TWELVE days. Sayang at ilang araw na lang, gusto ko pa sanang dagdagan ang natitirang araw ko. Ngayon ko lang naramdaman na mahalin ni, kuya kaya sobrang saya ko talaga. Pero nakakalungkot din dahil ilang araw ko na lang iyon na mararamdaman. Dapat talaga i-enjoy ko na lang ang bawat, segundo, minuto, oras at araw na nakakasama pa sila.
Nagpunta ako sa kitchen para makapag breakfast na. Kanina pa kasi sila tapos kumain at umalis na rin sila. Ako naman ang kakain ngayon.
Pagkapasok ko sa kitchen, napahinto ako pagkakita ko kay kuya.
Humarap siya sa akin at nakangiting inilapag niya sa table yung pagkain. "Good morning, let's eat"
"Kuya, hindi ka ba kumain kanina?" nakakunot noo kong tanong.
"Konti lang ang kinain ko kanina. Tara na sumabay ka sa akin." Hinawakan niya ako sa kamay at pinaupo sa upuan. Pinagsandukan din niya ako ng kanin.
"Ako na po" kukunin ko na dapat ang sandok sa kanya pero nilayo lang niya.
"Ako na, hayaan mong ako naman ang magsilbi sayo ngayon."
Napaiwas ako ng tingin at napangiti. Ang sarap pala ng ganito. Ang sarap maramdaman na minamahal ako ngayon ng isang kapamilya ko.
PAGKATAPOS namin kumain ni, kuya ay inaya niya akong manood ng movie. Wala akong magawa dahil hindi ako makatanggi sa kanya.
Dalawang movie rin ang natapos namin. Pagkatapos nga namin manood ay kinailangan ko pang magdilig ng mga halaman ni, mama pero si, kuya naman ang gumawa non para sa'kin.
Pagdating ng tanghali ay sinamahan ako ni, kuya sa pagluluto. Ako lang ang naging taga-halo, pero siya ang gumawa sa ibang gawain.
Sabay kaming dalawa na kumain ng lunch.
KINAGABIHAN. Papunta ako ngayon sa sala at may bitbit akong baso na may laman na tubig.
Nakasalubong ko si Ella, at lalagpasan ko na sana siya pero binangga naman niya ako dahilan para mabitawan ko ang baso.
"Opps sorry, sadya ko iyon"
"Lilinisin ko na lang" sabi ko at tatalikod na sana ako pero bigla naman niyang hinila ang braso ko.
"Huwag kang bastos hanggat hindi pa ako tapos na kausapin ka."
"Ano ba, Ella nasasaktan ako. Bitawan mo ako" pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Ella? Ella, stop!" biglang dumating si, kuya at malakas na naitulak si, Ella kaya napaupo siya sa sahig at tumama ang palad niya sa basong nabasag.
"Ella" nakita kong dumudugo ang palad niya.
"Oh my ghad! N-No, no, no, no! Ahhh!" sigaw niya sa sakit.
"Ayos ka lang?" tanong ni, kuya sa akin kaya napatango ako.
"Kuya, si, Ella po"
"What happened?" biglang dumating si, mama. "Ella?" napatakbo kaagad siya palapit kay, Ella.
"M-Mom, sinaktan ako ni, Clara, tinulak niya ako kaya tumama ako sa mga bubog. Mommy, ang sakit." umiiyak nitong pagsusumbong.
Pumunta naman agad si, kuya sa unahan ko. "No, mom, ako talaga ang nagtulak kay Ella. Sinadya ko iyon sa kanya. Ella, stop lying okay? Ako ang totoong tumulak sayo at hindi si Clara." pagtatanggol sa akin ni, kuya.
"Bakit mo ba siya pinagtatanggol huh?! Ako ang nasaktan dito." umiiyak na sigaw ni Ella.
Galit na galit na tumingin si mama, kay kuya, bago siya tumingin sa akin. "You!" galit niya akong sinugod at hinila palayo kay, kuya.
