K27

86.4K 1.9K 124
                                    

This day has been really tiring. Kailangan talaga akong sagarin para lang gumawa ako ng isang malaking hakbang. Luigi is indeed pushing me to my limits. Hindi ko gustong umabot sa punto na mawala rin sa kanya ang Globals. In just a span of time ay kaya kong gawin iyon, what am I being ruthless for?

As of now, binibigyan ko pa lang siya ng maliit na problema. Tutal ay marami-rami na siyang atraso sa akin. It's time that I'll give him a bit of an experience.

Kumunot ang noo ko pagkapasok sa loob ng bahay. Tahimik kasi. This is very unlikely lalo na't may dalawang malilikot na bata dito. I roamed around the house then I saw my kids in the garden silently focusing.

Vaughny is caressing his chin as if thinking. Si Chloe naman ay tumitingin sa kapatid, she's touching her chin as well, later on, she put her finger on her head as if thinking, maya-maya ay inilipag nito ang kamay sa mesa at huminga ng malalim..It was then I realized, ginagaya pala nito ang ginagawa ng kapatid. Kaya naman pala feeling ko pareho lang sila ng ginagawa.

And what's bothering me is that, they are playing chess. It bothers me dahil ako ay hindi marunong maglaro niyan. Napasimangot tuloy ako. How can my kids be so talented when I lack such abilities? Nakakatampo talaga.

Maya-maya ay pumindot ng ilong ko. Only then I saw kuya who's carrying a travelling bag. Napaismid ako dito. Kaasar. Namumula na naman ilong ko.

"Huwag kang mathreaten, hindi sila marunong maglaro ng chess. Magtampo ka na naman niyan eh." he said. I rolled my eyes.

"Kailangan pumipindot sa ilong? Tsaka paanong hindi marunong, tignan mo nga ang focus--" napahinto ako sa pagsasalita nang makita ko na ang pinaggagawa ng mga anak ko, bigla kasing sumigaw si Chloe ng classmate sabay itinumba nito yung itim na kabayo na tingin ko ay kay Vaughn.

Classmate? Hindi ba dapat checkmate?
"See...sinabi ko naman sayo, huwag kang masyadong mathreaten. Kahit walang nakuha sa itsura sayo yang mga yan lahat naman ng kalokohan sayo naman." Kuya said. Sinamaan ko ito ng tingin.

First time nyang natapos yang linya niya na yan. Masyado akong nacarried away sa pagtingin sa mga anak ko.

Maya-maya ay nagtatakbo na sa akin ang mga anak ko dahil napansin narin nila ako. Si kuya naman ay tawa parin ng tawa. Humalik sa pisngi ko si Chloe at si Vaughny naman kumalambitin na sa paa ko. Pasimple kong binulungan ang mga bata.

"Your tito ash is crazy. " I said..Ngumiti naman si Chloe kaya akala ko naiintinduhan niya ang sinabi ko nang bigla itong magtanong kay Vaughn kung ano daw ang crazy. Napailing na lang ako.

"I have to go, Bianca is waiting for me. I am trusting you on my company Aldea." He said.

"Tinanggal mo na ba mga gamit mo sa opisina mo? I want all your stuffs out kapag doon na ako mag-sistay, lalo na't ayoko muna doon sa Delacarte, masyado na akong pinagtutulungan doon." I said. Napasimangot naman si kuya.

"I am just taking my leave, bakit parang pinapalayas mo na ako sa kompanya ko? Oh..I heard what happened. Condolence. " pang-aasar nito. Wala man lang magandang advice itong kurimaw na to.

Nagpaalam na ang mga bata sa tito nila at agad nanakbo sa kusina para kumain ng meryenda. Sinundan ko si kuya hanggang sa sasakyan nito. He then tap my shoulder.

"Don't stress yourself too much about Delacarte. I know what you've gone through to make yourself worth the position. Kung pinagtutulungan ka parin nila, just tell me. Alam kong napapagod ka na rin Sam, kaya..I made my decision that when Bianca and I got settled after she gave birth, ako na mamamahala ng negosyo. I'll give you the freedom that you want then you'll decide kung ano ng gusto mong gawin with your kids. Nag-usap na rin naman kami ni Bianca about this." He said.

Chasing The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon