Pinaalis ko na si Aliyah, matapos niyang maglinis. Kinabahan lang kasi talaga ako na baka mamaya biglang dumating sila mama at papa.
Ngayon nasa living room na sila. Nandoon na rin ang mga bisita nila. Hindi ko kilala kung sino yung mga iyon, pinaakyat na rin kasi agad ako ni papa dito sa kuwarto ko, ayaw niya kasi na makita pa ako ng mga bisita.
Kinuha ko yung guitar ko, si Aliyah ang nag regalo sa 'kin nito. Noong nag seventeen ako, ito yung niregalo niya sa 'kin.
Tinigil ko muna ang paggamit ko sa gitara ko at pumasok ako sa cr. Kinuha ko doon yung nilabhan kong damit ko. Kinuha ko rin yung sapatos ko.
Bumalik ako sa kuwarto ko at pumatong ako sa swivel chair, kaya medyo nag-iingat din ako dahil panay ang pag-galaw. Ilalagay ko kasi yung sapatos ko doon sa taas ng cabinet. Doon ko kasi talaga ito nilalagay.
"Ahh!" napadaing ako nang bigla akong mahulog sa swivel chair. Sobrang sakit ng paa ko dahil tumama sa ibaba ng cabinet.
Pinilit kong tumayo at umupo sa kama. Inangat ko ang paa ko sa kama at tinignan ko iyon. May maliit na sugat at may kaonting dugo.
Kumuha ako ng band aid at dinikit ko iyon sa maliit na sugat ko.
Isang linggo na rin ang nakalipas simula no'ng araw na malaman kong tatlong buwan na lang pala ang itatagal ko. Baka nga hindi na 'ko abutin ng tatlong buwan.
Nakakapagod na ang buhay ko.
Minsan iniisip ko na magpahinga na lang.
Tumingin ako sa pinto ng kuwarto ko nang bumukas iyon, at niluwa non ang bunso naming kapatid na si Ella. "Labhan mo" Binato niya sa 'kin yung uniform niya.
"Teka lang Ella," Pagpigil ko sa kanya saka ako tumayo. "Aalis ako, puwede bang mamaya ko na 'to labhan? May practice kasi kami ngayon, kailangan ko na pumunta doon." sana naman pumayag siya
"Ngayon ko inutos, ngayon mo rin lalabhan. O baka naman gusto mong isumbong pa kita kay mommy? Masasaktan ka niya for sure, Clara"
Alam ko naman na hindi talaga siya papayag. Bakit pa ba ako umasa na madadala siya sa pakiusap. Never nga pala siyang nadala sa mga ganitong pakiusap.
Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango. "Sige, lalabhan ko na. Mamaya na lang ako aalis." nakatango kong sabi
"Siguraduhin mong malinis. Baka mamaya masira 'yan katulad no'ng ginawa mo sa dress ni, mommy." sambit nito bago siya lumabas ng kuwarto ko.
Tumingin ako sa mga uniform niya. Konti lang naman, pero kasi puti ito kaya kailangan ko talaga masiguro na malinis.
Pagkatapos kong maglaba pumunta na ako sa lugar kung saan kami magpapractice. Nilibot ko ang tingin sa paligid pero wala akong makita na kagrupo ko.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan yung isang member namin. Wala kasi akong number no'ng mismong leader namin kaya yung member na lang ang tatawagan ko.
Ilang ulit na nag ring, sinagot naman din kaagad ng co-member ko.
"Cassandra, nasaan kayo? Nandito na ako sa lugar kung saan tayo mag papractice. Sobrang traffic kasi kaya na-late ako." panimula ko mula sa kabilang linya
"Naku, Clara, kanina pa kami nakaalis diyan. Sobrang tagal mo kasi kaya tinuloy na lang namin yung practice kahit wala ka. Pasensya ka na"
Kaya pala wala na akong naabutan.
"Um, ganon ba? A-Ayos lang Cassandra. Sige salamat"
Nauna niyang binaba ang call kaya binaba ko na rin ang akin. Pilit na napangiti na lang ako at naupo sa bato na upuan.