"A-Ah! Ma, tama na, nasasaktan po ako...aray ko, ma!"
"Puro na lang talaga sakit sa ulo ang binibigay mo sa pamilyang 'to! Lumayas ka sa bahay ko, wala kang kwenta!!" galit na tinulak ako ni, mama palabas sa bahay.
"Mom!" —Kuya Lance
"Ma, parang-awa mo na, m-maawa ka po sa akin, w-wala akong mapupuntahan." umiiyak kong pakiusap.
Napakalakas din ng ulan ngayon kaya natatakot ako.
"Maawa? No, Clara! Hinding-hindi ako maaawa sa isang walang kwenta na katulad mo." Tinulak pa niya ulit ako kaya napagbagsak ako sa lupa. Basang-basa na rin ako ng ulan ngayon.
"Mom, ano ba! Huwag mong gawin kay, Clara iyan. Anak mo rin naman siya." —Kuya Lance
"Bakit ba awang-awa ka sa babaeng iyan, Lance? Hindi mo siya kapatid! Alam niyo naman na anak siya ng daddy niyo sa ibang babae, kaya kahit kelan hindi ako maaawa sa kanya! Lalayas siya rito dahil bahay ko ito at ako ang masusunod." galit na sabi ni mama. "Narinig mo ako, Clara? Hindi kita anak!"
"M-Mama, please, huwag niyo akong palayasin" pagmamakaawa ko at lumuhod ako sa harapan nila.
"Lumayas ka na, Clara at huwag na huwag mo na ulit susubukan na bumalik pa rito." malakas na sinarado ni, mama ang pinto kaya dali-dali akong kumatok.
"Ma!! Ma, parang-awa mo na" hagulgol ko.
Napasandal na lang ako sa pinto at napahilamos ng mukha ko. Napatingin ako sa langit at yinakap ko ang katawan ko.
HINANG-HINA akong naglalakad sa gilid ng bridge. Huminto na rin ang pag-ulan, pero basang-basa pa rin ako. Hindi rin gaanong matao rito sa nilalakaran ko. Kaonti lang din ang mga sasakyan na dumadaan.
Hindi ko na alam kung saan pa ba ako pupunta ngayon. Hindi ko alam kung kanino ba ako hihingi ng tulong, wala akong cellphone na dala. May wallet ako na nasa bulsa ko, pero malamang basa na rin ang laman non.
Napahinto ako nang may dalawang lalaki ang huminto sa harapan ko. Yung isa pumunta agad sa gilid ko at naramdaman ko na lang na may matulis sa tagiliran ko.
"Huwag mong subukan na mag-ingay, ibigay mo sa amin ang pera mo." sabi ng lalaking nasa harapan ko.
"M-Maaawa po kayo sa akin, pl-please huwag niyo akong sasaktan." natatakot kong pakiusap.
"Ibigay mo sabi ang pera mo" mas dumiin pa ang nakatutok sa tagiliran ko kaya mariin akong napapikit at nakaramdam ako ng hapdi doon.
"Clara!! Mga gago!!"
Napapikit na lang ako dahil sa ingay na iyon. Dahan-dahan kong tinignan kung sino iyon at nakita ko si kuya.
"Ku-Kuya, t-tama na" pakiusap ko dahil bugbog sarado na yung isang lalaki.
Tumingin ako sa isang lalaki na kasamahan nung tumutok sa akin ng patalim. Nakita kong naglabas siya ng baril at kinasa niya iyon sabay tutok kay kuya.
"Kuya!!" sigaw ko at napatakbo agad ako papunta sa likod ni kuya. Napatingin ako sa lupa hanggang sa bumagsak na lang ako.
"Clara? Clara...no, no, no, please, Clara" Inalalayaan kaagad ako ni kuya, at nakita ko yung bumaril sa akin na tumakbo na. "Clara, lumaban ka, lumaban ka, Clara." maluha-luhang sabi ni kuya.
