Chapter 11

21.1K 441 57
                                    

NAGISING ako na nasa kwarto na. Hindi ko rin masyadong maalala yung mga nangyari kagabi. Kahit na anong pilit ko, sumasakit lang ang ulo ko.

Tumingin ako sa orasan, nanlaki ang mga mata ko pagkakita kong 9 a.m. na. Shit! Kailangan ko pa palang magkapagluto ng breakfast nila.

"Gising ka na pala"

Tumingin ako sa pumasok sa kwarto ko.

"Kuya Lance..." dahan-dahan akong naupo sa kama at napahawak pa ako sa ulo ko at napadaing, pero inalis ko rin agad ang kamay ko doon saka ulit tumingin kay kuya. "Pasensya na po, kuya kung nalate ako ng gising. Pupunta na po ako sa ibaba" nagmamadaling sabi ko.

Aalis na sana ako sa kama ko pero hinarang naman ni, kuya ang kamay niya. "Stop" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Nilalagnat ka, kumain ka na muna at uminom ng gamot pagkatapos." talaga bang si kuya ito?

"Hi-Hindi na po kuya, kaya ko naman na po" nakangiting sabi ko at bababa na sana ako sa kama pero pinigilan ulit niya ako.

"Kakain ka o susubuan pa kita?" seryoso talaga ang pagmumukha niya. Wala akong nagawa kundi ang tumango na lang at kinuha ko yung dinala n'yang pagkain.

"S-Salamat po, kuya"
                 
               
          
Pinagpahinga lang ako ni kuya, dahil sabi niya wala raw dito sila mama, papa at Ella. May pinuntahan daw at siya lang ang hindi na muna sumama.

Bumalik ulit si kuya dito sa kwarto ko at nilagyan ng bimpo ang noo ko. Napangiti ako sa ginawa niya. "Thank you, kuya" hindi na niya ako pinansin at umalis na siya agad sa kwarto ko.

Fourteen days na lang pala ang meron ako. Gusto ko pa sanang makabalik sa beach, makapunta sa museum, manood ng cine, bumalik sa park, makapag arcade, marami pa akong gustong gawin.

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko habang iniisip ang mga bagay na gusto ko pang magawa habang buhay pa ako.

"S-Sana magawa k-ko pa lahat" bulong ko.

Napahawak ako sa braso ko nang kumirot 'yon. Kinuha ko ang unan ko at yinakap ko 'yon. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at pilit na nilalabanan ang kirot ng braso ko.
                               
                            
                    
Dalawang oras palang ang nakalipas, nakatanggap ako ng message kay kuya.

[Kuya Lance: Check up yourself, Clara dahil nasa pharmacy ako ngayon.]

[replied to Kuya Lance: Thank you po kuya, pero okay na po ako]

Bakit ba parang concern siya bigla sa akin ngayon? Hindi naman siya ganito sa akin noon. Wala nga s'yang pakealam noon kahit na may sakit ako.

Pero ang saya ko. Ang saya ko kasi inaalagaan ako ngayon ng kuya ko. Sana bumagal ang oras, gustong-gusto ko pa itong nangyayaring pagiging concern sa akin ni kuya.

Tinignan ko sandali ang I.G ko. Bumungad sa akin ang post ni Ella. Kaya pala wala silang tatlo dito ngayon sa bahay, nandoon pala sila kay tita (mother side), mukhang may celebration na nagaganap doon.
                                 
                      
                                   
                                
Hapon ay umalis ako sa bahay. Hindi ako personal na nagpaalam kay kuya, sa halip ay nag text lang ako sa kaniya.

Nandito ako sa beach ngayon at kasama ko ang kaibigan ko.

"Aliyah, dito mo naman ako picturan" nakangiting sabi ko at nag wacky ako.

"Sige, d'yan ka lang tumayo....okay na, wait lang, umupo ka naman" sinunod ko siya sa mga sinasabi niya. "Taas mo dalawang kamay mo, yung nag-eenjoy ka....perfect, ang ganda mo talaga, Clara"

My Family Hates Me: Clara's Story [Published under UKIYOTO PUBLISHING]Where stories live. Discover now