HULING ARAW na nila sa isla at napagkasunduan ng grupong maagang lumabas upang maligo.
Tumawag si Martin at ayon dito ay magbihis siya nang maaga at susunduin siya nito.
Mula pa nang nagdaang gabi ay hindi na tumigil sa mabilis na pagpintig ang puso niya…mula
nang muli ay magkaunawaan sila ng lalaki. She felt empty the very moment Radge left her. At
iyon ang kinatatakutan niya. Tila siya isang nilalang na may bagong mundo. At natatakot siyang
hindi masabayan ang galaw niyon.
Ang sabi ni Radge ay kausapin nila si Martin at Ingrid pero tumanggi siya. Hindi niya alam kung
paanong sisimulan ang pagkausap kay Martin dahil natitiyak niyang hindi magiging madali para
dito ang lahat. Natatakot siya sa maaaring gawin nito…hindi lamang para sa sarili kundi lalong
higit para kay Radge.
Napapayag niya si Radge na ilihim muna ang lahat subalit kabilin – bilinan nitong hindi na niya
hahayaan si Martin sa mga advances nito – bagay na sinang – ayunan naman niya. Kung siya
ang masusunod ay hindi na niya ibig pang makita ang lalaki. Kahit paano naman ay may
pinagsamahan sila nito at naaawa rin siya para sa binata.
Nang muling tumunog ang kaniyang cellphone ay mabilis niyang sinulyapan iyon. Halos ay
dambahin niya ang gadget nang makilala ang caller.
“Hello…”
Silence…
“Hello Radge?” ulit niya.
“Good morning, baby.”
Napapikit siya pagkarinig pa lamang sa tinig nito. It was like a hymn teasing her ears and she felt
like in heaven…
“Good morning…how’s your sleep?” sabik na tanong niya. Sa isip ay inilalarawan ang maamong
mukha ni Radge.
“It was the most peaceful sleep I ever had. I’m glad you’re now here, babe…I’m really glad you’re
home…” madamdaming wika nito sa kabilang linya na bahagyang nagpangilid sa mga luha niya.
“Don’t make me cry, baby.”
There. Nasabi na rin niya. After eight long years ay muli niyang nabigkas ang salitang iyon. And
she admitted she missed calling him that way. Baby is so far, the most beautiful word to her. It
implies everything. Very romantic. Very Radge.
“Please don’t. I don’t wanna see you cry again. When you feel like crying, remind yourself that I
love you.”
Bakit ba ganito si Radge? Lahat ng sinasabi nito ay tumatagos sa kaibuturan ng puso niya. Hindi
niya mawari kung anong klaseng emosyon ang lumulukob sa kaniya at halos ay hindi na siya
makahinga.
“Thank you. I’ll always remember that.” Matapos ang ilang palitan ng mga salita ay ibinaba na
niya ang cellphone. Binura niya ang call logs doon at nilagyan ng security password ang mga
mensaheng galing kay Radge. Nangingiting inulit sa isip ang password na ginawa niya –
mybaby.
“COME ON, HON! Let’s enjoy the clear water!” sumisigaw pa si Martin nang tila bata itong
nagtatakbo sa dagat.
Napakaaliwalas ng panahon. Ang bughaw na langit ay tila nakatunghay sa kanila. Napakalinaw
ng tubig at kumikislap sa sinag ng araw ang buhanging ipinagmamalaki ng isla. Napangiti siya.
Tila iyon isang bagong umaga para sa kaniya. At napakagaan ng kaniyang pakiramdam.
Matapos alisin ang nakataping malong ay tumambad ang kaniyang alindog sa suot na one piece
bathing suit. Floral and earthy tones mixed up to convey the artistically designed swimsuit on top
of her. Iyon ang napili niya sa dalawang pampaligo na binili ni Ingrid. Simple lang ang tabas niyon
at komportable ang kaniyang mga galaw. One piece lang iyon subalit bukas ang tagiliran kaya
nakikita rin ang bahagi ng kaniyang baywang hanggang sa bungad ng balakang niya.
Sinadya niyang hindi siya abutan ni Martin sa loob ng silid at hindi nalingid sa kaniya ang
pagsimangot nito nang makita siyang naghihintay sa labas. Hindi niya ibig na makasilip ito ng
pagkakataon upang gumawa ng hakbang na hindi niya gusto kaya pinipili niya ang maging
maingat.
