Prologue

125 3 0
                                    


"I don't really understand why you need to do that, son. You have all the riches in the world and


yet, you don't want to enjoy it." That was his dad delivering his usual dialogue.


"Pa, just let me have the life I want to, okay. Noon, halos ipagtulakan niyo akong magbago,


remember? Ngayon namang wala na kayong problema sa akin, hindi pa rin kayo kuntento. What


is it really that you want from me?" he frowned.


"But your father is right, honey. You don't need to mess up your life, for Pete's sake!"


'Mess up your life,' iyon ba sa tingin ng mga ito ang ginagawa niya sa buhay niya?


Madalas ay nagtataka siya sa mga magulang. Noong nag - aaral pa lamang siya ay wala na


siyang ginawa kung hindi ang magpasakit ng ulo ng mga ito. Bakit nga, halos araw - araw ay


ipinapatawag ng eskuwelahan si Mr. at Mrs. De Vera para lamang papirmahin sa kung anu -


anong memorandum of agreements na may kinalaman sa kaniya.


Hindi iilang beses sumakit ang ulo ng mama niya sa tuwing mapapasangkot siya sa gulo at hindi


na rin niya mabilang ang ulit na umiyak ito para lamang magtino siya. Nag - iisang anak siya at


halos lahat ng luho niya ay sinusunod ng mga ito. Iyon nga lamang at nang mga panahong


kailangan pa niya ang kalinga ay saka naman hindi niya maramdaman ang presensiya ng mga


magulang. Iyon marahil ang dahilan ng pagnanais niyang mapansin at gumawa ng mga bagay na


alam niyang hindi mababalewala ng mga ito.


Ang lahat ng iyon ay tapos na. Ang bawat sakit ng ulo na ibinigay niya sa mga magulang ay


natumbasan na niya ng maraming pagbabago. Mula nang maka - graduate siya ng College sa


kursong Business Administration ay nagsimula na siyang magpatakbo ng isa sa mga negosyo ng


angkan. Pag - aari ng mga De Vera ang tatlo sa pinakamalalaking negosyo sa bayan ng Bauang,


La Union. Bukod dito ay may bakahan din ang ama na siyang kasalukuyang pinagkakaabalahan


nito. Siya naman ang pinagtiwalaan nitong mamahala sa dalawang rice mill sa Maynila at ekta -


ektaryang patanimanan ng calamansi at kape.


Maayos na ang lahat sa buhay niya pero hindi pa rin siya masaya. May bahagi pa rin ng puso


niya ang hindi sumasabay sa pag - inog ng kaniyang mundo. Kung kailan niya haharapin ang


dahilan niyon ay hindi rin niya alam. Napabuntong - hininga siya sa pagdaloy ng mga alaala.

When Bad Boy met his matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon