CHAPTER V. Love Begins

23 1 0
                                    


HINDI SIYA makapaniwala sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Paanong sa maikling sandali ay
naging boyfriend na niya si Radge? Oo nga at may nararamdaman siya para rito pero wala sa
isip niyang maging boyfriend ang bad boy ng klase.
Nang gabing ihatid siya ni Radge ay hindi na siya nakatulog sa labis na pag – iisip. Naisip niyang
maaari naman niyang kausapin na lamang ito at sabihin na mali ito sa pag – iisip na “sila” na.
Pero nang makita niya kung gaano kasaya si Radge pagkakita sa kaniya ay hindi na niya
magawang magsalita pa. Tila may kung anong nagbubulong sa kaniya na gusto rin naman niya
ang mga nangyayari.
Pagdating pa lang niya ay naroon na ito sa gate ng paaralan at matiyagang naghihintay sa
kaniyang pagpasok. Agad nitong kinuha ang kaniyang mga gamit at sinabayan siya nito sa
paglalakad papasok sa loob ng classroom. Maging ang kaniyang mga kaklase at guro ay batid
niyang nagtataka sa mga nangyayari.
Napakamaasikaso ni Radge sa kaniya sa lahat ng bagay. At ang ilang kaibigang nakasama na
niya sa sandaling pananatili sa paaralang iyon ay hindi man lamang magawang lumapit dahil
hindi na siya iniwan ni Radge sa buong maghapon.
“It’s a miracle, De Vera! What did your father do to you?” tinig iyon ni Mrs. Ledesma matapos makasagot si Radge sa tanong nito. Ugali na kasi nitong tawagin si Radge upang kagalitan
lamang matapos hindi makasagot sa tanong nito.
Ngumiti si Radge at sumulyap sa kaniya bago nagsalita.
“Love works in mysterious ways, ma’am and I’m glad it works on me.” Anito na naging sanhi ng
ingay sa loob ng klase. Nakapagtatakang sa halip na magalit ay ngumiti lamang si Mrs. Ledesma
kaya napangiti na rin siya habang halos ay itago ang sarili sa ilalim ng upuan sa labis na
pagkapahiya.
LUNCHBREAK at ang bawat isa ay nagmamadali sa pagpila sa counter ng kantina. Siya naman
ay nakaupo lamang sa isang stool habang matiyagang naghihintay kay Radge na siyang
umoorder ng kanilang pananghalian.
“What did you just say, Dee? May girlfriend na si Radge?” tinig iyon na umalingawngaw sa likuran
niya. Hindi niya magawang lumingon dahil may pakiramdam siyang ang usapang iyon ay
intensiyonal na pinaririnig sa kaniya.
“You heard it right. Akala mo kung sinong makaasta ang probinsiyana, bibigay din naman pala!”
mataginting na tawanan ang kasunod niyon. Alam niyang marami na ang nakakarinig sa usapan
ng mga ito at wala siyang magawa.
“Omigosh Dianna, akala ko ba ay boyfriend mo si Radge Paolo?”
Kinabahan siya nang marinig na maging si Dianna pala ay nasa likuran din niya at kasama sa
munting palabas na iyon. Bakit ba nalimutan niya ang tungkol dito? Bigla ay nakaramdam siya ng
panlalamig ng mga palad.
“Girls, don’t mind that rumor. My baby is just playing a game and you should not get afraid of
that.”
“Playing a game?”
“Do you honestly think Radge Paolo would have that slut as a girlfriend? Think again, girls.”
Kinabahan siya sa narinig na sinabi ni Dianna. Game? Ano ang ibig sabihin nito?
Wala siyang katinag – tinag at tila nanigas ang katawan niya sa pagkakaupo. Matapos ang
malakas na tawanan ay tumalikod na ang mga ito. Siya naming pagbalik ni Radge mula sa
counter.
“Hi babe, sorry for keeping you waiting. Mahaba kasi ang pila.” Naupo iyon sa harap niya
pagkasabi noon.
She opened her mouth for a question but when he started to talk, she just decided to listen.
Radge was very warm with her. Simula pa lang ng ‘relasyon’ nila ay alam na niyang magiging
masaya siya rito. Maasikaso at maalaga ang lalaki, bagay na ikinagugulat niyang taglay pala nito.
“Open your mouth, babe.” Namalayan niyang sabi ng kaharap habang nakaabang pala sa kaniya
ang saging na hawak nito.
“Radge…” tutol niya na ang mga mata ay nakamasid sa paligid. Luminga naman si Radge nang
maunawaan ang ibig niyang sabihin. Tumayo ito at laking pagkagulat niya nang tumuntong ito sa
mismong wooden stool na kinauupuan at matapos ay kuhanin ang atensiyon ng lahat ng
naroroon.
“Excuse me my dear schoolmates, may I take this opportunity to inform everyone that I am no
longer available now. Call me conceited but everyone has to know the truth and with much
pleasure, I would like you to meet my girlfriend…the prettiest girl on the planet…Ms. Trixia
Destreza!” umaalingawngaw ang boses nito sa buong kantina at hindi magkamayaw ang
pagkakagulo sa balitang kahahayag lamang nito.
Napa – oh ang marami at kitang – kita rin naman sa mukha ng mga kababaihan ang pag – ingos
at pagkaunsyami sa narinig na pahayag ni Radge. Bahagya siyang nabahala sa ginawa nito.
She stood and tried to stop him.
“Radge please, itigil mo nga ‘yan. Nakakahiya, ano ka ba!” sita niya.
“What’s wrong? You should be proud of it. I just chose you, babe!” Napamaang siya sa sinabi nito
kaya bigla siyang tumalikod. Narinig niyang bumaba ito sa silya at saka mabilis na humabol sa
kaniya habang isinisigaw ang pangalan niya. She didn’t look back. Ano ba ang kahulugan ng mga
ginagawa nito? Bakit kailangan pa nitong ipagsigawan sa harap ng lahat ang relasyon nilang
hindi pa man din niya lubos na nauunawaan ay nalalamatan na. May kinalaman ba ang ginawa
nito sa narinig niya sa grupo ni Dianna?
‘My baby is just playing a game…My baby is just playing a game…’ the line kept on echoing in
her ears but she tried to pacify herself.
“Trix!” she felt a sudden grip in her wrist. She looked back and saw him running his breath.
“What did I do?”
“Yes Radge, what are you doing to me?!” she screamed.
“Hindi kita maintindihan. Babe, what’s wrong? I was just trying to let the world knows what’s going
on. Mali ba iyon?”
“Does everybody need to know? In the first place, what do we really have that they needed to
know? Radge, hindi ako sanay sa ganito. Tahimik ang buhay ko. Tahimik ang mundo ko kaya
huwag mo akong sanaying gumalaw sa mundong ginagalawan mo.” She started to sob.
Radge began to panic when he saw her crying. He tried to wipe her tears but she stopped him.
She walked away but Radge followed her and this time held her hand so tight that she couldn’t
even take it back. She continued to walk while Radge was holding her hand.
Nang marating ang bahagi ng paaralan na walang masyadong tao ay hinarap niya ito.
“Listen, you just misunderstood what happened the other night okay? Nagtaka lang ako sa
biglaang pagbabago mo and perhaps, overwhelmed of what you were doing to me but…oh
please…itigil na natin ito…”
“Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo? Kahit kaunti ba, hindi mo ako gusto, Trixia?” tanong nitong
laglag ang balikat. Nangilid ang kaniyang luha sa nakikitang sakit sa mga mata nito.
“Radge, please…”
“I like you. No one has made me feel this way. I began to change since you came because I
realized I needed to do it, I have someone to do it for…wala palang halaga sa’yo ang lahat?” he
said with so much pain in his eyes.
“I’m sorry, I hope you understand…”
“No. Hindi ko maintindihan. Kung nag-aalala kang hindi mo kayang galawan ang mundo ko, kaya
ko namang lumipat sa mundo mo, Trix. Kaya kong baguhin ang ugali ko, ang paraan ng
pananamit ko at ang pananalita ko kung kinakailangan…Kaya kong gawin ang mga bagay na
imposible para maabot ka. Trix…mahal kita.”
She was stunned. Mahal siya ni Radge? Totoo ba ang sinasabi nito?
“Trix, you heard me right. Mahal kita. Kung nabigla man kita noon, itatanong ko na ng malinaw ito
ngayon. And this time, please answer me clearly…mahal mo ba ako? May chance ba ako sa
puso mo, Trix?” masuyong tanong nito.
Ang tibok ng puso niya ay tila nakikipag – unahan sa ibig niyang sabihin. Mahal niya si Radge.
Ano pa ba ang tawag sa nararamdaman niya para rito? Mahal niya ito at marahil ay noon pa
mang una niya itong masilayan sa principal’s office.
She opened her mouth but no sound came out. She tried to talk but was just frozen when he took
her hands and squeezed them. Like a jelly, she just melted on her knees.
“I love you, Trix…please don’t say no…it would kill me…” he closed his eyes and took her hands
to his chest.
“Radge, stop it. Everybody is watching us, please stop.”
“Trixia…”
This is the time. She had to do everything before it’s too late. She had to decide what’s good for
her. She had to do it now…or never.
“I love you too.” She suddenly said. What happened? Wasn’t she supposed to say no?
She smiled to Radge instead and led him going back to canteen.
“Please behave, okay. Hindi tayo artista, ayoko ng maraming audience.” She said. Radge
laughed out so loud and walked with her towards the canteen.
TOTOO nga yata ang kasabihang nagkukulay rosas ang paligid kapag nagmamahal ang isang
tao. Bakit sa tingin niya ay napakasaya ng bawat umaga niya? Bakit sa pakiramdam niya ay
napakagaan ng bawat araw niya sa piling ni Radge? Wala na siyang mahihiling pa. Napakabait
na nobyo nito. Mula nga ng araw na magkausap sila ay hindi na ito gumawa ng mga kapilyuhan
at talagang siniryoso nito maging ang pag – aaral.
Sa umaga ay hinihintay siya nito sa school gate upang sabayan sa pagpasok at sa oras naman
ng uwian ay hinahatid siya nito. Nag – alok itong susunduin siya sa pagpasok pero siya na rin
ang tumanggi dahil masyado itong malayo para gumising pa ng maaga at sunduin siya.
Bihira na rin itong sumama sa grupo nito at bahagya pa nga niyang ipinagtakang tila halos ay
hindi nito kinakausap ang mga kaibigan nito. Nang tanungin naman niya ay sinabi nitong wala
naman itong problema at mas nais lang na kasama siya kaysa sa mga kaibigan kaya pinilit na
lang niyang iwaksi ang bagay na iyon sa isip.
Kung minsan ay naiisip niyang panaginip lang ang lahat. Napakabilis ng mga pangyayari. Noon
ay tila aso at pusa sila ni Radge samantalang ngayon ay magnobyo na sila. Sinabi na niya sa Ate
Madel niya na ipakikilala niya ang nobyo sa mga magulang sa araw ng pagtatapos nila at sang –
ayon naman ito. Minsan na nitong nakilala si Radge at agad ay boto ito sa lalaki.
Tila panaginip ang lahat na napakahirap paniwalaan. Sana nga ay magtagal ang relasyon nila ng
lalaki at kung panaginip man ang lahat ng nangyayari, sa isip niya ay huwag na muna sana
siyang magising. Radge was too good to be true; she wouldn’t survive without him. She wouldn’t
live without him. God forbid but she loves him so to the point of forgetting her own self just for
him.
“CONGRATS, pare! You’re the man!” it was Eric.
Sabado ng hapon iyon na napagkasunduan nilang mag – ensayo ng basketbol sa subdibisyong
tinitirhan nila. Wala na siyang oras para sa mga ito dahil lahat ay ibinibigay niya kay Trix. Sa
tuwing lalapit ang mga katropa ay sumesenyas agad siya na lumayo ang mga ito. Natatakot kasi
siya sa posibleng matuklasan ni Trix kung hahayaan niyang makipag – usap ito sa mga kaibigan
niya.
“Pare, tama ka sa mga sinabi mo! You’re very lucky to hit two birds in one stone.” Napangunot –
noo siya sa narinig buhat kay Red.
“Ang ibig kong sabihin ay ang pusta namin plus Trix! Ano ka ba? Bakit tila nakalimot ka na sa
pustahan natin? Don’t tell us you’re not gonna pay just in case you lose the bet?”
Hindi naman ang pagtakbo sa pagbabayad ang naisip niya kung hindi mismong si Trixia at ang
pustahang nakapatong sa ulo nito. Paano kung malaman nito ang lahat? Tiyak na masasaktan
ito. Tiyak na magagalit ito at hindi na niya hahayaang mangyari iyon. Kailangang gumawa siya ng
paraan hanggang hindi pa huli ang lahat.
“Sorry to disappoint you guys, but I guess I need to pull out my bet.” simula niya.
Natahimik ang tatlo. Nang makabawi si Red ay una itong nagtanong.
“Don’t tell us pare na in – love ka na kay Trixia? ‘Yun lang ang dahilan para umatras ka sa
pustahan.”
“Oo nga. Umamin ka nga. Siniryoso mo na ba si Trix pare? Paano si Dianna? Naku, tiyak na
hindi patatahimikin ng babaeng iyon si Trix ‘pag nalaman niyang seryoso ka na sa kaniya.”
Lumipad ang tingin niya sa kaibigan.
“What did you just say?” kinabahan siya nang husto sa sinabi nito.
“I mean, Dianna won’t let this to happen. Hinahayaan ka lang naman niya dahil alam niya ang
tungkol sa pustahan…”
Sukat sa narinig ay umigkas ang kamao niya. Hindi niya napigilan ang matinding galit sa mga
oras na iyon. Ang nagulat na si Eric ay sumubsob sa bleacher na naging sanhi ng pagputok ng
husto ng labi nito. Takang – takang tumayo ito sapo ang labi. Dumalo naman ang ilang kasama
pa nila at madaling umawat sa tensiyong nakapagitan sa kanila ni Eric.
“Bakit kailangang malaman ni Dianna ang tungkol dito?” sigaw niya sa pinakamalakas na tinig.
“Ano ba ang problema mo? Girlfriend mo si Dianna ‘di ba? She has the right to know.”
Itinaas niya ang kamay upang hindi na magsalita pa si Eric.
“Enough, pare. That’s enough.” Iyon lang at tumalikod na siya palayo sa mga kaibigan. Kuyom
ang kamaong nilisan niya ang lugar na iyon.

When Bad Boy met his matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon