CHAPTER VIII. Moving On (part 1)

15 1 0
                                    


NAGTATAKA na sila sa ikinikilos ni Ms. Trixia. Mula nang umalis ang guwapong lalaki na bisita
nito ay hindi na nila ito nakausap nang maayos. Nang itanong niya rito ang motif ng kasal na
ipina-reserve ng huling kliyente ay hindi man lamang ito sumagot at nang ulitin niya ang tanong
ay isang tiyak na sagot ang ibinigay nito...
"Black!" kasabay niyon ay ang pagsimangot ng amo niya. Black? Ginagamit bang motif sa kasal
ang itim? Napailing siya at nangingiting napamasid sa among babae. Ito lang naman ang unang
pagkakataon na nakita niya itong sinumpong ng ganoon. Bakit kaya?
"HI, HONEY! Did you miss me? Oh, I'm sure you do. Ang tagal kasi ni Martin kaya hindi ako agad
nakaalis." Isang halik ang iginawad nito sa batok ng binata bago tuluyang yumakap sa likod nito.
Tila walang anumang itinuloy ni Radge ang pagrerebisa sa mga papeles na hawak at hinayaan
lamang si Ingrid sa ginagawa nito. Nang magsimulang maglakbay ang labi nito mula sa batok patungo sa kaniyang punong tainga ay nabahala siya. Anumang oras ay maaaring abutan sila ng
sinumang empleyadong papasok sa kaniyang opisina at hindi niya ibig ang ideyang iyon.
"Ingrid, please. I have a lot of things to do here. Let's just talk this evening." He turned and tried to
release himself from her.
"Baby, please...I'd like to be with you now..." muli siya nitong kinabig kaya tuluyan na siyang
tumayo upang makaalpas dito.
"What did you say?" nakangunot ang noo niyang tanong.
"Say what? I said I wanna be with you..." ang mga braso ni Ingrid ay muling kumilos payapos sa
kaniya.
"No...did you just call me...baby?" paniniguro niya.
"Uh - uh...and so what? You're my baby!" she smiled as if teasing her and did once again by
using her tongue to wet her lips.
"At times, you're making me wonder if it's me you are talking to. You used to call me honey,
right?"
Malakas na napatawa si Ingrid at ang tawa nitong umaalingawngaw sa kabuuan ng opisina ay
bahagyang nagpairita sa kaniya.
"Does it matter if I call you baby, honey or darling? They're all just the same...addressing you."
"I don't mind you calling me honey or darling but spare me the baby thing...it reminds me of...it's
like calling a child." Iritado niyang sabi. May kung anong tila nagbabalik sa alaala niya sa tuwing
tinatawag siya ni Ingrid sa ganoong paraan. At hindi iyon tama. Hindi iyon dapat.
"Okay, okay! Fine! No baby anymore. Okey na?" pagkasabi niyon ay muli nitong inabot ang
mukha ni Radge at may tila pagmamadaling inangkin ang labi nito. Tumagal iyon ng may kung
ilang sandali kung hindi dahil sa pagtikhim na narinig nila kapwa sa gawing likuran. Sabay silang
napalingon doon.
"Oh Tito Vien! You look awesome today!" lumapit ito sa matandang nakatayo sa pinto.
"Gracias, Ingrid! How are you?" tanong nito matapos lumapit ang dalaga at humalik dito.
"I'm good, Tito. Where's Tita Isabel?...haven't seen her for months now." Ngiting - ngiti ito
samantalang si Radge naman ay nagbalik na sa dating pagkakaupo.
"Isabel is dying to see you too, iha. I already told her your plans of getting married and she's
really excited. She'll be home by Friday."
Napaubo si Radge sa sinabing iyon ng ama. Bahagya niyang inayos ang necktie na tila
nagpasikip sa kaniyang paghinga.
"Hmm...papa, hindi ba masyado naman yatang maaga ang naging pag - uwi ng mama? She told
me the last time we talk that she's gonna get back a month before Christmas." Sabi niya na hindi
naman tinapunan na ng pangalawang sulyap ang ama. Gayunman ay umaayon iyon sa mga
plano niya.
"Gaya ng nasabi ko, masyadong excited ang mama mo. Hindi niya mapaniwalaang sa wakas ay
mag - aasawa ka na rin, Paolo."
