SC-7

57.9K 1.5K 89
                                    

Sam

Kanina ko pa tinititigan ang sandamakmak na papeles na nasa ibabaw ng lamesa ko. My hand is under my chin and I am playing with my ballpen. Old habits die hard.

"Ma-ma'am o-okay lang po ba kayo?"

"Ano bang meron sa sekretarya na iyon at hindi mapaalis ng asawa ko?" I asked.

At oo, hindi pa nga sinesesante ng magaling kong asawa. Ang dalawang linggong walang kibuan ay naging tatlong linggo na. Kinakausap ko nman ang isang iyon kung tungkol sa negosyo. May isang beses pa nga na sa sobrang inis ko, nagluto ako ng ampalaya para sa kanya, alam ko namang ayaw nito ng ampalaya. Pati si Vaughny kuntodo makangiwi nang makita ang ampalaya.

Kung tatanungin naman ako kung bakit hindi parin ako kumikilos well I promised myself that I am going to give him a benefit of the doubt.

I have to consider things. Kung mayroon man akong natutunan ay iyong bawas-bawasan ang pagiging agresibo.

Kung ako at ang pagiging irrational ko ang masusunod, baka hindi ko lang naisesante ang malanding iyon, baka naipalapa ko pa sa mga buwaya sa Ilog Pasig.

Wait! May buwaya ba doon?

"Ma-maganda po kasi." Mahinang sagot nito pero narinig ko parin.

"Gusto mong samain sa akin?"

Napakamot ito ng batok.

"Sa-sabi ko nga po-po tatahimik na. Ma-may schedule nga po-po pala kayo ng meeting kay Mr. Delrio sa i-isang bar."

Bigla akong napatuwid ng tayo.

"Si Evan?" Tanong ko.

"May i-iba pa po-po bang Delrio kayo na kilala?" He sarcastically answered.

"Great! I want you to tell Luigi that I'll be having a date with Evan!" I exclaimed.

"D-date? Meeting po-po iyon tungkol sa M.I"

"Alam ko! Just tell him that."

"Ta-tawagan ko po?"

"Hindi. Imental telepathy mo. Kaya mo?" I answered. Pag kami talaga magkausap ng isang ito walang nabubuong matinong conversation!

Paano nga ba nagtagal na secretary ko ito? Hindi man lang pinagselosan ni Luigi! Kabanas!

Habang nasa elevator ay bigla na namang nagsalita si Mr. Stutter, akala ko naman importante.

"Ma'am." He called my attention.

"Bakit?" I lazily asked.

"Knock! Knock!"

I facepalmed. Heto na naman tayo. Kanina pa ako pinagpapraktisan ng isang ito. Nagkataon lang na bored ako kanina kaya hinayaan ko ng magjoke.

"Cashew Nut."

"Cashew Nut who?"

"Don't tell me, you're sorry, Cashew Nut" he answered.

Ano raw?

"Wait. Loading. Medyo nagbuffer ang utak ko." I said.

"Slow." Dinig kong bulong nito.

"May sinasabi ka?"

"Ah eh..w-wala p-po, yung e-elevator po slow." He said.

The elevator tings hudyat na nasa basement na kami. Maghihiwalay na sana kami ng landas para sumakay sa kanya-kanyang sasakyan ng harapin ko ito.

Narealize ko na kasi!

"Don't tell me you're sorry, cause you're not?"

He frowned. Bakit? Sa ngayon ko lang nagets eh!

Chasing The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon