If Love is Real, it will Happen... (Uncut Version part I)

11 0 0
                                    


AFTER THREE MONTHS...


"Jeda, ikaw na ang bahala sa gown ni Ms. Tessa ha. May importante lang akong lalakarin at


kailangang nakaayos na iyan bukas ng hapon."


"Opo. 'Yung piña barong po ng groom, naka-set na din."


Napangiti siya. Kahit mawala siya ng isang buwan ay alam niyang nasa maayos ang lahat.


Eksperto na si Jeda sa pasikot - sikot sa Ladies and Gents at may mga pakulo pa ito upang


makabingwit ng kliyente. Mula sa kaibigan hanggang sa mga pinsan ng kanilang mga customers


ay sa kanila na rin nagpapa - arrange ng kasal.


"Hay ate, kailan kaya ako makapagsusuot ng wedding gown?" nangiti siya sa hitsura ni Jeda. Tila


ito nangangarap na ipinatong sa dibdib nito ang ipapalit sanang gown sa mannequin na nasa


harap ng salamin ng boutique.


"Eh 'di isuot mo na ngayon." Nangingiting wika niya.


"Si Ate naman oh, siyempre dapat ay may groom ako 'diba."


"O siya sige, ihahanap kita para makapagsuot ka na ng wedding gown."


Nagkatawanan silang dalawa ni Jeda sa sinabi niyang iyon.


"Ate..." pagkuwa'y sabi nito.


Luminga siya sa assistant na patuloy sa pag - ikot sa salamin habang kunwa'y nakasukat ang


damit pangkasal dito.


"Ano ba ang pakiramdam ng ikinakasal?"


Napalis ang ngiti niya sa tanong nito.


"Bakit sa'kin mo itinatanong? Ikinasal na ba 'ko?" kunwa'y balewalang sabi niya pero ang totoo ay


ibig niyang magngitngit sa isang simpleng tanong na iyon.


"Ikaw naman kasi Ate eh. Kung bakit hindi mo pa tanggapin ulit si Sir Martin eh halata namang


mahal na mahal ka ng tao." Matamang nakatitig si Jeda sa dalaga at mandin ay hinihintay ang "Naku, si Ate! Wari ka pa diyan eh! Ang sabihin mo, si Fafa Radge ang hinahanap - hanap mo!


Aminin!"


"Tumigil ka! Wala akong pakialam sa lalaking iyon noh!"


"Hay...kalimutan niyo na kasi si Fafa. Tiyak na sa mga oras na ito ay masaya na iyon sa piling ng


kontrabidang si Ingrid! Mahigit tatlong buwan na nang umalis siya patungong Australia 'diba,


Ate?"


"Oo. May - asawa na siya kaya simulan mo nang maglakad patungo sa tahian para makita ang


gown ni Ms. Tessa." Bahagya niya itong itinulak patungo sa back door at kinuha mula dito ang


hawak nitong damit.


"Hay...Ano pa ang saysay ng wedding gown kung nasa Australia naman ang groom?"


Inabot niya ang isang throw pillow na malapit sa kinatatayuan saka ibinato kay Jeda. Malakas


namang tawa ang itinugon nito. Kasalukuyang isinusuot niya ang damit pangkasal sa mannequin


na nasa harapan nang mapansin ang isang itim na kotse sa kabila ng salamin. Nasa kabilang


kalsada iyon at nakahimpil sa mismong tapat ng boutique.

When Bad Boy met his matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon