Okay..What is exactly happening here? Bakit parang close ang dalawang ito? Tumayo na si Luigi matapos ayusan si Chloe. Napakapit sa akin si Chloe at gusto ng magpabuhat. Ngiti-ngiti pa si Luigi habang tumitingin kay Chloe nang sa akin naman siya mapatingin ay biglang nawala ang ngiti nito dahil siguro sa pagkakakunot ng noo ko.
"What exactly are you doing here?" I asked.
"Don't overthink Aldea. I just want to see my little pal here..." turo nito kay Chloe.
"Bakit close kayo?" I asked.
"You know the answer. I have the right to be close to her, hindi ba?" He said. Oo nga naman. Ang pinagtataka ko lang ay kailan pa sila nagkakilala aside noong kinuha niya ang mga anak ko at dinala sa fastfood.
"He's always in school mama! Lagi namin siya kikita ni Vaughny eh. Tatawag pa nga siya Vaughny na Mario..diba di naman Mario name mo po?" She asked Luigi. Narinig ko ang pagtawa ni Luigi.
"Dapat na ba akong matakot?" I asked him.
"It's not like I'm going to kidnap them. I am just checking them sometimes. "He admitted. Wala naman din akong nakikitang masama doon. Lalo na't nitong nagdaan ay mukhang hindi na ipinipilit ni Luigi ang tungkol sa custody.
"Lalabas na kami..baka..hinahanap na kami nila Landon." I said. Biglang kumudlit ang lungkot sa mukha ni Luigi.
"Right..." he simple said. He then sighed. Akala ko ay hindi na ito magsasalita ulit pero napahinto ako nang magtanong siya.
"Is he the one you are choosing to be their father? I mean...the kids must have been looking for a father figure, since Lucas isn't staying with you anymore--"
"How did you know about Lucas?" I asked.
"I have sources. Hindi na dapat bago sayo iyon. I have ways to know and I know everything..." Matindi din ang stalking skills niya. Palibhasa member ng ninja turtles. Pero ano bang dapat kong isagot sa kanya? Oo, I am considering Landon o' hindi..pwede rin namang wag ng sagutin. So I chose the later.
"It's none of your business. " I answered. Napansin kong natigilan ito at parang may gusto pang sabihin pero hindi na nito itinuloy. Then I noticed his eyes checking me from head to toe. Then he smirked.
"Alright. Sabi mo eh. Bakit ang sungit mo? Hindi ka naman kagandahan?" Halos matumba ako dahil sa pagkakabigla ko sa sinabi nito. Bukod sa bigat ni Chloe na ngayon ay buhat ko at pinaglalaruan ang buhok ko.
Bwisit talagang Luigi na ito! Hindi man lang ako naghanda ng igaganti sa banat niya!
"Hindi ka rin naman kagwapuhan. So it's a tie." Ganti ko rito. Tinalikuran ko na ito kaya lang ay naharang na naman ako nito at nagulat ako sa sunod nitong ginawa. Hindi nga ako nakapagreact agad! He kissed me! It was just a simple kiss pero pakiramdam ko ay tuluyan ko ng mabibitawan si Chloe dahil sa ginawa niya. Napalunok ako dahil sa paghuhuramentado ng puso ko.
"Why did...why did you f*ckin do that?" I whispered him na may halong inis.
"Language baby..bakit, hindi lang naman kiss ang ginawa natin noon ah." He is definitely teasing me! Nitong nagdaang araw ay ako ang lagi niyang inaasar.
"Trip mo talaga ako noh? Pwede ba! Palabasin mo na kami." I said. Hinampas ko pa ng bahagya ang braso nito. Tatawa pa eh!
"Sam! Are you still in there? What's taking you so lobg?" Shit! Si Landon! Pinanlakihan ko ng mga mata si Luigi at binantaang huwag gagawa ng ingay. He shrugged his shoulder na para bang wala siyang pakealam sa sinabi ko.
"Mama..tawag tayo ni tito Landon.." Chloe said. Muntik ko ng makalimutan na kasama namin si Chloe, ang munting madaldal!
Mas lalo akong kinabahan nang sumenyas si Luigi na mauuna na raw siyang lumabas. Aba't g*go nga! Nakita na niyang nasa labas si Landon eh! Tatawa-tawa pa!
BINABASA MO ANG
Chasing The Bad Girl
General Fiction#TBR book 2 I am not cold. Actually I am just warming up. Wanting to show everyone that I'm no longer that broken-hearted girl they only used. Cold? I am not. I'm just giving the doze of their own medicine. Revenge? No! I'm just a fan of justice...