He did his best not to comment on that. Vien was too happy to face the truth.
"Papa, we're done talking about these things." Bahagyang iritado ang tinig na wika niya.
"Yes of course, iho. I just only wonder why you have to delay the wedding when everything is
already set." Makahulugang sabi nito na ang mga mata ay tila may mensaheng nagbababala sa
kaniya. Napailing siya sa ugali ng ama.
"Tito, we don't want to rush the preparation. Minsan lang kaming ikakasal ni Radge and we only
want the best of everything." Lumapit pa si Ingrid sa kinauupuan niya saka banayad na idinampi
ang mga kamay sa kaniyang sentido. Napapikit siya. Bakit tila sa sulok ng kaniyang isip ay may
nagbabangong alaala ng isang dalagitang malambing na humahaplos at nagmamasahe sa
sentido niya? At muli, naramdaman niya ang isang pamilyar na sakit na iyon.
"Baby, your father is asking you something." Isang bahagyang tapik sa balikat ang nagpabalik sa
kaniya sa kasalukuyan.
"I - I'm sorry?"
He saw his father gritted his teeth and waved his hand afterwards, as if dismissing the topic.
"Mag - usap na lamang tayo sa opisina ko, Radge Paolo. We really need to talk. Send my hello
to Claudio and Antonia, Ingrid." Isang ngiti ang isinukli ni Ingrid doon samantalang siya naman ay
hindi maiwasan ang mapabuntong - hininga. He truly thanked God for having such a stubborn
father.
IKATLONG beses na iyon na tumutunog ang kaniyang cellular phone pero hindi siya tumitinag
upang sagutin iyon. She knew thru her peripheral vision that Jeda was intently looking at her and
damned the assistant for doing that. She couldn't control her emotions and she would never do
that anyway just for the sake of the eyes observing her.
Sa ikaapat na pagtunog ng gadget ay ipinasya na niyang sagutin iyon.
"Hello..."
"Is this your way of dealing with your clients?" baritonong boses ang bumungad sa kaniya.
"May kailangan ka?" wika naman niya sa pinakamalamig na tinig.
Napapikit siya upang kalmahin ang sarili. Hindi siya dapat makaramdam ng ganoon. Bakit tila
boses pa lamang ay natitibag na ang galit na inipon niya sa mahabang panahon?
"I've been waiting for your call since Sunday."
Katahimikan ang tugon niya sa sinabing iyon ni Radge. Ano ba ang isasagot niya rito? Na
hinihintay din naman niya ang tawag nito?
"Normally, wedding planners do ask important details like the reception, wedding motif,etcetera.
You haven't asked me anything, have you?"
Bahagya siyang natigilan sa sinabi ng lalaki. Mula kasi ng araw na nagpa-reserve ito sa Ladies
and Gents ay hindi na niya ito nagawang kontakin upang mag follow up. Gayunman ay kinuha
naman niya ang number nito na nasa calling card at saka isinave sa kaniyang mobile phone.
Nang magtanong si Jeda tungkol sa reservation ay inignora niya ito. She just doesn't like the idea of discussing things about him...and hearing his voice...or seeing him...or...does she?
"As far as I know, the couples normally inform the wedding planners about these important details
even without being asked. Would you mind telling them to me? Oh by the way, I can talk to the
bride. I have her number in my phone as well." She breathed hard to compose herself.
She heard him chuckled and it was painfully disgusting. Pinagtatawanan ba siya nito? Bigla ay
nag - init ang ulo niya at tila isang pamilyar na pangyayari na bahagi ng nakaraan ang sumalit sa
isipan niya.
"Everything is just a bet! Can't you see, Trixia? From being bad, he just turned to an angel? Hindi
ganyang Radge ang kilala ng buong eskuwelahan, Trixia. Kaya dapat ay hindi ka nagpapagamit
sa kaniya! Tatlong libong piso ang matatanggap ng lalaking iyan kung mapapasagot ka niya!"
TATLONG LIBONG PISO. Hanggang ngayon ay nagtutumining ang halagang iyon sa isip niya.
Ganoon lang ang presyong itinumbas ni Radge sa kaniya. Ganoon lang kaliit ang halaga ng pag
- ibig at buong tiwalang ipinagkaloob niya dito.
"I'd like to be the one to handle everything, Ms. Destreza. I'd like this to be a grand wedding to
surprise the bride. Can you do that for me?" bigla ay tila siya binuhusan ng malamig na tubig sa
narinig.
"I always do that to every client, Mr. De Vera. You don't need to always remind me." Pinigil niyang
mabasag ang kaniyang tinig pagkasabi niyon. Nagseselos ba siya? Ano naman kung ikakasal na
si Radge? Hindi ba at siya man ay ikakasal na rin kay Martin? She closed her eyes to discard all
the thoughts that were beginning to haunt her.
"What time can I visit you...your boutique, I mean?" pagkuwa'y tanong nito.
"Don't bother. I'll ask Jeda to visit your place instead." Tanggi niya. Hindi niya ibig ang ideyang
makasama ito kahit pa nga sabhining "purely business" paiyon.
"Why do I have this feeling that you are avoiding me, Trixia. Are you?" she knew he was teasing
and she hated him for doing that.
"It's never my habit to torture myself, Mr. De Vera. Gusto kong maging tapat sa damdamin ko...I
don't feel like talking to you. Hindi dahil sa kung ano pa man. I just feel like that and I hope you
understand."
"Are you trying to say you couldn't accommodate me?"
"Pretty obvious."
"Escapegoat huh?" bahaw ang tawa nito at tila nakikini - kinita na niya ang hitsura nitong nang -
uuyam.
"Isipin mo na ang kung ano mang gusto mong isipin. You better start looking for other wedding
planner because I'm now cancelling your reservation." Sabi niya bago tuluyang ibinaba ang
cellphone.
Muling tumunog ang gadget at nang makita niya ang pangalan ni Radge doon ay muli niya iyong
kinuha at saka iyon tuluyang pinatay.
Napaigtad siya nang ang telepono naman sa gawing kanan ang tumunog. Mabilis niyang itong
sinagot.
"Will you please stop bugging me!"
Nang sumagot ang nasa kabilang linya ay nagulat siya.
"Honey? Something wrong?" si Martin.
"Oh, I'm sorry, honey. Mayroon kasing prank caller kaya akala ko ay...never mind. Napatawag
ka?"
Maraming sinasabi si Martin pero wala doon ang kaniyang pansin. Ito na nga ba ang araw na
kinatatakutan niya. Nagsimula nang magulo ang buhay niya nang magsangang muli ang landas
nila ni Radge.
"KABILIN - BILINAN kong huwag mong papapasukin ang lalaking iyan 'diba!"
"Sorry, Ate. Basta na lamang pumasok ang pogi eh. Nagulat nga kami ni Jeda sa loob."
"Sabihin mong wala ako. Sabihin mo kahit ano, basta wala ako."
Naguguluhang ekspresyon ni Thea ang nakatunghay sa kaniya.
"Ate? Client siya 'diba? Bakit hindi natin puwedeng harapin?" maang na tanong nito.
"Basta sabihin mo kahit ano. 'Wag mong kalilimutang wala ako ha!" Ipinagtulakan pa niya ito
papalabas ng patahian. Ilang sandali na lang ay darating na si Martin at hindi maaaring magkita
ang dalawa.
HINDI niya maunawaan ang ikinikilos ni Trixia. Ganoon ba kalaki ang galit nito sa kaniya para
magawa nitong magtago? Can't she be civil at least? Ang sabi ng assistant nito ay wala ito pero
nasa labas naman ng boutique ang kotse nito. Tinatawagan naman niya ang babae pero hindi
nito iyon sinasagot. Isang kotseng puti ang pumarada sa likod ng kotse ni Trixia at nasagot niyon
ang tanong niya nang makitang bumababa si Martin mula roon.
"WHAT'S wrong with being with them? Tito Claudio phoned me and he's the one who suggested
this out of town trip." Napatingin siya sa kasintahan na sumesenyas pa habang nagsasalita.
Sinimulan nitong kainin ang baked mac na ginawa niya. Doon sila nagtuloy sa condo unit niya
matapos siya nitong sunduin sa Ladies and Gents.
"What has the old man got to do with this?" nagsisimula nang bumangon ang inis niya sa
tinutungo ng mga salita nito. Kani - kanina lang ay binanggit nito sa kaniya ang plano nitong mag
out of town. Natural ay natuwa siya dahil iyon ang unang pagkakataon na gagawin nila iyon pero
hindi niya inaasahang hanggang sa personal nilang lakad ay kasama pa rin si Ingrid.
"He told me to look for Ingrid."
Hindi niya napigilan ang mapasimangot sa sinabi nito pero siniguro niyang hindi nito nakikita iyon.
Mahirap nang pagsimulan pa iyon ng hindi nila pagkakasundo ng lalaki.
"Kung ako lang, marami akong trabaho at alam mong wala akong kahilig - hilig sa mga ganyan.
Isa pa, you very well know I adore that brat." dagdag nito.
Hindi sinasadyang napagmasdan niya ang nobyo. Bakit tila napakalayo na nito sa Martin na
sinagot niya?
Ang Martin na inibig niya ay napakasimpatiko ngunit masayahin. Iyon ang mga katangian nitong
bumihag sa kaniya pero tila napakalayo na nito sa dating Martin.
"I'm not questioning that. I know how you dearly love your cousin but..."
"Honey, please stop this petty argument okay? If you don't want to come, then be it. I'll tell
Ingrid..."
Inis na inis na siya at wala naman siyang magawa. Bakit ba siya nagkaroon ng nobyong may
kakambal na pinsan? Paano niyang matatakasan ang pamilya nito? Siguradong kung ito ang
makakatuluyan niya ay habampanahon niya ring makakasalamuha si Ingrid - maging ang
kakambal ng pangalan nitong walang iba kung hindi si Radge.
"Do I have a choice?" pagkuwa ay tanong niya. Isang kibit balikat ang tugon nito na ikinayamot
niya nang higit.
ANG INAASAHAN niyang solemn out of town trip ay hindi na magaganap. Katatawag lamang ni
Martin at ayon dito ay kasama nila hindi lamang si Radge at Ingrid kung hindi maging ang mag -
asawang Ricci at Bernard. Siyempre pa ay kasama rin ang kapatid ni Ricci na matalik ding
kaibigan ng magpinsan.
Bagot na bagot siya sa pag - iisip ng dahilan upang hindi makasama sa lakad na iyon. Ang
masaklap pa ay sa isang beach resort naisipang magpunta ng mga ito. Ngayon pa lang ay
dinarayo na siya ng mga alalahanin hinggil sa lakad na iyon. Hindi talaga siya mapakali sa isiping
hindi lang niya makikita kung hindi tatlong araw na makakasama ang lalaking lumikha ng
napakalaking pilat sa pagkatao niya.
Dahil kay Radge ay hindi na siya muling umibig pa. Kinalimutan niya ang sarili at sa halip ay
itinuon ang lahat ng kaniyang oras sa pag - aaral na nagbunga naman at ngayon ay nagbibigay
- daan upang magtamasa siya ng kaginhawahan sa buhay. Maging ang mga nakababatang
kapatid sa Hagonoy at mga magulang sa Leyte ay natutulungan niya. Dangan nga lamang at
hindi natuloy ang pangarap nila ng Ate Madel niya na magpatayo ng bahay sa Maynila dahil na
rin sa sariling kagustuhan ng ina.
"I took the initiative to followup the reservation I made last week." Nabigla siya sa pamilyar na
boses na iyon. Nang lingunin niya ang may-ari ng tinig ay hindi niya napigilan ang mapahanga.
Awtomatiko siyang napatayo.
Standing right in front of the door was dazzling Radge in pale yellow short sleeved shirt. Maong
jeans were fitted just right to his thighs and his tucked in shirt was giving him an impression of
arrogance and supremacy. He was very casual in his boyish attire but still, the dominance in his
eyes was undeniable. High bridged nose, jade eyes and beautifully molded mouth were
artistically designed in his face. So sexy...so manly...
She was aware of his existence but failed to take her eyes off him.
"Liked it?" napatda siya nang mamalayang nasa harap na pala niya ang minamasdan. Dala ng
pagkapahiya ay sinimangutan niya ito.
"I never knew you were this stubborn." she defensed out of shame.
He gazed at her. Bakit ba ganitong makatingin ang lalaking ito? Tila may magnetong nagmumula
sa mga mata nito patungo sa kaniya na hindi naman niya maiwasan.
"I am a good client, Trixia. Kung hindi lang dahil sa kasal na ito ay nunca kong gustuhing
magpakita pa sa'yo." Simula nito.

When Bad Boy met his matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon