Kabanata sa When the Bad Boy Met his Match"MAY I repeat to the class, anyone who will be caught cheating will be suspended for three days.
Do you hear?"
"Yes, ma'am."
Napasimangot siya. Hayun na naman sa harapan nila ang teacher nila sa Economics na tila lagi
na lamang nananakot sa araw - araw na klase nila. Kung bakit naman tila utu - uto ang mga
kaklase niya na patuloy na umaayon dito ay hindi niya alam.
"Do you have a problem, Mr. De Vera?"
Hindi na bago ang eksenang iyon dahil araw - araw din naman siyang tinatanong nito kung ano
ang problema niya. Tumayo siya saka ngumiti ng matamis sa guro.
"Do I look like having problems, madam?" he grinned.
"Then, what are you smiling for? It seems that you're too occupied of anything that you were
thinking, little boy." Inalis pa nito ang dalawang patong yatang salamin nito bago muling nagsalita.
"Ouch...I am no longer a little boy, ma'am. That one hurts!" kunwa'y nasaktan pa siya na hawak
ang dibdib. Nagtawanan ang buong klase.
"Really? Can you prove to me that you are not?" hamon pa nito na salubong na ang kilay sa
pagsasalita. Batid niyang ilang sandali na lamang at maiinis na naman nang tuluyan ang teacher
niyang ito.
Pinalaki niya ang mga mata na tila nagimbal sa narinig.
"What do you mean ma'am? In front of the class? I can't!" Kinuha niya ang bag at madaling
itinakip sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Muli ay umugong ang malakas na tawanan ng
buong klase.
"I can't believe this! You...you son of a..."
"Ops, ops mam, bawal yan...wag niyong itutuloy..." ang kamay niya ay umakto pang tila
nananaway.
Hindi na nakatiis ang guro at kinuha nito ang librong makapal sa ibabaw ng table saka mabilis na
inihagis sa kaniya. Maagap naman niyang nasapo iyon at nahagip pa niya ng tingin ang
papalabas at nagdadabog na guro.
Naramdaman na lamang niya ang pagtama ng mga nilamukos na papel sa katawan at mukha
niya. Gawa iyon ng mga kaklaseng sa halip na magalit ay tuwang - tuwa pa sa kaniya dahil wala
nang magaganap na test sa araw na iyon. Ang mga kaibigan naman ay nagsilapitan at saka isa -
isang nag high five sa kaniya. Nahinto lamang ang ingay nang umalingawngaw sa paligid ang
malakas na tunog ng paging alert na sinundan ng malaking boses ng kanilang principal.
"Mr. Radge Paolo De Vera, bring your parents in my office first thing in the morning tomorrow.
Again, bring your parents to my office tomorrow!" saka nawala ang tinig. Kasunod niyon ay ang
ingay na hindi lamang sa classroom nila nagmumula kung hindi pati na rin sa labas ng kuwarto
dahil marami na rin ang nakakakilala sa kaniya. Sa halip na matakot ay buong giting pa siyang
nagpunta sa harapan ng klase.
BINABASA MO ANG
When Bad Boy met his match
RomanceThe story is came from the writer named Yesha. I just want to share it with you on how I appreciated her story and love the flow. And I hope you like it too.