagutin iyan Aliyah, buong hapon mo na siyang kasama, itigil mo muna ang pagce-cellphone. Mahiya ka sa mga kasama natin."
Tumingin ako sa mga kasama namin. Nakakabastos nga at nakakahiya kung sasagutin ko ang tawag ni Clara. Tama rin si mommy, buong hapon ko nang kasama si Clara.
Tumayo ako at nginitian ko silang lahat. "Excuse lang po, mas importante kasi yung tumatawag sa 'kin ngayon." may galang kong sabi saka ko dinampot ang cellphone ko at lumabas kaagad ako sa restaurant.
Ayaw ko sa restroom, gusto ko na rin kasing umuwi ngayon. Anong oras na rin at gusto ko na ihiga ang buong katawan ko sa malambot kong kama.
Pagkarating ko sa parking tinawagan ko si Clara.
"Aliyah"
"Clara, sorry hindi ko agad nasagot yung tawag mo. Wala kasi ako ngayon sa bahay namin, nandito ako sa labas kasama ko si mommy."
"Ayos lang Aliyah, sige na. Um, bukas na lang tayo mag-usap"
Binaba ko saglit ang cellphone ko pagkakita ko kay Axel. Dumeretsyo siya sa isang ducati, siguro kanya iyon. Malamang kanya talaga iyon, nilapitan niya, eh.
Sumakay siya sa ducati niya at bago pa niya isuot ang helmet niya lumingon muna siya sa 'kin. "Huwag mo sanang isipin na gusto kong ikasal sa kagaya mo. Hindi ang kagaya mo ang tipo ko. Ayaw ko sa babaeng maarte at mahilig pumutak."
Puta?!
Ano raw?
Matapos niyang sabihin iyon umalis na siya agad.
"Bwis—" hindi ko na tinuloy dahil may mga taong paparating. Bwiset yung Axel na iyon.
Tinignan ko ang cellphone ko saka ko nilagay ulit sa tenga ko. "Clara, nandyan ka pa ba?" tanong ko mula sa kabilang linya.
"Oo—teka Ali, ayos ka lang ba? Sino yung kausap mo diyan, bakit parang narinig kong sumigaw ka? May kaaway ka ba?"
"May muntikan lang masigawan Clara, don't worry I'm fine."
Inis kong inihagis sa couch yung shoulder bag ko pagkauwi namin ni mommy sa bahay.
Hindi naging maganda ang gabi ko dahil sa kanila. Tapos dumagdag pa yung pang-iinsulto no'ng Axel na iyon, kairita.
Tinignan ko si mommy at inirapan ko siya, pero hindi naman niya iyon nakita dahil busy siya sa pagce-cellphone.
Napabuntong hininga ako. "Hindi niyo po ako puwedeng ipakasal kay Axel. Hindi po namin mahal ang isa't-isa. At saka hindi niyo ako ininform."
"Aliyah, mahal niyo man o hindi ang isa't-isa, kung ito lang ang puwedeng makapagsalba sa kompanya natin, gagawin namin ng daddy mo. Wala kang choice Aliyah."
"Mom, may choice ako sa buhay ko dahil buhay ko 'to! Huwag niyo sanang pangunahan ang desisyon ko sa buhay. Wala pa po sa plano ko ang pagpapakasal kaya ayaw ko po." inis kong sabi at nagulat ako sa biglang pagsampal niya sa 'kin.
"Walang kang choice Aliyah. Aalisin ko ang lahat sayo kapag hindi ka pumayag." mommy ko ba talaga 'to?
"You know what mom, wala kang pinagkaiba sa mommy ni Clara! Sinasaktan niya ang anak niya at ikaw, ganon ka rin sa 'kin! Hindi ka ganiyan mommy! Pinagmamalaki pa naman kita, tapos ganon ka rin pala. Handa kang ipagkalulo ang sarili mong dugo, para sa kompanya—para sa pera!!" galit sigaw at tumakbo ako palabas ng bahay.
Sumakay kaagad ako sa kotse ko at nag drive ako palabas ng garage.
Bahala na kung saan ako mapadpad ngayon. Hindi ko puwedeng tawagan si Clara dahil ayaw kong mag-alala pa siya at ayaw ko rin dumagdag sa mga iniisip niya.
"Ahhh! Bwiset! Letche!" galit kong pinaghahampas ang steering wheel.
YOU ARE READING
My Family Hates Me: Clara's Story [Published under UKIYOTO PUBLISHING]
Short StoryLumaki si Vien Clara Sanchez sa isang pamilya na kahit kailan ay hindi siya binigyan ng pansin at pagmamahal. Puro pananakit ang natanggap nito mula sa kaniyang pamilya. Sa loob ng kanilang tahanan ay wala siyang naging kakampi. Kung may isang tao m...