K14

84.8K 2K 170
                                    

I parked my car rushingly without making sure that it is park on the right lane. I went inside the D&C building with balled fist and not minding employees looking at me.


Maya-maya lang ay naramdaman kong takbo-lakad ang ginagawa ng secretary ko para pantayan ako. Aa soon as I received the confirmation from him that I'll be meeting Laureen's manager, hindi na ako nagsayang ng oras. I need to talk to the both of them for breaching the contract kung saan nakasaad lahat ng pros and cons sa pagiging modelo ng mga sasakyan ng D&C.


"Ma-Ma'am...p-pwede po bang magpalamig p-po muna kayo ng u-ulo?" My secretary said. Nahinto ako sa paglalakad at napalingon sa kanya.


"Magpalamig? Bilhan mo ko ng yelo! " nanggigil kong sagot dito.


"P-Po?"


"Gusto mong magpalamig ako ng ulo diba? Odi bumili ka ng yelo!"


"Ma-Ma'am naman..Ang i-ibig ko pong sabihin, mag-magrelax p-po ka-yo. Inhale...E-exhale." He said while giving me a demo on breathing.


Pinameywangan ko ito at tinasaan ng kilay.


"Relax? Bakit? Mukha ba akong hindi relaxed? " I almost shouted at him kaya medyo napayuko ito.


"Ma'am ka-kasi p-po mukha ka pong ka-katay ng t-tao—"


"Exactly! Balak kong katayin yung Debbie na yun at gawing lechon at yung talent niyang bruha ipalalapa ko sa mga buwaya! Kaya huwag mo kong tinuturuan magrelax dahil ubos na ang pasensya ko...konting-konti nalang Mr. Stutter—"


"Stunner po—" hindi natapos ang sasabihin niya nang talikuran ko na ito.


Nakasunod din naman ito sa akin sa loob ng elevator. Nang makarating na kami sa floor ng office ko ay saglit akong tumigil. I breath in and breath out, trying to calm myself a bit. Nagbilang din ako ng 1-10 para maibsan ang inis ko.

"O-okay ka na po Ma'am?" Dinig kong tanong ng secretary ko.


"Hindi parin! Hindi effective." I denied before making my way on my office. 

Pagkapasok ko sa loob ng opisina ko ay nakita ko agad ang manager ni Laureen na si Debbie Santos. Bigla itong napatayo nang makita ako.


"Madame, magandang umaga po." She said. Hindi ko pinansin ang pagbati nito at nilagpasan ito para dumiretso sa table ko. Padabog kong inilapag ang bag ko sa swivel chair. Nanatili akong nakatayo at nakatukod ang dalawang kamay sa mesa.


"Anong ikinaganda ng umaga Ms. Pebbie—"


"Debbie po Madame.." pagtatama nito. Pinagtaasan ko lang ito ng kilay.


"I need explanation. Now talk!" Madiin kong sabi.


"I'm sorry Madame. Hindi ko po alam na—"


Chasing The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon