Continued...........
"WHAT!!!??" napa tayung sabi ni Anne. "Doc alam nyo namang, natatakot akong ma truma at masaktan ang anak ko pag nawala si Ferdie, tapos isasali nyo pa kami sa heart transplant nayan!" naka pamiwang nyang sabi.
"nag babaka sakali lang naman kami,... Talaga lang kasing malala na ang girlfriend ko" sabi ko.
"Ferdie iste Vhong....naiintindihan kita pero, please intindihin mo din naman ako!!!" sabi nya.
Alam kong pag pinilit pa namin baka umiyak na sya kaya umalis nalang kami sa room nila at pumunta na sa room ng mine ko.
Pag bukas ko ng pinto, nasilayan ko ang maamong mukha nya. Pinipilit nyang ngumiti kahit maputla Nasya.
"mine, saan ka galing" bungad nya. Napa lapit naman ako at napa yakap sakanya.
Nakasandal lang kasi sya habang naka upo. "sorry mine...wala pa akong mahanap na donor pero wag kang mag alala.... Hindi ako titigil hanggat hindi ka na ooperahan" sambit ko.
Papatak na sana ang luha ko ng bigla syang mag salita.
"mine pabigat naba ako?" napa bitaw ako sa yakap at seryusong tumingin sakanya. "mine, kong mawawala ako sa mundo-" napa putol sya ng biglang tumulo ang Luha ko.
"mine... Sumusuko kaba?" tanong ko. "kasi ako hindi.... Kaya mine please wag kang sumuko" sabi ko.
"mine, napapa bayaan mona kasi ang katawan mo, minsan Hindi kana nakakatulog at nakakain, baka naman mauna kapa sakin kaya, uunahan na kita" sabi nya.
"Viceral!! Nag reklamo ba ako ha!" inis kong sabi. "mine naman...Kong walanang pag asa bumitaw kana!!" inis nya ding sabi.
"Punyetang pag asa nayan!!!!" dabug Kong sabi. "ni minsan hindi ko inisip na hindi matutuloy ang heart transplant mo!!! Kahit pa wala akong mahanap na donor!" sigaw ko.
"bakit ka ganyan? Mas lalo molang ako sinasaktan ehh" dabug kong sabi at umalis ng kwarto nya.
Bakit kasi sumusuko na sya ako nga hindi ko kayang sumuko, kasi papakasalan ko pa sya pero bakit ganun nalang sya. Ayaw nya ba akong makasama.
Habang nag lalakad na walang katinuan bigla nalang akong napa aray ng biglang may nabangga akong isang batang umiiyak.
Napa upo sya sa sahig at nakatulala.
"bata sorry, hindi ko sinadya" napa baba ako at napa hawak sa bata. "ayus kalang ba?" sambit ko. Tulala padin sya.
"Argus!!" napa iling naman kami sa babaeng sumigaw at yun ay si Anne.
"daddy?" sambit ng bata kaya napa lingi ako sakanya. Pag lingi ko agad nya akong sinung gaban ng yakap.
"akala ko, wala kana daddy....sabi kasi ni mommy patay kana!!!" umiiyak nyang sabi.
"oh no!!" sambit ni Anne.
****
"Panong nangyaring mag kamukha sila!" rinig kong sabi nong matanda.
Nasa bahay ako nila Anne. Yun daw yung paraan para Hindi makita ni Argus ang daddy nya. At isiping ako si Ferdie.
Actually kanina pasya nakayakap sakin. Nangangalay na ko tapos yung mga tinginan ng tao dito. Ang tatalim, para bang kakatayin ako.
Ng mapansin kong nakatulog na si Argus. Binuhat ko sya at inilapag sa upoan.
"ahh excuse me, pwede naba ako umalis?" napa lingi naman sila agad sakin.
"now tell me anong gagawin natin ngayon Annie" sabi ng kulot na babae. "I don't know" sabi nya.
"Bro, pwede bang dito ka mona, hindi kasi namin alam kong papano ipapaliwanag tu Kay Baby Argus" sabi nong lalaki.
"Pre sinsyana, may emergency din kasi ako" sabi ko. " may cellphone number kaba, para matawagan ka namin" sabi nya.
"ahh diko kabisado naiwan ko sa hospital yung phone ko" sabi ko.
"Iho, baka naman....kahit ilang oras lang dito kamona, please!" sabi nong matanda.
"uhmm... Maam gustohin ko man para makatulong pero po kasi may kailangan pa akong gawin" sabi ko.
"Vhong please...." paki usap ni Anne. "pasinsya na talaga, kailangan ko ng umalis" sabi ko.
"pano kong pumayag ako sa heart transplant? Aalis kapa ba?" sabi ni Anne kaya napa tigil ako sa pag lalakad.
"Napaliwanag sakin ni Doc Ricky na, malala na ang kundisyon ng Girlfriend mo, kong mag stay kamona ng ilang oras baka pumayag ako sa operasyon" bulaslas nya sakin.
Napa lapit naman ako sakanya.
"sige gagawin ko ang lahat pumayag kalang sa heart transplant" sabi ko habang naka hawak sa kamay nya.
"kahit ano?" sabi ni Anne. "oo para sa buhay ng girlfriend ko" sabi ko.
****
Nag stay ako ng ilang oras....
"papayag na ako" napa lingi ako Kay Anne. 'talaga...so Tara na, para magawa na ang operasyon" nag mamadali kong sabi.
"tika tika" pigil nya. "bakit?" sabi ko.
"sa isang kondisyon...." sabi ni Anne.
Bigla akong nakabahan pero, tulad nga ng sabi ko kahit ano gagawin ko para Lang sa girlfriend ko.
"ano yun?" mahina kong sabi.
"Mag paggap ka monang si Ferdie...hanggang sa mapaliwanag ko Kay Argus ang lahat" bigla akong natayuan ng balahibo.
"pero mali yun..." sabi ko. "kakapit ako sa mali para Lang sa anak ko, at para din tu sa buhay ng girlfriend mo" sabi nya.
"alam ko namang walanang pag asang mabuhay pa si Ferdie, tanggap ko naman yun... Pero kasi si Argus masyado pa syang bata para mawalan ng ama kaya natatakot ako" sabi ni Anne.
"kaya please tutulongan kita...at tulongan mo din ako" sabi ni Anne.
Bigla akong napa lingi sa bata. Tama mahirap nga lumaking walang ama dahil napag daanan ko nayun, pero pano naman ngayon si Vice. Pano ko maipapaliwanag tu??? Jusko tulongan nyo po ako.
BINABASA MO ANG
Real Love
FanficIsang lalaking gagawin ang lahat para sa mahal nya. Kahit pa Ang puso ang kapalit nito. VHOICE/VHONGANNE LOVE TRIANGLE. support please ❤