Kasalanan ko naman kasi talaga kung bakit hindi na ako nakahabol sa practice namin. Naging pabigat pa tuloy ako sa leader namin at sa mga co-member ko.
Tumayo na 'ko at lumakad na paalis. Uuwi na lang ako, wala naman na akong gagawin na iba. Hindi ko rin gaanong kabisado ang buong lugar dito kaya hindi rin ako makakagala.
Pagkauwi ko sa bahay, pagkapasok ko pa lang malakas na sampal kaagad ang sumalubong sa akin.
"P-Pa" maluha-luha ko siyang tinignan. Hindi ko alam kung ano na naman ang nagawa kong kasalanan para sampalin niya ako.
"Anong oras na tapos nasa labas ka pa? Tamang uwi pa ba iyan ng isang matino na babae ha?!" galit niyang sigaw na ikinayuko ko. "Tama talaga ang mga kapatid mo, lumalandi ka nga talaga. Ano Clara, nagiging bayaran ka na?" Nagulat ako sa sinabi ni papa at pinipilit ko ang sarili ko na hindi bumagsak ang luha ko sa harapan niya.
Tumingin ako kina Ella at Kuya Lance. Si Ella nakatingin din sa akin, pero si kuya umiwas kaagad ng tingin.
"Sumama siguro siya ulit sa malandi niyang kaibigan, dad. What's her name again Clara? Aliyah? Yeah right, Aliyah Ventura."
Inilingin ko si Ella, matapos niyang sabihin iyon. Inis akong lumakad palapit sa kanya at naitulak ko siya paupo sa sofa na ikinagulat nila kuya at papa.
"Ano ba!!" galit na sigaw ni Ella, at inis na tumayo.
Yukom na yukom ang parehong kamao ko habang nakatingin sa kanya. "Wala kang karapatan na sabihan na malandi ang kaibigan ko! Mas kilala ko siya kaysa sa inyo! At para lang sabihin ko sayo Ella, mas matinong babae si Aliyah, kumpara sayo." Buong lakas kong sigaw.
Bigla akong hinawakan ni papa sa kamay at pinaharap saka muling sinampal. Doon sa pangalawang sampal niya nagsibagsakan ang luha ko.
"Wala kang karapatan na saktan ang anak ko! Umakyat ka sa kuwarto mo!!"
Anak mo rin naman ako, papa!
Umiiyak ko silang tinignan lahat bago ako tumakbo papunta sa kuwarto ko. Binilisan ko sa pag-akyat kahit hinihingal na 'ko.
Pagka-akyat ko sa second floor, pumasok kaagad ako sa kuwarto ko at nag lock kaagad ako ng pinto.
Napahawak ako sa dibdib ko, bigla na lang iyong nanikip at sumasakit. Hirap na hirap akong huminga.
Dali-dali kong binuksan ang isang drawer ko at kinuha ko doon ang inhaler ko. May konti pang laman kaya ginamit ko na.
Napasandal na lang ako sa cabinet ko at hinayaan ko ang luha ko na lumandas sa pisnge ko, dahil kahit anong punas ko, patuloy pa rin na tumutulo. Naramdaman ko rin na nanlalabo ang pangin ko, hindi dahil sa luha dahil iba ang nararamdaman ko.
Naramdaman ko na lang ang katawan ko na bumagsak na sa sahig at onting liwanag na lang din ang naaaninag ko.
Nagising ako dahil sa ingay. Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko ang cellphone ko na umiilaw. Kinuha ko iyon at kumunot ang noo ko dahil si Aliyah ang tumatawag.
"A-Ali?"
"Buti naman at sinagot mo na ang tawag ko, Clara. Jusko ka naman Clara, kanina pa ako panay tawag sayo, eh. Ano bang nangyari at ngayon mo lang sinagot? Grabe ang pag-aalala ko sayo kung alam mo lang."
