Kanina pa ako nakadungaw sa harap ng glass window mula dito sa opisina ko. It is seriously raining hard. Para bang lahat na ng sama ng loob ng mga ulap ay ibinubuhos na nito. Pagkarating ko pa lang dito sa opisina ay binalitaan na ako ni Stutter na mayroon na naman daw bagyo.
Mukhang typhoon capital of the world na ang Pilipinas at parati nalang umuulan. I can see people from here struggling to ride on a cab or walking while carrying their umbrellas.
I sighed.
"Ah eh..Ma-ma'am.." I heard my secretary calling my attention.
"Ano? Magtatanong ka na naman kung tutuloy ako? I told you..I won't ruin the schedule, I'll go to Laguna by myself and check the warehouses." I said. Kanina pa kasi ito tanung ng tanong kung tutuloy daw ba ako at sa pagkakatanda ko, pang30th question niya na sana kung di ko pinigilan.
"Masyado po-po kasing malakas yung u-ulan..and Kuya Kim said i-it's not advisable to-to go to Laguna by this day..kamakailan lang po ay na-nasa state o-of calamity doon." He said. I rolled my eyes. Maya-maya ay tumango nalang ito at bumulong ng okay.
"Pu-pwede ko naman po kayong sa-samahan.." hirit na naman nito habang tinatahak namin ang parking base.
"Tapos magkakamoment tayo? Huwag nalang uy! " pang-aasar ko dito. Napakamot ito ng batok.
"Ma-ma'am naman..hindi naman po-po sa ganun..At saka, nakakatakot po ka-kaya kayo kamoment--" napalunok ito nang tignan ko siya ng masama.
"May sinasabi ka? " I asked. Aba marunong na humirit itong lalaking ito ah!
"Kako..ingat po sa-sa byahe.." he said. Sumasagot pa! Pumasok na ako sa loob ng sasakyan ko at unti-unti namang gumilid si Stutter, dahil gusto ko pa itong asarin ay binusinahan ko ito ng malakas kaya ito nagulat. Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan at saka ngumiti at kumaway sa kanya.
I am driving slowly because I seriously can't see the road due to heavy rains. Medyo traffic pero kalaunan ay nagdire-diretso naman na ang byahe ko. I only have 3 hours at nandoon narin ako. Maya-maya ay narinig kong nagring ang phone ko.
Nakaheadset naman ako kaya agad ko itong sinagot.
"Yes hello.." bungad ko dito.
"Mama!!!" Chloe's voice. Napangiti ako.
"Oh hi baby..what's with the call? " I asked. Saglit kong sinulyapan ang caller id at nakita kong pangalan ng nanny nila ang nasa screen. Mukhang pinagtripan ng mga bata ang cellphone ng nanny nila.
"Mama!! Hello...ikaw ba po si mama ko?" I giggled. My daughter is innocently adorable. Iyong boses kasi niya ay parang laging kakanta. Parating may tono. Namimiss ko tuloy sila.
"Yes baby, si mama mo po ito. Are you using nana's phone? She might freak out baby.." I said.
"No mama, nana will not freaky, she said unli-unli po siya.." Napanguso ako dahil sa pagpipigil ng tawa. Ang alam ko ay globe ang sim ng nanny nila, at kung nakaunlicalls nga ito malamang globe-globe lang. Unfortunately, sun cellular ako.
"Mama!! Vaughny po ito..mama, Chloe stole nana's phone! Nana will freaky.." I heard Vaughny shouted. I heard my little girl groaned. I bet nag-aagawan na sila ng phone.
"Claweee! Phone ko iyan? Naku, wala akong load! Kakapalod ko lang e..hala tinatawagan mo si mama mo?" I heard their nanny freaked out. Natawa na ako dahil mukhang nagkakagulo na sila. I heard Vaughny explaining na hindi daw siya kumuha but Chloe said she thought it's my phone.
Maya-maya ay ang nanny na nila ang kausap ko at sinabihan ko nalang na papalitan ko ang load na naconsume ni Chloe. Aasarin ko pa sana kaso baka biglang magwalk-out mawalan pa ng bantay mga anak ko.
BINABASA MO ANG
Chasing The Bad Girl
General Fiction#TBR book 2 I am not cold. Actually I am just warming up. Wanting to show everyone that I'm no longer that broken-hearted girl they only used. Cold? I am not. I'm just giving the doze of their own medicine. Revenge? No! I'm just a fan of justice...