Chapter 15- Birdies

0 0 0
                                    

"Jade!" Tawag sakin ng isang babae mula sa likuran ko. I tilted my head and saw Gera. "Wow, may P.E. uniform na." Namamanghang sabi nya.

"Binigay sakin ni sir kahapon."

"Anong laman nyang paper bag na hawak mo?" Tanong nya at inginuso ang hawak kong maliit na paper bag.

"P.E. shirt ni James, ngayon ko na lang naalalang isauli at dalhin e."

"Ahh.... Ready ka na ba?" Biglang nawala ang ngiti nya.

"Yes but to be honest, i feel nervous. Ang tagal ko ng hindi nakakalaro ng volleyball."

"Hindi naman galing mo ang pinoproblema ko, ang sakit mo."

"Hinaan mo nga boses mo, ang ingay mo talaga"

Naglalakad kaming dalawa patungo sa classroom namin. It's already Friday and it means, ngayon malalaman kung sino ang maglalaro ngayong parating na sports fest. 2 teams lang daw kasi ang kailangan, iyon ang dalawang team na maglalaban sa sports fest at ang mananalo ay ilalaban sa district level. Pag nadagdagan kasi ay sosobra sa oras at mahihirapang itugma ang schedule.

Habang naglalakad kami ni Gera, nakita namin si Ace na may kasamang babae na may dalawang crutches. Ang magkabilang braso naman ni Ace ay may nakasabit na bag na sa tingin ko ay sa kanya at ang isa naman ay sa babae.

"That's Natalie, right?" Tanong ko kay Gera habang nakatingin kami kila Ace.

"Yes, how did you know?"

"I already saw her twice. Sa mall and the day when he beg ace."

"Sila na pala ulit?" Naguguluhang tanong ni Gera.

"I dont know, maybe?" I replied and she looked at me.

"I smell something fishy, someone is jealous right now." She said in teasing tone.

"Who?" Inosenteng tanong ko.

"You! HAHAHAHAHA!"

"WHAT?! NO WAY!! Tumigil ka nga riyan" Awat ko sa pangaasar nya.

"I think she can't play volleyball this school year."

"Halata naman."

Bigla sysng ngumit ng napakalaki na abot na hanggang tainga. "It's your time to shine!"

"Pinagsasabi mo?"

"Do your best para maging team captain ka ng volleyball WAHAHAHAHAHAHAHS agawan mo ng trono si Natalie."

"You crazy! Libero can't be a captain of the team tsaka parang kahapon at kanina lang ay ayaw mo kong palaruin"

"Hehe" tumawa sya ng mahina at inirapan ko.

Nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa classroom. Kasunod lang namin pumasok si Ace at Mr. Estrella.

"Settle down everyone! Good morning, our players ready?"

"Yes sir!" Masiglang sigaw ng mga kaklase ko.

"Im hoping that you'll cheer your classmates for today's game. Be ready and punta na kayo sa gymnasium after 10 minutes." Nakangiting sabi nya sa amin. Agad akong nagpunta sa bathroom pagkaalis ni sir para magpalit ng damit. Pants lang ang pinalitan ko at nagshort ako. Required daw kasi na ang P.E. shirt ang suotin sa laro. Pagkalabas ko ng CR ay lumabas ako ng room at nagtungo sa katabing building namin para sa mga grade12.

Pagpunta ko sa classroom ni James ay nakita ko ang isang teacher na nagsasalita sa harapan nila. "Good morning ms. Can I excuse James for a minute?" Tumango sya at lumabas si James.

Hidden Personality of the President Where stories live. Discover now