Kanina pa naglulunoy sa tubig ang kanilang mga kasama nang dumating sila. Papalusong na
siya nang matanaw buhat sa karamihan ng mga naliligo ang paparating na si Radge. Napangiti
siya nang hindi sinasadya. Kahit sa gitna ng maraming tao ay makikilala mo ito. Mula sa
maganda nitong pangangatawan hanggang sa napakasimpatiko nitong mukha, walang sinumang
nasa matinong pag – iisip ang hindi hahanga sa angkin nitong kakisigan. Nang ngumiti ang mga
mata nito ay muntik na siyang madala ng mabining agos ng tubig. Good Lord!
Nang malapit na ito ay saka niya nakita na hindi pala ito nag – iisa. He was with Ingrid that in one
snap became a head turner on men. Who would not pay attention when she was almost not
wearing anything at all? Ang suot nitong bikini top ay halos mapigtas na sa taglay nitong
hinaharap. Ang string bikini bottom naman ay ganoon rin at halos ay wala na itong itinago pa sa
mga mata ng audience nito. Hindi niya napigilan ang mapasimangot nang makitang nakayakap
ito sa braso ng “kasintahan.” Kaagad ay naramdaman niya ang inis sa dibdib.
Nagulat siya at napatili nang may humila sa kaniyang binti. Kasunod noon ang malakas na
pagtawa ni Martin. On instinct, sinabuyan niya ito ng tubig.
KAYGANDA ni Trixia sa suot nitong bathing suit. Hindi niya mapigil ang magpakawala ng hangin
nang mapagmasdan ang kariktan ng dalaga. Ang saplot nito ay humakab nang husto sa makurba
nitong katawan. Tila umiilaw din sa sikat ng araw ang porselanang kutis nito.
Napabuntong – hininga siya nang makita ang brasong pumulupot sa maliit na baywang ni Trixia.
Hanggang kalian ba niya dapat tiisin ang masaktan? Mahal niya si Trixia at mahal din siya nito
subalit kapwa sila walang layang ipakita iyon sa mundo.
“Honey?” untag ni Ingrid sabay yakap kay Radge mula sa likuran.
Ramdam niya ang kahubdan ng dalaga na nakadaiti sa kaniyang balat. Gayunman ay hindi
tumutugon ang kaniyang katawan sa lantarang pang – aakit na iyon. Ang kaniyang buong atensiyon ay nakatuon kay Trixia. Ito lang ang mahalaga sa kaniya ngayon at sa mga susunod na
araw ng buhay niya.
Nang muling lumingon sa gawi ng dalawa ay huling – huli ng kaniyang paningin ang ginawang
pagyakap ni Martin kay Trixia. Naramdaman niya ang pag – iinit ng mukha at kusang kumuyom
ang kaniyang mga palad sanhi niyon. Inilayo niya ang tingin sa mga ito nang biglang narinig ang
pagsigaw ni Trixia. Nang lumingon siyang muli ay nagsasaboy ito ng tubig kay Martin na patuloy
naman sa paghalakhak.
He could bet no good artist can paint his face at that very minute. She just swore not to entertain
advances of Martin. Pero sabagay, ano ba ang inaasahan niyang makita sa dalawa? Magnobyo
ito sa mga mata ng lahat kaya natural lang ang ikinikilos ng mga ito. Maging siya nga ay hayun at
nakahawak pa sa kamay ni Ingrid. Bigla niyang naialis ang kamay na nakahawak dito at mabilis
na sumisid palayo.
Nang lumutang siya ay muli siyang lumubog at nang pag – angat ay muling tumanaw sa
kinaroroonan ni Trixia. Bagaman malayo na ay nakita niya itong nakikipagtawanan kay Martin.
Kagaya niya ay papalayo na rin ang mga ito sa dalampasigan. Muli siyang lumangoy at hindi
pinansin ang tumatawag na si Ingrid. Ibig niyang lunurin sa tubig ang nararamdamang galit sa
dibdib. Para saan ang pagmamahal niya kay Trixia kung hindi naman niya maipagmamalaki
iyon? Gaano ba siya katagal maghihintay?
Nang muling umangat ay tinanaw niya si Trixia subalit nawala na ito sa kinaroroonan. Nang hindi
niya rin makita si Martin ay lalo na siyang kinain ng selos. Ano pa nga ba ang posibleng
ginagawa ng mga ito sa ilalim ng tubig? Muli sana siyang lalangoy nang biglang mahagip ng
tingin ang papaahon na si Martin. Luminga siya sa paligid at hinanap si Trixia subalit wala talaga
ito.