Lance POV
"Clara, huwag mo kaming iiwan, huwag m-mo akong iiwan" umiiyak kong pakiusap sa kapatid ko. Inilagay ko ang ulo niya sa braso ko. "B-Babawi pa nga si, kuya sayo 'di ba? Babawi pa ako k-kaya hindi ka pa puwedeng mawala."
Tumingin kaagad ako ng mga sasakyan. Nakakita ako ng ambulansya na papunta sa way namin. "Tulong!! Tulungan niyo ang kapatid ko!!" Tinaas ko ang isang kamay ko pero nilagpasan kami. "C-Clara, wake up, wake up please" Tinapik-tapik ko ang pisnge niya.
Tumingin ako sa ambulansya na umaatras papunta sa amin. Huminto rin iyon at may mga bumaba. Sa suot nila, mga nurse sila.
"Tu-Tulungan niyo ang kapatid k-ko" pakiusap ko sa kanila.
Kinuha na ng nurse si, Clara kaya tumayo na ako.
Sinakay rin naman nila agad sa ambulansya si Clara, kaya sumakay na rin ako roon. Hawak-hawak ko ang kamay niya, habang kinakabitan naman siya ng oxygen mask ng isang nurse.
"Lumaban ka, Clara, nandito lang si kuya, lumaban ka ha"
Tumingin ako sa kalsada. Medyo traffic, pero pinapasingit naman nila itong ambulansya.
May mga sinasabi ang nurse sa mga kasama niya pero nakatingin lang ako sa ginagawa nila kay, Clara.
"Iligtas niyo ang kapatid ko pakiusap. M-May ilang araw pa siya, kailangan niya pang ma-enjoy iyon." umiiyak kong pakiusap na ikinatingin nila sa akin.
PAGKARATING sa ospital inilipat agad nila sa isang stretcher ang kapatid ko.
"Clara, Clara, lumaban ka ha, dito lang si, kuya hindi kita iiwan"
"Sir, bawal na kayong sumunod sa loob." Sinara na agad nila ang pinto kaya napahilamos ako sa mukha ko.
Inis kong sinuntok ang pader. "Bwiset..Ahhhh! Bwiset! Ako dapat ang nabaril at hindi siya" diin kong sabi at ilang ulit kong sinuntok ang pader.
Minuto lang ang naging pag-aantay ko, lumabas na si Doc kaya lumapit kaagad ako sakanya.
"Kamag-anak ka ba ng pasyente?"
"Kapatid niya ako, Doc. Kumusta na ang kapatid ko? Puwede ko na ba siyang puntahan?" nag-aalalang tanong ko.
"I'm sorry, sir. Ginawa namin ang lahat para mailigtas siya, pero masyadong maraming dugo na ang nawala sa kanya."
"N-No, no, no, no, Clara!!" sigaw ko at napatakbo ako papasok sa emergency room.
Pagkapasok ko nakita kong tatakpan na nila dapat ng puting tela ang kapatid ko kaya pinigilan ko sila. "Itigil niyo iyan! Buhay pa ang kapatid ko, irevive niyo siya!" umiiyak kong sigaw
Tumingin ako kay Clara. Hindi na siya humihinga. Hindi na rin siya gumagalaw.
Naramdaman ko na lang ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. "Cla-Clara" umiiyak kong yinakap ang malamig niyang katawan. "S-Sabi ko sayo 'di ba babawi pa si kuya, sayo? B-Bakit iniwan mo agad ako. Hindi pa nga a-ako nakakabawi sayo eh"
Bakit kung kelan ko lang nalaman na may sakit siya bigla pang nagkaganito.
"Clara!!! p-please huwag mo kaming iwan, g-gumising ka pakiusap"
YOU ARE READING
My Family Hates Me: Clara's Story [Published under UKIYOTO PUBLISHING]
Short StoryLumaki si Vien Clara Sanchez sa isang pamilya na kahit kailan ay hindi siya binigyan ng pansin at pagmamahal. Puro pananakit ang natanggap nito mula sa kaniyang pamilya. Sa loob ng kanilang tahanan ay wala siyang naging kakampi. Kung may isang tao m...