Inalala ko yung nangyari. Nakita ko na lang din ang sarili ko na nakahiga sa sahig. Dali-dali akong umupo, pero para namang tinusok ang ulo ko dahil sa pagkabigla.
"Clara?"
Tinignan ko muna ang oras sa cellphone ko. 11:43 p.m. na. Ibig sabihin dalawang oras pala akong nawalan ng malay.
"Aliyah? Sorry nakatulog kasi ako"
"Sige, sorry sa istorbo. Okay na 'ko ngayon kasi nakausap na kita, nasigurado kong okay ka. Sige na Clara, matulog ka na ulit. Gigising ka pa bukas."
Tumayo na 'ko at pumunta sa kama ko at doon ako umupo. "Sige Aliyah, matulog ka na rin. Kitakits na lang bukas, good night"
Binaba ko na ang cellphone ko. Napatingin ako sa inhaler ko na nasa sahig. Kahit na sobrang pagod ang buong katawan ko pinilit ko pa rin na tumayo at kinuha ko yung inhaler ko para ibalik sa pinaglagyan ko.
Matagal na yung inhaler ko, mabuti na lang talaga at may laman pa iyon kanina. Kahit papano naging okay ako. Akala ko hindi na ako magigising matapos kong himatayin.
Panginoon, salamat po dahil nagising pa ako.
Pagkagising ko ay gumayak na kaagad ako at nag-asikaso na ng breakfast nila.
Tumingin ako sandali sa pumasok sa kitchen, nakita ko si Kuya Lance, na dala na ang gamit niya. Hinanda ko na rin kaagad yung breakfast nila sa table.
"Good morning po" nakangiting bati ko saka ako bumalik sa ginagawa ko.
Nilagay ko sa isang malapad na plato yung bread at binitbit ko na iyon. Pagkaharap ko, muntik ko pang mabitawan ang bitbit kong plato dahil nagulat ako kay Kuya Lance, na nasa harapan ko ngayon.
"May pasa yung pisnge mo."
"A-Ayos lang po ako" nakangiting sagot ko at doon ako sa gilid niya dumaan, at nilapag ko na sa table yung plato. "Kumain ka na po kuya " Inayos ko rin yung mga plato na gagamitin nilang apat.
"Clara" Tumingin ako kay kuya. "May sakit ka ba? Bakit namumutla ka ngayon?" dalawang beses akong napalunok dahil sa tanong niya.
Hindi ko akalain na mahahalata pala niya. Sabagay, may taning na ang buhay ko, imposibleng hindi nila mahalata ang pagbabago ng katawan ko. Pero lahat naman ay nagbabago.
Ganon ba talaga ako kaputla?
Nginitian ko si kuya at inilingan, "Wala po akong sakit kuya, at saka kaya po siguro maputla ako kasi wala akong make-up na nilagay ngayon. Palagi mo po kasi akong nakikita na naka make-up" sana gumana ang palusot ko.
"Good morning son"
Tumingin kami pareho ni kuya kay mama, pero napansin kong hindi niya kasama sina Ella at papa.
"Morning too, mom. Nasaan sila Ella at dad, hindi ba sila sasabay sa breakfast natin?" nagtatakang tanong ni kuya
"Maagang umalis ang daddy mo, at si Ella naman nauna na rin dahil doon na lang daw siya kakain sa school nila. Tayong dalawa ang kakain. Let's eat, son."
Hinanda ko na ang tubig nila mama at kuya.
"Anong nangyari sa mukha mo?" tanong bigla ni mama pagkaupo niya sa upuan niya.
"Wala lang po 'to" nakangiting sagot ko.
Biglang nag ring ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino yung tumatawag. Pagkakita ko sa screen, si Aliyah pala.
"Sa living room lang po muna ako" paalam ko at lumabas na 'ko sa kitchen.
Pagkarating ko sa living room doon ko sinagot ang tawag ni Aliyah.
"Aliyah, bakit?"
"Nandito ako sa labas ng subdivision niyo, dala ko yung kotse ko. Sabay na tayong pumasok." Bigla akong nagulat sa sinabi niya
"Ha?! Aliyah, mamaya pa 'ko papasok. Hindi pa tapos sila mama at kuya sa breakfast nila, kailangan ko pa hugasan yung gimamit nila sa pagkain. Mauna ka na sa University, hindi naman ako malelate, eh."
Jusko talaga ang babaeng ito.
"Hihintayin na lang kita kahit gaano pa katagal iyan," seryoso talaga siya? "Basta dito lang ako, hindi ako aalis dito kasi nga sabay tayong papasok." seryoso nga siya.
"Aliyah, mauna ka na sabi"
"Hintayin kita. Bye Clara"
"Aliyah? Ali?" Tumingin ako sa cellphone ko dahil binabaan niya kaagad ako ng cellphone.
Naglinis na kaagad ako pagkatapos nila mama at kuya sa pagkain. Nahihiya na 'ko kay Aliyah, dahil seryoso talaga siyang maghihintay sa 'kin.
Pagkatapos kong maglinis, kinuha ko na ang bag ko at lumabas na 'ko ng bahay namin. Nagmadali akong tumakbo para makarating kaagad sa labas ng subdivision.
Kanina pa si Aliyah sa labas, baka nabobored na iyon kahihintay sa 'kin.
Pagkarating ko sa labas ng subdivision, nakita ko sa hindi kalayuan ang sasakyan ni Aliyah. Nakita ko rin ang motor ni Kuya Lance at si kuya sa tapat ng sasakyan ni Aliyah. Mukhang may pinag-uusapan sila. Hindi na muna ako lumakad, nanatili lang muna ako sa kinatatayuan ko.
Pagkaalis ni kuya tumakbo na 'ko para mapuntahan na si Aliyah. Gusto ko rin malaman kung bakit siya kinausap ni kuya.
"Aliyah" banggit ko sa pangalan niya at binuksan naman nito ang pinto ng sasakyan niya sa passenger seat kaya sumakay na 'ko.
"Tara na" nakangiting wika nito. "Seatbelt mo, Clara" Tinanguan ko siya.
"Aliyah si kuya iyon, bakit siya huminto sa tapat nitong kotse mo? At saka ano yung pinag-usapan niyo? Aliyah, may sinabi ba siyang masasakit sayo? Pinagbantaan ka ba niya? Aliyah mag sabi ka." kabadong tanong ko. Baka kasi tama ang mga hula ko
"Calm down Clara, wala naman siyang masyadong sinabi. Hayaan mo na lang iyon. Huwag mo na lang din pansinin. Tara na" nakangiting sagot nito na parang okay lang ang lahat.
Wala ba talagang sinabi si kuya? Bakit feeling ko meron? Imposibleng huminto si kuya sa tapat niya, tapos nagtitigan lang sila. Malamang may sinabi si kuya sa kanya.
Pagkarating namin sa University, naupo na kami ni Aliyah sa upuan namin. Magkatabi kaming dalawa dahil hindi pumapayag si Ali na magkahiwalay ang upuan namin.
"Si Prof. Aguilar pala ngayon, ang boring na naman." nakasimangot na dinukdok ni Aliyah ang mukha niya sa table niya.
Tumingin ako sa pumasok, "Ali, nandiyan na si Prof" mahina ko siyang siniko kaya inis niyang inangat ang ulo niya.
Hindi ko masisisi si Aliyah, dahil sobrang boring talaga ni Prof. Aguilar. Tapos palagi pa siyang galit. Kami na nga yata ang pinakamatino at tahimik niyang students pero palagi pa siyang nagagalit.
YOU ARE READING
My Family Hates Me: Clara's Story [Published under UKIYOTO PUBLISHING]
Short StoryLumaki si Vien Clara Sanchez sa isang pamilya na kahit kailan ay hindi siya binigyan ng pansin at pagmamahal. Puro pananakit ang natanggap nito mula sa kaniyang pamilya. Sa loob ng kanilang tahanan ay wala siyang naging kakampi. Kung may isang tao m...