Hustong nakarating na sa pampang si Martin nang dambahin niya papalangoy ang tubig. Madali
niyang tinungo ang kaninang kinaroroonan ni Trixia at nang hindi makita saan mang panig ng
dagat ang babae ay nagsimula nang kumabog nang malakas ang dibdib niya. Nasaan si Trixia?
Lumubog at lumitaw siya sa paglangoy subalit hindi niya ito makita. Halos mapugto na ang
hininga niya sa labis na takot at sa isiping tinangay na ng agos ang katawan ng babaeng
minamahal sa kung saan. Hindi niya mapapatawad ang sarili sakaling may mangyaring masama
dito.
Sa muling paglangoy ay may naaninag siyang isang katawang tila nakalutang sa ilalim ng tubig.
Hindi man niya natatanaw nang husto ay nararamdaman niyang si Trixia iyon. Madali niyang
nilangoy ang halos sampung metrong layo ng babae at nang mahawakan niya ang katawan nito
ay ramdam niya ang malakas na pagsikad ng kung ano sa kaniyang dibdib.
Habol niya ang hininga nang marating ang pampang. Inilapag niya ang katawan ni Trixia sa
umiilaw na buhanginan at pinagpala ito. Madali niyang iginawad ang mouth to mouth
resuscitation sa dalaga. Malakas ang pulso nito kaya hindi na niya kinailangan ang pagbibigay ng
CPR.
Kasabay ng pag – ubo ni Trixia ay ang paglabas ng tubig sa ilong at bibig nito. Hindik na hindik
itong yumakap sa kaniya. Hinagod niya ang likod ng dalaga at saka ito binuhat papunta sa
pinakamalapit na bakanteng kubo. Kasunod nila ang nagtatakang mga mata ng kaniyang mga
kasama at ng lahat ng nakasaksi sa pangyayari.
Wala na siyang pakialam sa paligid. Ang mahalaga ay ligtas si Trixia at nasa bisig niya ito.
“Ssshh, don’t worry baby, I’m here.” Hindi niya napigilan ang gawaran ng halik ang umiiyak na
dalaga. Iniupo niya ito sa makitid na katreng nasa loob ng kubo.
“Martin said he would go back to the room to get his camera…but he didn’t hear me screaming.
Nobody heard me! I couldn’t move my feet and…and…Oh God!” she cried. Muli ay niyakap niya
ang naghihisteryang dalaga at pilit itong pinayapa. Ano’t wala man lamang nakarinig dito? Hindi
niya mapapatawad si Martin sa pagdadala sa dalaga sa malayong panig ng dagat.
“You’re now safe, baby. No need to worry anymore. You’re now safe with me.” He planted a light
kiss in her mouth to pacify her but she caught his mouth with a passionate kiss. Tila ito
nakasumpong ng isang moog. He couldn’t stop to utter curses as he gazed to Trixia and saw how
shocked she was.
Nang ikulong niya ang mukha ni Trixia sa kaniyang mga kamay at pagmasdan ito ay
naramdaman niya ang pagkatibag ng pangakong isinumpa sa dalaga. Paano niyang itatago ang
pagmamahal na mahigit walong taon niyang iningatan?
“Ano ang ibig sabihin nito?!” Kapwa sila napatingin ni Trixia sa gawing pinto ng cottage. Naroon
at nakatayo si Martin at Ingrid. Isa – isang tumalikod ang kanilang mga kasama na nakasaksi sa
tanawing iyon.
Akmang susugod si Martin kay Radge nang iharang ni Trixia ang katawan sa huli.
“Huwag! Huwag, Martin! Parang awa mo na!” sigaw ni Trixia. Ang sindak ay nakalarawan sa
maamong mukha nito.
“Sinasabi ko na nga ba at may nangyayaring milagro sa likod ko! How long have you been fooling
me, De Vera! How long?!” ang galit na nakabadha sa mga mata ni Martin ay tila nag-aapoy sa
matinding intensidad.
“Iniwan mo si Trixia nang walang kasama sa tubig at ngayon ay darating kang akala mo kung
sinong dakilang tagapag – alaga niya!”
Nang makita ang ayos ng dalaga ay tila naunawaan nito ang nangyari.
“I told her to go with me but she refused and chose to stay in the water…kaya naman pala ay…
may kaharutan!” marahas itong bumaling sa dalaga, “Ikaw Trixia, ano ba meron ang lalaking ito
na wala sa akin? Is he bigger than me? Does he satisfy your needs more than I can do, honey?!”
Isang malakas na suntok ang pinadapo niya sa panga ni Martin. Ang panlalait nito ay kaya niyang
palampasin subalit hindi ang pambabastos sa babaeng minamahal niya. He would do everything
to keep her safe and damned this man to just leave her too close to death!
Nang makabawi sa pagkabigla ay gumanti ng suntok si Martin. Lumabas sila ng cottage at doon
nagpambuno. Galit si Martin kaya ramdam niya ang kakaibang lakas ng mga suntok nito pero
mas higit ang galit na nararamdaman niya dahil sa pagpapabaya nito kay Trixia. Paano kung
hindi niya ito agad nakita?
Naririnig niya ang halinhinang pagsigaw ni Trixia at Ingrid pero patuloy siya sa pagpaparusa kay
Martin. Ibinuhos niya ang lahat ng ngitngit at galit na nadarama sa dibdib para dito.
Duguan ang mukha ni Martin nang sumadsad ito sa wooden bench na nasa gilid ng kubo.
Madaling dumating upang sumaklolo ang mga kasama nila at lahat iyon ay nasa panig ni Martin.
Tumalikod siya pumasok sa cottage. Binuhat si Trixia at kumilos papalayo sa lugar na iyon.
MADALI SILANG naghanda ni Trixia sa pag – uwi. Naririnig niya ang pagtunog ng cellphone
subalit hindi niya iyon pinapansin. Pinatay niya iyon ng tuluyan nang makitang si Ingrid ang sanhi
ng pagtunog niyon.
Nang makalabas ng silid ni Trixia ay nakita nila kapwang naroon si Ingrid sa sala at naghihintay
sa kanila. Grief and pain in her eyes but he fought for the sudden attack of guilt. He never loved
Ingrid and she was just a good companion to him, eversince…and she knew it.
“Radge…” she stood and called his name.
“I’m sorry, Ingrid. I’ll talk to you when everything is okay. Please understand.”
Iyon lang at madali na nilang tinungo ang pinto palabas sa beach house na iyon. Kasunod niyon
ang paghikbi ni Ingrid.
“PLEASE BE safe.” Wika niya nang humimpil ang kotse sa harapan ng bahay niya.
“Baby, I’m so tired and need to get some sleep.” Inabot niya ang dalaga at naglalambing na
humilig sa balikat nito.
“Sweetie, you can’t stay here. Maaga pa naman at makakauwi ka pa.” aniya.
Natural ay gusto rin niyang makasama ng matagal si Radge subalit hindi iyon maaari.
“Okay, okay. Reward me a good night kiss first and I’ll go home now.”
When their lips met, she knew everything is right. No more tears. No more worries. Just Radge.
What else can she ask for when the best gift on earth is now hers?
“BABY…”
“Hmmmm…”
“Baby, wake up.”
“I love you.”
“And I love you more…but you need to wake up…”
Bigla ay napadilat siya nang pumasok ang realisasyon sa halos ay natutulog pa niyang diwa.
“Radge!” gulat siyang napasigaw. Tandang – tanda niya nang umalis ito sakay ng kotse nito.
Paanong…?
“Yes, it’s me!” he was there lying beside her and covered by her bedsheet. Kung sa ibang
pagkakataon ay matatawa siya. Gorgeous Radge…covered with her baby pink Hello Kitty bed
sheet. What a nice scenery!
“I drove for I guess…two kilometers when I saw Martin’s car. So I decided to take the shortest
route and got back. Umalis na siya nang makita ang kotse ko pero hindi ako matatahimik nang
alam kong nasa paligid lang siya kaya pinasok ko na ang bahay mo. I’ll punish you for not closing
your windows!” Pinindot nito ang ilong niya.
“You mean, you were here the whole night?!” gulat na sabi niya. At hindi man lamang siya
nagising? Ganoon siya napagod sa nagdaang araw?
“Yes, and kept myself busy staring at you until dawn.” Nang kumilos ang mga kamay ni Radge at
dumama sa braso niya ay hindi niya naiwasan ang mapaungol sa ibig nitong ipahiwatig.
“Sweetie, this is not fair.” daing niya.
“And what is fair?” he moved closer and started to kiss her bare shoulders.
“Radge, please! Sisigaw ako!”
“I’m sure you would! And I would be more than willing to hear you scream, baby.” He planted a
wet kiss on her earlobes and she began to stammer. For Pete’s sake, he caught her on her
weakest point of the day! Why, if he will insist, she’d be more than willing to give herself to him.
