It's already eleven o'clock. Nandito kaming dalawa ni Aliyah sa cafe na sinasabi niya. Wala ang parents ko kanina kaya nakaalis ako sa bahay namin. Isa pa wala rin naman silang inutos sa 'kin kaya puwede akong lumabas. Minsan lang din ako maging malaya kaya gusto kong sulitin.
Hindi naman masama kung minsan mag e-enjoy ako.
"Anong nangyari diyan?" biglang hinawakan ni Aliyah ang braso ko. Nagatataka nitong tinignan yung band aid na nilagay ko roon.
Pilit na ngiti ang pinakita ko sa kanya, "Wa... w-wala lang iyan, Ali" Inalis ko kaagad ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Tara na Clara, magpunta tayo sa mall at mag arcade. Namiss kong mag-arcade."
Excited na tumayo si Aliyah, kaya tumayo na rin at kinuha ko na ang shoulder bag na dala ko. Lalakad na sana ako pero bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Pakiramdam ko ay parang babagsak ang buong katawan ko dahil sa panghihina.
"Ayos ka lang?"
Tinignan ko si Aliyah, at dahan-dahan akong bumalik sa pagkakaupo sa inupuan ko at lumapit sa 'kin si Aliyah, saka hinawakan ang likod ko.
"Anong nararamdaman mo? Gusto mo bang pumunta tayo sa malapit na ospital? May alam ako"
"Hi-Hindi, Aliyah.... okay lang ako. Siguro sa sobrang init kaya bigla na lang akong nahilo. Huwag kang mag-alala dahil ayos lang naman ako." nakangiting sagot ko. "Oo nga pala, 'di ba dapat kahapon may pupuntahan tayong lugar? Tutuloy pa ba tayo doon ngayon?" pag-iiba ko ng usapan
Mariin akong napapikit dahil kumirot bigla ang ulo ko. Parang pinipiga sa sakit.
"Doon iyon sa tree house ko. Tapos na kasi yung pinagawa ni daddy na tree house ko kaya gusto kong dalhin ka doon." Napatango ako sa sinabi niya. "Gusto mo ba na doon na lang tayo magpunta?" tanong pa nito.
"Ayaw mo na ba mag arcade?" tanong ko naman pabalik
"Huwag na may susunod na araw pa naman para sa arcade. Diretsyo na tayo sa tree house ko."
Tumango ako at inalalayan niya ako sa pagtayo. Inilagay ni Aliyah, ang isang kamay niya sa bewang ko at ang isang kamay niya ay nakahawak naman sa kamay ko. Todo alalay talaga siya sa paglalakad ko.
"Masarap ang simoy ng hangin doon. Hindi rin masyadong mainit kaya sure akong magugustuhan mo doon."
"Okay sige, sabi mo iyan, eh." tanging naging sagot ko sa kanya at sumakay na ako sa kotse niya. Umikot naman siya papuntang driver seat at nag drive na.
Halos dalawang oras na byahe namin, nakarating na kami ni Aliyah sa sinasabi niyang lugar.
Namangha ako bigla sa lugar. Sobrang ganda at sobrang lawak. Kasya yata ang sampu na tree house rito.
Tama rin si Ali, sobrang sarap lumanghap ng hangin dito. Sobrang tahimik din, ang maririnig mo lang talaga ay ang huni ng mga ibon at ang paghampas ng bawat halaman.
Maganda ang lugar na ito kung gusto mo talaga ng isang lugar na tahimik.
"Clara!"
Nilingon ko si Aliyah, at saka lumakad na ulit ako para sundan siya.
Pagkarating ko sa tree house niya, umakyat na 'ko sa hagdan at pumasok sa loob. Mas namangha ako pagkakita ko sa loob. "Grabe Ali, ang lawak dito. Grabe talaga si tito sayo" nakangiting sabi ko.
Inakbayan ako ni Aliyah, at nginitian, "Kapag may problema ka sa bahay niyo, puwede kang pumunta rito. Kung gusto mong samahan kita papunta rito tawagan mo lang ako. Sinabi ko rin talaga kay daddy na magpagawa ng ganito para sa 'ting dalawa. Alam kong magugustuhan mo rin dito. Yung feeling kasi rito yung tipong para kang nasa province."
Tinignan ko si Ali. "Aliyah, thank you. Napaka suwerte ko kasi nakilala kita. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko kung wala ka." nakangiting sabi ko
"Ipangako mo lang sa 'kin na never mo 'kong kalilimutan, at hindi mo 'ko iiwan. Mangako ka Clara, kasi sa ganon lang okay na okay na ako."
Humarap ako sa kanya at tinaas ko ang kanang kamay ko. "Ako po si Vien Clara R. Sanchez, nangangako na hinding-hindi kalilimutan at iiwan si Aliyah Alcantara Ventura. Matatag ang friendship nating dalawa"
Pareho kami na natawa sa pinaggagawa ko.
"Dami mong alam" tumatawang sabi nito.
Tumingin ako sa sliding window at pumunta ako roon. Tumingin ako sa ibaba. Napangiti ako sa hangin na nalalanghap ko. Sobrang sariwa ng hangin dito. Ang gaan at sarap sa pakiramdam ng lugar na 'to.
"Clara, may food pala rito. Kaso yung food hilaw pa, gusto mo bang kumain? Lunch na rin kasi"
Hindi ako lumingon kay Aliyah, at tumango lang ako. "Ipagluluto mo ba ako?" tanong ko habang ang tingin ay nasa labas lang.
"Yes, boss"
Nakangiting tumango ulit ako, "Sige" sagot ko habang tinitignan ang mga ibon na bigla na lang nagsiliparan.
Napagpasyahan naming dalawa ni Aliyah, na maglibot na muna sa lugar. May iilan din siyang tinuro na favorite spot niya noong wala pa yung tree house.
Hindi talaga ako nagsisi na sumama rito. Ang laya ng pakiramdam ko sa lugar na 'to.
"Clara, diyan ka lang." Huminto ako sa paglalakad at nagtaka rin ako. "Wait lang, maganda yung view diya. Tumayo ka lang diyan kuhaan lang kita saglit ng picture"
"Okay na?" tanong ko
"Last... okay na"
Lumapit ako sa kanya at tinignan namin yung mga kuha niyang picture.
"Parang lumiit ako diyan" nakasimangot kong pagrereklamo na medyo ikinatawa niya.
"Hindi naman... wait—oo yata? Ulitin na lang natin"
"Sige"
"Okay perfect. Tignan mo na rito, Clara"
"Patingin"
"Ano sa tingin mo?"
"Amina iyang camera mo at ikaw naman ang kukuhaan ko. Pwesto ka na diyan"
"Teka, Clara marunong ka ba? Baduy mo kaya kumuha ng picture."
"Huwag kang mag-alala gagandahan ko ang kuha ko. Ewan na lang sa kukuhanan ko kung maganda ba."
"Hoy! Sinasabi mo yatang pangit ako, bruha ka!"
"Hindi kaya. Pwesto na kasi diyan"
"Oo na, bilisan mo ha. Gandahan mo, Clara"
8 p.m na ako nakauwi sa bahay. Medyo na-traffic din kasi kami ni Aliyah kanina. May aksidente raw kasi roon sa kalsada kanina kaya naipit ang halos lahat sa traffic.
Ngayon araw napakasaya ko. Pinasaya na naman kasi ako ng bestfriend ko.
"Buti naman at nagawa mo pang umuwi." pagsalubong ni papa sa 'kin pagpasok ko sa bahay.
"Papa, sorry na-traffic lang po kami ni Aliyah, kaya po natagalan ako." nakayukong hingi ko ng pasensya.
Napansin kong wala rito sina Ella at Kuya Lance. Ang nandito lang ay sina mama at papa.
"Sa susunod na lalabas ka agahan mo ang pag-uwi mo Clara. Alam mong ikaw ang nag-aasikaso rito sa bahay. Dahil sayo kaya sa labas na lang kumain ang dalawang kapatid mo." panenermon ni papa
"Pasensya na po"
"Puro ka sorry, pasensya, nakakarindi na iyan marinig sayo, Clara." Tumingin ako kay mama. Tumayo siya saka lumapit sa 'kin. "Ikaw bata ka itigil-tigil mo nga ang pagsama diyan sa kaibigan mong si Aliyah. Tamang uwi pa ba 'to ng isang matinong babae? Natuto ka na magpagabi sa labas dahil diyan sa kaibigan mo."
"Mama, wala pong kasalanan si Aliyah. Sobrang traffic lang po talaga kaya natagalan kami sa pag-uwi. At mabuting tao rin po si Aliyah." ako na lang ang sabihan nila ng kung ano-ano, kaya ko naman tanggapin, eh. Pero kung si Aliyah, ang pagsasalitaan na nila, nasagot na talaga ako.
Nagulat ako bigla at bigla rin akong napadaing dahil sa paghawak ni mama, sa braso ko. "Ganyan ang tinuturo sayo ng kaibigan mo, ang sumagot sa magulang mo? Mali ka na nga sumasagot ka pa!"
"Tama na iyan. Ikaw Clara, umakyat ka na sa kuwarto mo."
Binitawan na agad ako ni mama kaya napayuko ako at patakbong umakyat papunta sa kuwarto ko.
Ten o'clock na at nakaramdam ako ng pagka-uhaw kaya naisip kong bumaba na muna.
Pagkababa ko, pagkarating ko sa kitchen ay kumuha kaagad ako ng tubig.
Matapos kong uminom lumakad na ulit ako paalis. Sa kabilang pinto ako dumaan, papunta itong living room. May kukunin ako sa living room dahil nakalimutan ko iyon kanina.
Pagkarating ko sa living room, nakita ko doon si Kuya Lance na busy sa pagtatype sa laptop niya.
"Bakit gising ka pa?" nag-angat siya ng tingin sa 'kin. Napansin pala niya ako.
"U-Uminom lang po ako" sagot ko
Hindi na siya nagsalita kaya lumakad na 'ko. Nakalimutan ko na yung kukunin ko, nandiyan kasi si kuya kainis. Hays.
"Sandali"
Napahinto ako sa paglalakad at nilingon ko si kuya. "Bakit po?"
"Ikuha mo ako ng tubig." utos nito
"O-Okay po" nagmadali na ako sa pagkuha ng tubig niya. Pagkarating ko sa kitchen kumuha kaagad ako ng malamig na tubig dahil palagi mamang malamig na tubig ang iniinom niya.
Habang naglalakad ako bitbit ang baso ng tubig, bigla akong nahilo. Biglang dumilim ang paningin ko. Ramdam kong nakadilat ang mga mata ko pero wala akong makita.
Sobrang dilim para akong bulag na hindi ko maintindihan. Bigla rin na kumirot ang ulo ko.
"What the fuck!" nagulat ako sa biglang sigaw ni kuya.
"K-Kuya, anong nangyari?" tanong ko at pinipilit ko ang mga mata ko na makita kung ano ang nangyari.
"Nagtatanong ka pa talaga? Bwiset naman! Sira na ang designs ko dahil sayo." bakas ang sobrang pagkainis sa tono ng boses niya.
Paonti-unti ko na na nakikita ang nasa paligid ko. Nakikita ko na rin si kuya na nasa harapan ko habang kinukuha yung mga papel na natapunan ng tubig.
Hindi ko alam na natapon ko ang tubig.
"Kuya, sorry po" Tinulungan ko siya sa paghihiwalay ng mga papel pero bigla namang may napunit.
"Fuck!" galit na niyang sigaw na ikinagulat ko. "Puwede bang huwag ka na mangialam? Binasa mo na nga sinira mo pa lalo. Lumayas ka na sa harapan ko!"
"S-S-Sorry po" dali-dali akong umalis sa harapan niya.
Hindi ko alam na makakasira pa pala ako lalo. Gusto ko lang naman na tumulong, at isa pa hindi ko naman sinasadya yung nangyari. Ewan ko ba kasi at bigla na lang lumabo ang paningin ko.
Pagkarating ko sa kuwarto ko naupo agad ako sa kama ko at pabagsak din akong nahiga. Kinuha ko ang unan ko at tinakip sa mukha ko. "Arrghh! Nakakainis ka talaga Clara. Hindi ka manlang talaga nag-iingat." inis akong nagpagulong-gulong sa kama.
Ramdam kong galit na galit si kuya. Pero sana bukas hindi niya ako pag-initan.
Sabado ngayon at may pasok ako sa isang canteen. Isa akong dishwasher at 300 pesos ang sweldo ko kada araw. Medyo may kalakihan ang canteen at marami rin talaga ang tao na kumakain dito.
Sabado at sunday ang pasok ko. Hindi talaga pumayag si madam na ganon ang set up ko pero nakiusap ako. Mabait si madam kaya pumayag siya sa pakiusap ko.
"Clara, paki doble ang bilis diyan kasi maraming nagsisidatingan na customer." sabi ng isa sa mga kasamahan ko
"Ah, opo ate" sinunod ko siya at mas binilisan ko. Pero kahit na mabilis ay siniguro ko pa rin na maayos at malinis.
Napalingon ako sa isang kasamahan ko na naglapag ng isang tray na puro hugasin ang nakapatong.
Iba ang dishwasher nila tuwing monday to friday. Dalawa ang dishwasher nila araw-araw, pero ngayong sabado ay mag-isa lang ako. Absent yung kasama ko kasi may sakit.
Matapos ko sa trabaho dumeretsyo ako sa grocery. Nag text si mama at inutusan niya ako na mag grocery.
Mamaya sa bahay panigurado marami na naman akong gagawin. Wala naman kasing gagawa ng mga gawaing bahay kundi ako lang. Tapos may sinend pa sa akin si Ali, na gawain sa isang subject namin kaya naman panigurado ang pagpupuyat ko.
Kahit na anong pagod ay kailangan ko talaga na magtiis.
Pumasok ako sa University na walang maayos na tulog. Tatlong oras lang ang naging tulog ko dahil marami pa akong tinapos. Kinailangan ko rin maghabol sa lesson namin at nag advance study na rin ako.
Napangiwi ako dahil sa init na dumampi sa balat ko. "Hot coffee, pampagising mo" Nag-angat ako ng tingin kay Aliyah at inilapag naman niya sa table ko yung kape na dala niya.
"Mainit kaya" Tinaasan ko pa siya ng kilay
"Hot coffee nga 'di ba? May hot bang malamig?"
Oo hinihiling ko palagi na nasa tabi ko si Aliyah. Pero minsan naiisip ko rin siyang isumpa.
Pagkatapos ng klase namin ay inaya ako ni Aliyah na magpunta sa mall dahil may bibilhin daw siya na sapatos. Sinamahan ko lang yung bruha kong kaibigan pero wala akong balak na bumili.
Nakaupo lang ako habang naghihintay kay Aliyah na nagbabayad na ngayon.
"Here"
Inangat ko ang tingin ko at nakakunot noo kong tinignan si Ali, maging ang hawak nyang paper bag na nakatapat ngayon sa 'kin. "Anong gagawin ko diyan?" puno ng pagtataka ang mukha ko.
"Malamang isusuot kasi sapatos 'to at hindi pang display sa kuwarto" Hindi na naman yata siya nakainom ng gamot niya at umatake na naman ang pagkasiraulo niya. "Para sayo 'to Clara. Dalawa ang binili ko, sayo yung blue at sa 'kin naman ay purple. Gusto ko twinny tayong dalawa." masaya nitong dagdag
"Huh?" Bakit niya naman ako kailangang bilhan? Mahal ang shop na 'to at kilala ko si Aliyah. Mahilig siya sa mga mamahalin na gamit. "Aliyah, hindi ko matatanggap 'yan" iling kong pagtanggi sa inaabot niya.
"Bakit naman?" sumimangot ang nguso nito
"Wala... sadyang ayaw ko lang talaga tanggapin iyan"
Tinaasan niya ako ng kaliwang kilay kaya kumunot ang noo ko, "Oh?"
"Clara, kapag ito hindi mo tinanggap, magtatampo talaga ako sayo" Inirapan pa niya ako
"Aliyah—"
"Clara, please?" nag pout na siya kaya napabuntong hininga ako. "Tanggapin mo na, sige na, pretty please" pinagdikit pa niya ang dalawang palad habang nakapout sa harapan ko.
Napabuga na lang ako ng hangin, "Oo na. Sige na, tatanggapin ko na"
"Yes!"
Gulat ko siyang tinignan at mabilis kong tinakpan ang bibig nito. "Sa parking ka na sumigaw, ang ingay mo"
"Hmm" Inalis ko na ang kamay ko. "Tara na" excited pa niyang sabi saka ako hinila paalis sa shop na iyon.
YOU ARE READING
My Family Hates Me: Clara's Story [Published under UKIYOTO PUBLISHING]
Short StoryLumaki si Vien Clara Sanchez sa isang pamilya na kahit kailan ay hindi siya binigyan ng pansin at pagmamahal. Puro pananakit ang natanggap nito mula sa kaniyang pamilya. Sa loob ng kanilang tahanan ay wala siyang naging kakampi. Kung may isang tao m...