CHAPTER IX. Bold Truth

24 0 0
                                    


BAGO TULUYANG lumatag ang dilim ay sabay - sabay na nilang tinahak ang The Orchids.


Noon lang niya nalaman na malapit na kaibigan pala ni Martin ang may - ari nito kaya doon sila


mananatili ng ilang araw depende sa takbo ng isip ng nobyo.


Namangha siya sa ganda ng beach house. Ang nasabing bahay ay tila isang likhang sining na


perpektong inihulma ng isang pintor sa harap ng white beach na iyon. Noon lang niya lubos na


naunawaan ang tunay na kahulugan ng salitang karangyaan sa kabila ng pagiging simple. Ang


mga muwebles na nasa paligid ay tila nagbuhat pa sa sinaunang kabihasnan. Antigong mga


gamit ang nasa paligid na sinamahan ng tema ng kalikasan kaya naman napakapreskong


tingnan nito.


Dalawang malaking silid ang kinuha ni Martin para sa kanila ayon na rin sa kaniyang sariling


kagustuhan. Hindi siya pumayag na iisang silid ang kuhanin kahit pa batid niyang nagdaramdam


ito.


Napalingon siya sa mga kasama at nakita niyang kasalukuyang iniaabot ng receptionist kay


Ingrid ang isang susi. Kung gayon ay iisang silid lamang ang tutuluyan ng dalawa. Sa isang


kanugnog na silid din nila nakapuwesto ang mag - asawang Ricci at kasunod niyon ang silid ng


kapatid nitong si Vanessa na katapat naman ang silid ng nobyong si Lemuel. Sa sumunod na


pasilyo naman ang silid ng magnobyong Donabelle at Armand na kaibigan din ni Martin at Ingrid.


Nakaayos na ang mga silid na iyon bago pa man sila dumating. Kung gayon ay handang - handa


pala ang lahat para sa lakad na iyon...liban sa kaniya. Hindi man lamang niya napaghandaan ang paghaharap nila ni Radge at wala siyang magawa kung hindi tahimik na sumunod sa daloy


ng mga pangyayari.


Hindi niya kinikibo ang binata habang inaayos ang mga damit at gamit na pinamili ni Ingrid. Ayaw


niya iyong tanggapin noong una pero ayon dito ay pera naman ni Martin ang ginamit nitong


pambili ng mga iyon at sadya nitong binili para talaga sa kaniya.


Sa bawat tanong ni Martin ay oo at hindi lang ang tugon niya at sa huli ay bumigay na rin ang


napakaikling pasensiya nito.


"I don't see any point in this argument! Para kang bata!" Naiinis siya kaya pinili na lamang niyang


hindi magsalita subalit sa kalaunan ay nagtalo pa rin sila ni Martin. Masisisi ba siya nito kung


magalit siya gayung pakiramdam niya ay pinangunahan siya nito?


"Alam mong hindi ako sang - ayon sa lakad na ito umpisa pa lang." mahinang usal niya.


"Ano nga ba kasi ang problema? Ayaw mong sumama dito dahil kasama si Ingrid, ganoon ba?"


matalim ang sulyap nito na lalo lang ikinasikip ng pakiramdam niya.


"I have nothing against your cousin, Martin. Tandaan mo naman ang bagay na 'yan. I just don't


like the idea of enjoying here while my people were left in Manila managing the things I need to

When Bad Boy met his matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon