Isang linggo na rin ang nakalipas. Nandito ako sa tree house ni Aliyah at kasama ko rin siya ngayon. Nakatayo siya sa likod ko at inumpisahang guputin ang kaonting buhok na natitira sa ulo ko.
Nakangiti akong nakatingin sa salamin, pero si Aliyah, napansin kong maluha-luha ang mga mata nito. "Aliyah, kaya mo ba? Ako na lang ang gugupit kung—" Pinutol niya ang sinasabi ko
Umiling siya at ngumiti, "Hindi... kaya ko Clara... k-kaya ko" Pinunasan niya ang luhang tumulo sa mata niya. Nag-aalala tuloy ako bigla. Ramdam kong nasasaktan siya.
Sa bawat gupit niya sa buhok ko tumutulo ang luha niya na kaagad din naman niyang pinupunasan. Tumingin din siya sa salamin at nginitian ako.
Kung nasasaktan ako ngayon, mas nasasaktan ang bestfriend ko.
Nginitian ko na lang siya.
Alam kong hindi na talaga ako magtatagal. Yung pangako ko sa kanya noon hindi ko na yata matutupad.
I'm sorry, Aliyah
Pagkatapos akong gupitan ni Aliyah, humarap siya sa 'kin at nilagyan naman ako ng make-up. Pinasabay ko na ang pagpapalagay ng make-up dahil na rin sa putla ng mukha ko. Kahit nga ang mga braso ko ay hindi ko na rin masasabi na normal pa ang kulay.
"A-Ang ganda mo" hikbing papuri ni Aliyah
Nginitian ko siya at tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Grabe na pala ang pinayat ko. Hindi ko na halos makilala ang sarili ko.
Tinignan ko si ulit Aliyah, bago ako tumayo. Pagkatayo ko muntikan na akong matumba pero inalalayan naman kaagad ako ni Aliyah.
"Bakit Clara?"
Napahawak ako sa ulo ko at napadaing sa sakit. Parang pinipiga ang ulo ko sa sobrang sakit. Sobrang sakit
"A-Ahh... ahh!!" namimilipit kong daing "A-Aliyah—ahh! a-ang sakit" hagulgol ko
"Clara, Clara halika" kaagad niya akong inalalayan at pinahiga sa kama. "Sandali lang tatawag ako ng Doctor" Kinuha niya agad yung cellphone niya kaya hinawakan ko ang kamay niya at inilingan ko siya.
"Please, p-please Aliyah, h-huwag na" pautal-utal at umiiling kong pakiusap
Naupo siya sa gilid ng kama at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. "Hindi mo na kinakaya ang sakit Clara. Bakit kasi hinayaan mong lumala iyan? Clara, mangako ka please, huwag mo akong iiwan. At 'di ba nag promise ka na sa 'kin noon? Tuparin mo iyon, please." Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata niya at nginitian ko siya kahit na sobra pa rin akong namimilipit sa sakit.
"Sa... s-salamat, Aliyah" papikit-pikit na ang parehong mata ko at kahit na anong pilit kong idilat ito, hindi ko na rin magawa.
"Sige na Clara, matulog ka na muna" Pinikit ko na tuluyan ang mga mata ko. "Gigising ka pa dapat, okay? Hihintayin ko ang paggising mo... dito lang ako Clara, hindi kita iiwan. Huwag mo rin akong iiwan."
Author's POV
"Lord, naririnig mo naman po ako 'di ba? Alam kong minsan lang po ako mag dasal at lumapit sayo... pero nakikiusap ako sayo, baka puwedeng bawiin mo yung sakit ni Clara. Baka kaya pang gawan ng paraan, k-kaya ko naman po na maniwala sa himala, eh. Nakikiusap ako, hirap na hirap na ang kaibigan ko sa kalagayan niya ngayon... tama na please" hagulgol na pagdadasal ni Aliyah, habang nasa labas ng tree house at nakatingin sa langit hawak ang isang rosaryo.
Bandang hapon na nagising si Clara, at kahit papaano ay naging maayos na rin ang pakiramdam nito.
Sinusubuan siya ngayon ni Aliyah, ng pagkain para kapag umuwi na ang kaibigan nitong si Clara, ay okay lang kahit hindi na siya kumain.
"Uminom ka muna" Inabot ni Aliyah ang baso ng tubig sa kaibigan at uminom naman agad si Clara.
Inilapag ni Clara ang baso saka tumingin kay Aliyah. "Aliyah, salamat sa pag-aalaga mo sa 'kin. Napakalaking tulong mo, hindi ko na tuloy alam kung paano ba kita mababayaran—kung paano ba ako makakabawi sayo."
Binitawan sandali ni Aliyah, ang hawak niyang kutsara at hinawakan sa kamay si Clara. "Kahit kailan hindi kita siningil Clara at wala akong sisingilin sayo. Naging mabuting kaibigan ka rin sa 'kin, nandiyan ka rin kapag ako ang may kailangan sayo." nakangiting sabi ni Aliyah. "Pero Clara, kung ako ang masusunod... ayaw kong mawala ka, ayaw kong iwan mo 'ko. Sa lahat na naging mga kaibigan ko, ikaw lang ang nag-iisang tunay." dagdag pa ni Aliyah, na ikinaluha ni Clara, saka niya yinakap ang kaibigan.
"Hindi ko gustong iwan ka. W-Wala sa plano kong iwan ka, Ali. Pero kung mawawala man ako... maging matatag ka dapat"
"Kilala ko ang sarili ko at alam kong magiging mahina ako kapag wala ka na, Clara. Hindi ko kaya"
"Shssh" Tumango lang si Clara habang yakap-yakap si Aliyah
Ginabi na si Clara sa pag-uwi at inihatid siya ng kaibigan niyang si Aliyah, sa mismong bahay nila. Hindi sana papayag si Clara, ngunit nag pumilit si Aliyah, kaya walang nagawa si Clara kundi ang mag "oo" na lang sa kaibigan.
Bago pa pumasok si Clara sa loob ng bahay nila ay tumingin muna siya kay Aliyah saka niya ito tinanguan. "Sige na Aliyah, umuwi ka na. Kaya ko na rito. Salamat sa paghatid mo sa 'kin." nakangiting sabi ni Clara.
"Sure kang kaya mo na? Puwede naman kitang samahan sa loob para madala kita sa kuwarto mo. Baka kasi nahihirapan ka pa." nag-aalalang sabi ni Aliyah
"Ano ka ba, ayos na 'ko. Sige na umuwi ka na"
"Hmm, okay. Good night" Bumeso muna si Aliyah, kay Clara, bago siya lumakad.
Binuksan naman na ni Clara ang pinto at pumasok na siya sa loob ng bahay nila.
YOU ARE READING
My Family Hates Me: Clara's Story [Published under UKIYOTO PUBLISHING]
Short StoryLumaki si Vien Clara Sanchez sa isang pamilya na kahit kailan ay hindi siya binigyan ng pansin at pagmamahal. Puro pananakit ang natanggap nito mula sa kaniyang pamilya. Sa loob ng kanilang tahanan ay wala siyang naging kakampi. Kung may isang tao m...