Author's POV
MATAMLAY na umuwi si Lance, sa bahay nila. Pagkapasok nito sa bahay nila, tumayo naman agad ang daddy niya na kanina pa siya hinihintay.
"Gabing-gabi na Lance, saan ka ba nanggaling?" galit na tanong ni, Anthony sa anak niya.
"Lance, dugo ba 'yang nasa damit mo? Son anong nangyari sayo? Napa-away ka ba?" nag-aalalang tanong ni Maggie at nilapitan ang anak at hinawakan sa braso. "May nakaaway ka ba ha? Sinabi ko na kasi sayo na dapat hindi mo na hinanap ang, Clara na 'yon. May kaibigan naman siya kaya malamang doon siya nagpunta. Anak? Lance, sumagot ka nga."
Lumakad si Lance, at pagkakita nito sa mga vase at picture frame na nakapatong nilapitan niya yun. "Ahhhhhh!! Bwiset!!" galit na galit nitong sigaw sabay basag sa mga vase at frame na ikinagulat nina Anthony at Maggie.
"Lance, tumigil ka!" sigaw sa kaniya ni Anthony.
"Son huwag mong basagin ang mga—ahh!" nagulat si, Maggie nang ihagis ni Lance ang isang vase. "Ano ba, Lance!"
"Ahhhhh!!" pinagsusuntok ni, Lance ang pader ng bahay nila.
Lumapit naman kaagad si, Anthony sa anak at hinawakan sa kwelyo saka malakas na sinuntok sa mukha. "Sinabi na tumigil ka na! Wala kang karapatan na manira ng mga gamit dito, Lance dahil hindi ikaw ang bumili n'yan."
Takang-taka sina Maggie at Anthony, nang umiyak bigla si Lance. "Wala na...wala na si, Clara"
Nagkatinginan sina Anthony at Maggie, pagkasabi non ni, Lance. "Anong sinasabi mo? Anong wala na si, Clara?" tanong ni Anthony.
Pinantayan ni Anthony si, Lance saka niya hinawakan ang kwelyo ng anak. "Sumagot ka, anong wala na si, Clara? Sinundan mo raw si, Clara sabi ng mommy mo, kaya anong sinasabi mong wala na si, Clara?" pigil sigaw na tanong ni Anthony.
"D-Dad, mom..." Tumingin si, Lance sa mga magulang niya. "W-Wala na si, Clara...patay na siya." hagulgol na dugtong ni, Lance.
Kahit si, Ella na nagising dahil sa ingay nila ay nanlaki rin ang mga mata dahil sa narinig. Dali-dali rin s'yang bumaba sa hagdan.
Nagluluha ang mga mata ni, Maggie pero umiwas ito ng tingin at natawa. "Joke ba 'yan? Ano sinasali ka na rin ni, Clara sa mga walang kwenta n'yang pinagsasabi? Gusto niya bang palabasin na patay na siya, ganon ba, Lance? Gusto niya bang kaawaan natin siya? Sabihin mo sa kaniya na itigil ang walang kwenta n'yang prank."
Biglang namuo ang galit kay, Lance at naitulak pa nito ang ama at saka tumayo. Galit ang mga mata nito habang nakatingin sa mommy niya. "Ikaw ang walang kwenta, mom! Wala kang kwentang ina!!" sigaw ni, Lance sa ina na kinakita na rin ng ugat sa leeg niya.
"Kuya, huwag mong bastusin at sigawan si, mom" pagsingit ni, Ella.
"Isa ka pa!" durong sigaw rin ni, Lance sa bunsong kapatid. "Dahil sayo kaya napalayas si, Clara. I-Ikaw ang may kasalanan kaya siya napalayas dito, kaya siya namatay."
"K-Kuya..."
Tumingin ulit si, Lance sa ina niya at, "M-Mom, totoong wala na si, Clara. Na..n-nabaril siya, d-dapat ako yung mababaril eh...pero wala, s-sinalo ni, Clara yung bala na dapat para sa akin." umiiyak nitong pagkukwento.
Hindi makapaniwala si, Maggie sa mga narinig at muntikan pa itong matumba mabuti na lang at naalalayan naman siya agad ni, Ella.
Nilingon ni, Lance ang daddy niya dahil wala itong imik. Nakayuko lang ito habang nakayukom ang parehong kamao.
"Na-Nasaan ang kapatid mo, Lance?" umiiyak na tanong ni, Maggie.
"Nasa morgue na siya ngayon."
Nanginginig ang mga binti ni, Maggie pero pinilit pa rin nito na lumakad at lumapit sa asawa. "Anthony, puntahan natin si, Clara doon...pumunta tayo" pakiusap nito sa asawa.
YOU ARE READING
My Family Hates Me: Clara's Story [Published under UKIYOTO PUBLISHING]
Short StoryLumaki si Vien Clara Sanchez sa isang pamilya na kahit kailan ay hindi siya binigyan ng pansin at pagmamahal. Puro pananakit ang natanggap nito mula sa kaniyang pamilya. Sa loob ng kanilang tahanan ay wala siyang naging kakampi. Kung may isang tao m...