K32

98.7K 1.9K 137
                                    

I woke up alone. Agad kong iginala ang tingin ko sa loob ng abandonadong warehouse para hagilapin si Luigi but to my disappointment ay wala akong nakita.

Mukhang maayos na ang lagay ng panahon dahil hindi na ganoon kadilim. I look at my watch and it says it's already 8 in the morning. Nag-unat ako at pinagpagpag ang likuran ko saka tumayo.

Maybe Luigi woke up early. Natigil ako sa akmang pagkilos para hanapin siya nang maalala ko na naman ang mga nangyari kagabi. I didn't really expect the confrontation last night. Hindi ko inakala na matapos ang ilang taon, magkakaroon pa ng pagkakataon na magkausap kami ng tungkol sa nakaraan. I felt uncomfortable, hurt, confuse, awkward, I don't know why. Maybe because it wasn't what I've been expecting.

Hindi naman kasi dapat ganoon. Yes I want him to say sorry, kneel down and say that he regrets all that he has done to me, pero bakit kailangan pa niyang guluhin ang isip ko? Lalo na ang puso ko. The moment he said that he loves me agad namang naghuramentado ang puso ko. 

At kung bakit ako pa itong nasasaktan nang sabihin kong hindi ko siya kayang patawarin ay ewan ko kung bakit!

I am becoming insane. Kapag nagtagal pa na magkasama kami hindi ko na alam kung papaano ko maitatago yung nararamdaman ko. At aaminin ko  nakakaramdam ako ng awa sa kanya pero sapat ba iyon para magpatawad?

 Kapag pinatawad ko siya, para akong nag-aral ng higit sa pitong taon na hindi ko rin naman pala gagimitin. In short, mababalewala lahat ng taon na pinaghirapan ko para lang kalimutan siya.

Napasandal ako sa pader at napabugha ng hangin. Last night, I felt everything. Gusto kong maniwala sa iniisip ko na isa lang itong patibong ni Luigi, na nagsisinungaling siya, but my heart tells the opposite.

Matapos namin mag-usap ni Luigi ay hindi na kami nagkaimikan. Pinigil kong mapahikbi dahil naghahalo iyong emosyon ko sa lahat ng mga sinabi ni Luigi and at the same time I am missing my children terribly. I heard him sigh. Nakahiga na ulit ako at nakatalikod sa kanya.

Narinig ko ang yapak nito at pakiramdam ko ay nanlamig ang mga kamay ko nang unti-unti ko ng naramdaman ang presensya nito sa likuran ko. Pinilit kong pumikit at magutulug-tulugan para hindi nito mapansin na umiiyak ako but I guess I failed, naramdaman ko ang daliri nito sa mukha ko para pahirin ang walangyang luhang tumakas pa. But I remained still, not opening my eyes.

"I love you.." he said. Hindi ko napigilang mapakagat ng labi para pigilin ang pag-iyak. Why am I such a crying baby now? Nasaan na ang tapang ko na inipon ko ng ilang taon?

I stiffened when I felt him placing my head on his shoulder. Akala siguro nito ay tulog talaga ako. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay papalakpakan ko ang sarili ko dahil sa convincing acting kong magtulug-tulugan.

"I miss this..I've been dreaming to have you like this. Kailangan lang palang bumagyo at tulog ka para magawa ko to." He said. Then I felt his lips on my head.

"Lahat ng sinabi ko totoo, mahal kita..sobra, did you know that I almost thought of just letting mom go para sayo? Naisip ko kasi na dad was right, she chose to leave us, to leave me..so bakit ko pa ipipilit ang sarili ko? I have you. Iyon ang naiisip ko. But everytime I receive threats about my mom, natatakot ako. I am so scared of what might happen to my mother and so scared to choose. Kasi pareho kayong mahalaga sa akin. But you know what, seeing you brave makes me think that you don't need me anyway, na ka..kaya mo kahit wala ako. So I made my mind Samantha...but first, I need you to believe me that I love you and I am so sorry.." he said. 

Ilang ulit akong napailing para mapigilan ang maging emosyonal. Tumalun-talon pa ako at nag-unat para lang madistract ang pag-iisip ko, inikot-ikot ko pa ang baywang ko and to tell you I am literally exercising.

Chasing The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon