VHONG POV.
"la... Okay lang po ba kong mag tanong ako??" sabi ko. "ano naman yun apo, importanti bayan para iwanan mo talaga Ang mga bisita mo?" sabi ni lola.
"opo..." sabi ko. "oh eh anong tanong mo?" sabi nya. "la, sa maynila kasi... Nong mauuperahan si Vice, meron kasi akong... Ano" natataranta kong tanong.
"ano!?" seryuso nyang sabi. "uhmm... Nakapasok po kasi ako sa isang room sa hospital at.... May pasyenti dun na" putol ko nanamang sabi.
"alam mo deretsuhin mona yung sasabihin mo.... Matutulog PA ako!!" inis na sabi ni lola.
"la... Meron po ba akong kakambal??" bigla namang tumahimik si Lola. "ehh meron po kasi akong nakitang pasyenti sa hospital na subrang kamukha ko talaga" sabi ko.
"Huh?? Ehh baka apoh namalik mata kalang" sabi ni lola. "hindi po lola, katunayan nga... Sya yung dunor ni Vice sa heart transplant" sabi ko.
"uhmm sige na apo matutulog nako, nahihilo na kasi ako" sabi nya bigla naman akong napahawak sakanya.
"talaga??? Ahhh ehh sige po!, bukas nalang po!" sabi ko.
Pumasok na si lola sa loob na parang namumutla.. Siguro hindi ko talaga yun kamag anak siguro kamukha ko Lang talaga.
"oh bat ganyan ang mukha mo?" tanong ni mine. "Uhmm... Wala naman mine, may itinanong lang ako" sabi ko naman.
"ahh, pagud kaba gusto mo nabang matulog tayo?" sabi ni mine. "yun nanga ehh, hindi ako pagud kaya hindi ako makakatulog, tara mine pagurin moko" sabi ko ng pabero.
Bigla naman syang lumayo. "mine ha, tumigil ka, katabi lang natin yung mga bakla baka anong isipin ng mga yun" sabi nya.
"ito naman hindi mabero, Joke lang mine,...Tara na tulog na tayo tama ka napagud ako" sabi ko at tumayo na sa pag kakaupo.
A/N(POV)
"kong ganun, na nakita napa ni Vhong ang nawawala nyang kapatid!" sambit ng matanda habang seryuso na tinatanaw ang picture ng dalawang lalaki.
Flashback....
"Ferdie!!, lumabas na kayo dyan!" sigaw ni aling Tessy ang ina nilang dalawa. "opo nay... Tika lang po ang tagal kasi mag bihis ni Inand" sigaw naman ni Ferdie habang inaalalayan ang kambal nya mag bihis.
"sige na, mahuhuli natayo sa misa nyan ehh" sigaw naman ng tatay nila. "Ito napo!" sigaw ni Ferdie.
Lumabas silang halos mag kapariho ang suot.
-nag punta na sila sa simbahan at pumasok sa loob. Mas pinaka panganay si Ferdie, dahil nauna syang lumabas kisa Kay Inand.
Tahimik lang noon si Inand at subrang takot sa lahat. Kaya naman lagi syang inaalagaan ng Kanyang nakakatandang kapatid.
"Ano Ferdinand? Malinaw ang usapan natin, na bayad kayo sa lahat ng utang nyo sakin basta... Sakin ang isa sa kambal" sabi ni mang kaloy ang mayabang na kapitan sa baryo.
"kaloy malabo naman yan, hindi namin pwedeng pag hiwalayin ang kambal, lalo na't mag kakaroon na sila ng panibagong kapatid" sabi naman ni mang Ferdinand.
"Ano ba!!!! Nag usap na tayo, sa ayaw at gusto mo mapapasakin ang inaanak ko!!!" sigaw nya. Bigla naman syang itinulak ni mang Ferdinand dahilan para mapahiga ito sa sahig.
"Gawin mo!!!! Mag kakamatayan tayo!!" sigaw ni mang Ferdinand.
-namasyal ang kambal sa tabing ilog upang maligo niyaya kasi ni Ferdie si inand para naman mag karoon sila ng maliit na bonding.
"kuya magagalit nanaman si Itay nyan eh, mapapalo nanaman ikaw nyan" pag aalala ni Inand. "Napaka duwag mo talaga!" sabi ni Ferdie habang naka piggy bank si inand sa likod nya.
"ehh kasi na aawa ako pag umiiyak ka, kaya Tara na kuya!" sabi naman ni Ferdie. "saglit lang naman tayo, mamaya pa naman ang balik ni itay" sabi naman ni Ferdie.
-habang nag kakatuwaan ang mag kapatid. Bigla naman silang nagulat ng matanaw ang Kanilang ama na may dalang sinturon.
"patay nariyan na si itay!!! Halika kana Inand bilis!!!" sabi ni Ferdie at hinatak ang kapatid patakbo..
"Ferdie!!!!!! Inand!!!!!!!!" sigaw ng ama. Nag habolan sila hanggang sa mahuli si inand.
Takot natakot ito. "sabi ko sainyo tiba sa bahay lang kayo!!!" sigaw ni Ferdinand at pinalo si Inand.
"tay ako po ang nag yaya hindi si inand!" tanggol naman ni Ferdie habang palapit.
Hahampasin na sana ni mang Ferdinand si Ferdie ng biglang paputakan ng baril si mang Ferdinand dahilan para mabulagta ito sa harap ni Inand.
"itay!!!" sigaw ni Ferdie. "ehh.. Itay" naluluhang sigaw ni inand. "Inand takbo bilis!!!!!" sigaw ni Ferdie.
Ngunit hindi iyun nagawa ni Inand at nanatiling nakapako lang ang mga paa sa buhangin. Hanggang sa makuha ng mga lalaki si Ferdie.
Nanatili lang itong tulala hanggang tuloy tuloy padin ang paghikbi.
"ferdie anak!" nabuhayan naman ito ng biglang mag salita ang ama. "itay?" sigaw nya. Napayakap sya dito.
- - - -
"Dahil sa nakamit na takot ni Inand... Pwede nya itong ikabaliw, lalo pat hindi pa nahahanap ang kambal nya" sabi ng isang irmitanyong matanda sa kanilang bayan.
"kong ganun Ho ano po bang pwedeng gawin upang malubsan ang lungkot nya... Pati po kasi kami nahihirapan na, hindi po namin matiis na ganyan nalamang ang anak namin"
"ayaw kumain, laging tulala at bigla bigla nalang iiyak.., naawa napo ako" sabi naman ng ina nila.
"isa lang ang pwede kong irekominda" sabi ng matanda. "ano Ho yun?" sabi naman ni mang Ferdinand.
"bagohin nyo ang nakasanayan nya, lahat, mag mula sa pangalan at sa mga kilala nya.... Ilayo nyo sya sa bayan na ito, mas makabubuti iyun" sabi ng matanda.
"sangayon iyun lang ang alam kong paraan" huling sabi ng matanda bago umalis.
Nag isip ang mag asawa. "umuwi tayo sa bahay ni nanay, panigurado mas bubuti ang buhay nya dun" sabi ni Ferdinand. "ehh pano si Ferdie??? Pano kong umuwi sya??" sabi naman ni tessy.
"wag kang mag alala, mag papaiwan ako para kahit papano pag makauwi sya ng ligtas nandito ako" sabi naman nya sa asawa
-binago ng mag asawa ang identity ng anak, pati ang memorya nito. Lahat ng kilala nito binago din hanggang sa maging okay na si inand.
"Vhong.... Gusto mo nabang pumasok sa bagong school?" tanong ng ina. "opo mama" sabi ni Vhong.
BINABASA MO ANG
Real Love
FanfictionIsang lalaking gagawin ang lahat para sa mahal nya. Kahit pa Ang puso ang kapalit nito. VHOICE/VHONGANNE LOVE TRIANGLE. support please ❤