“Radge, please…”
“Please touch me.” his voice as if in pain. When she moved her hands up and started to touch his
bare chest, he groaned. And she was puzzled. Does he always need to sleep in birth suit?
“Huh? May masakit ba sa’yo? Dito ba? Saan?” sunud – sunod na tanong niya kasabay ng
pagdama sa matipunong dibdib nito.
Napangiti si Radge nang buong kapilyuhan.
“Ouch!” kunwa ay sigaw nito.
“Saan ba ang masakit? Alin?”
“There.” Nang ituro nito ang ibabang bahagi ng katawan ay napasinghap siya at naalala ang
kahubaran ng binata. Kaylakas ng tawa nito.
“Radge!”
“I am telling you the truth. It really hurts,” muli ay ngumiti ito sa kaniya ng pilyo bago nagseryoso
ang tinig nito, “It really hurts knowing that I could have you this very minute but at the same time, I
couldn’t.”
“And why couldn’t you?” she’s the one teasing this time.
“Oh, no. I can wait, baby. This is not yet the right time. And when that time comes, you’ll fall on
your knees and beg to have me.” He lowered his head to kiss her but she stood up.
“Later, baby…after I brush my teeth…” tumatawang wika niya.
Kung araw – araw siyang gigising na si Radge ang unang sasalubong sa kaniya ay nanaisin na
niyang sana ay palagi na lamang siyang natutulog.
“MOM, YOU’RE GONNA meet her…very, very soon.”
“Are you sure, hijo?”
Nang magtanong ang mga magulang tungkol kay Ingrid ay napilitan siyang sabihin dito ang totoo.
“But I thought, you two are getting married.”
“Iyan din ang sabi sa akin ni Ingrid dahil narinig na raw niyang pinaaayos mo na kay Janeth ang
details ng kasal niyo.”
Hindi niya naiwasan ang mapasimangot sa sinabi ng ama.
“Pa, napag – usapan na natin ito nang paulit – ulit.”
His father rolled his eyes and chuckled.
“Pero anak, kung magpapakasal ka ay madaliin mo na. Kaytagal kong hinintay na sana ay muling
magbalik ang kulay sa buhay mo and now, I can see you’re back to your old self, honey.”
“You’re right, ma. And don’t worry, wedding bells will soon be heard.”
ALAS KUWATRO NG HAPON ang usapan nila ni Radge sa Café Eana pero ilang sandali na ang
nakakalipas ay wala pa rin ito. Nakadalawang order na siya ng iced tea at pinagpupusan na rin
siya nang malamig subalit wala pa rin kahit anino ni Radge.
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang numero nito subalit hindi niya ito ma-contact.
“Radge, where are you? Please show up.” bulong niya sa sarili. Kanina lang ay tiniyak ni Radge
na darating ito at binilinan pa siya na mag – ingat sa daan.
Nakaisang iced tea pa ulit siya nang tanggapin sa sarili na hindi na darating si Radge. Ganap
nang ika – anim ng gabi at natitiyak niyang hindi na darating ang hinihintay niya.
What happened? Is everything again, a part of a game? Muli bang nauulit ang mga naganap
walong taon na ang nakalilipas? Bakit wala man lamang pasabi si Radge sa hindi nito pagdating?
Nasaan na ito?
Napaigtad siya nang marinig ang pagtunog ng cellphone. Dagli niya iyong kinuha at saka sinagot.
“Hello…” naginginig ang boses niya nang magsalita.
“Trixia! This is Ingrid. Naaksidente si Radge at ngayon ay kritikal ang lagay niya…” Nang marinig
ang detalye ng ospital na kinaroroonan nito ay tila wala sa sariling kumilos ang kaniyang mga
paa.
Ayon sa kausap ay nawalan ng preno ang kotse na sinasakyan ni Radge at nagpaikot – ikot iyon
ng tatlong beses bago tuluyang sumadsad sa kalsada. Pinagmamadali siya ni Ingrid dahil baka
diumano hindi na niya ito abutan ng buhay.
Anong klase bang kapalaran mayroon ang pag – ibig nila ni Radge? Sadya kayang may mga
pagmamahalan na hindi nabibigyan ng katuparan? Nauupos na siya sa tindi ng sama – samang
emosyon na nararamdaman. At bago pa man niya masabi sa driver ng taxi ang lugar na
pupuntahan ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
When Bad Boy met his match
RomanceThe story is came from the writer named Yesha. I just want to share it with you on how I appreciated her story and love the flow. And I hope you like it too.