VHONG POV.
"tika bat mo nga pala natanong iyon?" tanong ni Billy na ikina ngisi ko.
"nag tataka lang kasi ako, kong bakit ganun nalang ang takot ng mga nakapaligid sakanya... Tulad nalang ni Argus" sabi ko.
Bigla naman akong nagulat sa reaksyon ni Billy.
"why what happened to Argus?" nag aalala nyang sabi.
"One Time kasi, bigla nalang ako nag taka nong makita si Argus na parang takot na takot sya sakin" sabi ko.
"tanong lang minamaltrato ba ni Ferdie si Argus kaya ganun nalang yung takot nya sakin?" sabi ko.
"never nyang sinaktan si Argus... Pero hindi maiiwasan na mapagalitan sya ni Ferdie, alam mona makulit si Argus kaya naririndi din si Ferdie" sabi ni Billy.
"ahh, kaya siguro nag tanong si Argus sakin kong may monster pa akong nakikita hahaha nakakatawa lang mga bata talaga ngayon" halakhak kong sabi.
Pero napansin kong hindi tumawa si Billy sa kwinto ko kaya napa tigil nalang ako ng tawa.
Pati banaman sya masungit din.
*****
Umuwi na sila Billy at Karylle tapos nadin yung meeting nila. Pansin ko kanina pa ako tinitignan ni Anne meron ba akong ginawa?? O baka naman Nadine yung mukha ko???
"daddy look at" sabi ni Argus habang pinapatingin nya yung drawing nya.
Alam nyo palihim akong dinudugo sa ilong dahil sa mag inang ito. Panay ang Inglisan kala naman mga kanu sila.
"Wow ang ganda naman..." sabi ko. Pero syempre kunwari lang baka naman umiyak pa itong bata pag sinabi kong pangit.
"daddy, mommy and me!" nakangiti nyang sabi habang tinuturo yung drawing na tao.
"grabi naman yung daddy dito, tatlo lang yung hibla ng buhok!" reklamo ko.
"ano sabi mo daddy?" sabi ni Argus. "ahh nothing anak sabi ko ang pogi ko dyan" sabi ko.
Okay nadin yung tatlo yung hibla ng buhok kisa naman dun sa mommy na dalawa lang yung buhok hahaha.
"pag katapos mong mag draw ano pa ang gusto mong gawin natin anak?" tanong ko bigla naman tumingin sakin si Argus at yumakap.
"Gusto kong lumabas tayo, at mamasyal" sabi nya. "saan mo gustong mamasyal? Mall,playground, zoo, park? Saan anak?" sabi ko.
"BORING!!!" bigla naman sya nawalan ng gana at nag kunot noo.
Siguro nga boring iyon. Para sa batang laging pumupunta dun, kong ako yun mababagot talaga ako.
******
KINAGABIHAN natutulog na si Argus pero ako andito padin sa labas at iniisip ang panibagong gagawin para bukas.
Kong dalhin ko kaya si Argus sa tabing dagat. Siguro naman masaya yun. O baka naman sa.
"Vhong? What are you doing here?" tanong ni Anne sakin habang papalapit.
"ahh wala naman Anne, nag iisip lang ako ng pwede natin puntahan bukas, kong hindi ka busy" sabi ko.
"Para saan naman yan?" derekta nyang tanong. "nag request kasi si Argus sakin, mahirap namang tanggihan" sabi ko.
Umupo si Anne sa Tabi ko.
"How about Park?" sabi nya. "Boring daw yun eh sabi ni Argus" sabi ko.
"what?, pano nya yun nasabi eh, doon lang naman sila ni Ferdie na mamasyal" sabi ni Anne
"ahh kaya naman pala..., kaya na boring yung anak nyo" sabi ko. Bigla naman akong hinampas ni Anne sa hita.
"ang bad mo" naka nguso nyang sabi. Ang cute din pala nya nho.
"so sinasabi mo boring ang Ferdie ko?" asar nyang sabi. "hala ikaw nag sabi nyan ah" sabi ko naman.
"Che!!" mataray nyang sabi. "okay lang yun Anne kahit boring sya, sure akong gwapo yun kasi mag kamukha kami" pa cute ko.
"True!" sabi nya. "Wow so pogi din ako?" tanong ko sa malapitan nyang mukha.
Bigla naman syang lumingi sakin. Dahilan para mapalapit ang mukha nya sakin. Kunting kunti nalang pwede ng mag lapit.
"Oo naman..." tulala nyang sabi. Palapit na sana ang mukha nya ng bigla kong iiwas ang mukha ko.
"Sinungaling kadin nho!" palusot ko, habang nakakaramdam ng kaba.
"h-hindi... Hindi kaya!" naiilang nya ding sabi. Napa lingi naman ako, at nakatingin padin sya sakin.
Namumula sya na para Bang kamatis na hinog.
"Anne, antok nako, pasok na ko ha!" paalam ko. Baka ano pang mangyari samin.
Hindi kona sya hinintay na mag salita at pumasok na ako sa kwarto ni Argus.
Hinawakan ko ang dibdib ko na kanina pa subrang bilis ang tibok dahil sa kaba.
****
Anne pov."nababaliw kana Anne!!!!" sabunot ko sa sarili ko.
"Remember hindi yun si Ferdie, si Vhong yun hayysttt!!!!" inis kong sabi sa sarili ko.
"nakakahiya ka!!!!" tanging sabi ko.
Sa subrang inis ko, pumasok na ako sa kwarto at humiga tyaka pumadyak padyak.
"BALIW KANA!!! BALIW KANA!!!" sabi ko ng paulit ulit sa sarili ko.
Bigla akong natahimik ng bigla bumalik nanaman sakin yung nangyari kanina.
"no no no no...." sabi ko. "bawal kang mainlove dun!! May asawa kana! May anak kana gosh Anne!!" sabi ko ulit.
"Anne, akala mo lang si Ferdie yun... Walang mali dun, namimiss mo Lang si Ferdie, yun lang yun!" paliwanag ko sa sarili ko.
"arggghhhhh!!!!! Bakit ba kasi gusto mo syang halikan!!!!!" inis ko na namang sabi.
Bigla kong kinuha ang cp ko tyaka tinawagan si Karylle.
"Gosh Anne 12am na! What's rong?" bungad nya. "oi Anne! Ano baliw lang?? Tatawag tawag ka tas dimo ko kakausa–"
"karylle muntik ko syang mahalikan!" naputol yung pag sasalita nya ng sabihin ko ito.
"GAGA KA!!" tanging sambit nya. "yes I am, nababaliw na ako karylle, diko alam kong ano tung nararamdaman ko!" inis kong sabi.
"okay okay relax don't panic!, siguro akala mo Lang si Ferdie yun!" sabi nya.
"yun din nga yung sinasabi ko sa sarili ko pero hindi karylle ayaw makinig ng utak ko, ginusto ko syang halikan!!!" sabi ko.
"pero gurl hindi mo naman sya nahalikan right?" sabi nya. "Muntik na!" sabi ko.
"okay!!, buti naman umiwas ka agad" sabi nya. "hindi ako yung umiwas sya!! Kaya nakakahiya!!" sigaw ko.
"relax Anne siguro na miss mo Lang si Ferdie kaya nag kakaganyan ka!, alam mo minsan ganyan talaga pag nangungulila ka!" sabi nya.
"sana nga ganun lang tu karylle" sabi ko.
Hindi ko alam kong ano tung nararamdaman ko para Kay Vhong, siguro nga Miss kolang si Ferdie kaya ganito ang takbo ng puso ko pag kasama at nakikita si Vhong.
Tama Anne namimiss mo Lang si Ferdie that's all!!!!.
BINABASA MO ANG
Real Love
FanfictionIsang lalaking gagawin ang lahat para sa mahal nya. Kahit pa Ang puso ang kapalit nito. VHOICE/VHONGANNE LOVE TRIANGLE. support please ❤