"FIFTEEN more days to go...tsk, tsk...poor boy..."
"Shut up, dude!"
"Pare, tanggapin mo na kasi! Hindi talaga uubra ang kamachuhan mo kay Trixia. Wala ka nang
magagawa pa."
Kasunod niyon ay kantyawan ng barkada na hindi lang nagpapainit ng ulo niya kung hindi
nagpapahina rin ng kaniyang kalooban. Malapit nang mag - isang buwan at ang takdang
panahon ay matatapos na pero heto at hindi pa rin niya napapapaamo ang babae. Mailap pa rin
ito sa kaniya at mula nang halikan niya sa harapan ay hindi na niya napaamo kahit pa ano ang
gawin niya.
Noong minsan ay kinasabwat pa niya ang kamag - anak na guro nila sa isang subject at kunwa
ay may pinagawa ito kay Trixia. Nasa libro na ipinahiram nito nakaipit ang sulat niya pero wala pa
din. Pagbalik ng sulat ay nakaipit pa rin ito doon at hindi man lang nabuksan. Wala naman siyang
nagawa dahil iyon lang talaga ang usapan nila ng guro. Ayaw din nitong makialam sa personal
niyang problema, idagdag pang ayon dito ay napakabata pa niya at asikasuhin na lamang ang
pag - aaral. Isa pa, hindi raw nito magagawang personal na iabot ang sulat sa babae.
Nakakawalang respeto nga naman iyon para sumali pa ito sa kanila.
Nauubusan na siya ng alas. Hindi na siya makaisip ng hakbang para mapaamo si Trixia. Kung
sana ay ganoon lang kadaling umatras sa usapan nila ng mga katropa. Hindi niya nanaiisin ang
mapunta sa "hot seat" at mabuska nang walang banlawan ng mga malalakas mang - asar na
mga kaibigan. Tuwing naaalala niya si Trixia ay tila ibig niya na lang magkulong sa kaniyang silid
at hindi na pumasok sa eskuwelahan pero sa tuwina ay tinatalo rin naman siya ng kaniyang
yabang. Alam niya at naniniwala siyang nagpapakipot lang ito at bibigay din sa lalong madaling
panahon sa kaniya.
"Ano sa tingin mo, pare? Kaya ba ng powers mo si Trix?" muling pang - aalaska ni Red. Ito ang
pinakamataas sa grupo. Sa edad nitong 17 ay sobrang promising ang height nitong 5'9 kumpara
sa kaniya na 5'7. Madalas din na ito ang center player ng grupo sa tuwing napagkakatuwaan
nilang magbasketbol.
"Dude, I don't even need to use my powers dahil sa totoo lang, hindi ko lang mabigla si Trix but
I'm very much positive I can have her."
"Whoaa! Talaga lang pare ha! Sana nga, kasi balita ko eh pinopormahan na ni Sanchez si Trixia."
Nagpanting ang tainga niya sa narinig. Sino ba si Sanchez? Yun lang naman ang lalaking karibal
niya sa lahat ng bagay. Galing ito sa isang pamilyang may sinasabi at kilala rin naman sa baryo
nila. Matanda sa kaniya ng isang taon ito bagaman pareho silang nasa ika - apat na taon ng
High School. Halos lahat ng babaeng niligawan niya ay niligawan rin nito.
At ngayon nga, alam nitong si Trix ang pinopormahan niya kaya heto ngayon ito upang muli ay
BINABASA MO ANG
When Bad Boy met his match
RomanceThe story is came from the writer named Yesha. I just want to share it with you on how I appreciated her story and love the flow. And I hope you like it too.