NAGISING siyang masakit na masakit ang kaniyang ulo. Bigla siyang napabalikwas nang
mabungaran ang hindi pamilyar na silid na iyon. Anong oras na ba sila nakauwi? At paano siyang
nakarating sa kaniyang silid? Bigla ay nakaramdam siya ng pangamba. Ilang saglit na
pinakiramdaman niya ang sarili. May masakit ba sa kaniya?
“How do you feel?” muntik na siyang mapasigaw sa labis na gulat dahil sa tinig na narinig.
Napalingon siya at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita si Radge na lumabas buhat sa
shower room. Water was flowing down his body and the sight was screaming masculinity!
“A-ano ang ginagawa mo rito? Nasaan si Martin?” gilalas na tanong niya.
“Don’t panic. I won’t eat you.” Tugon nito na unti – unting nag – aalis ng nakataping tuwalya.
“Oh no, don’t!” sabay takip niya ng mukha. “Ano ba?! Ang bastos mo!” tili niya. Tila dagang nag –
uunahan sa kaba ang kaniyang dibdib na hindi niya mawari.
“Look who’s talking!” wika nito na ngingiti – ngiti. Dahil sa sinabi nito ay dagli siyang napadilat at
napatingin sa sarili. She was shocked when she found herself unclothed. Smooth but thin bed
sheet was the only thing covering her waist down. She immediately checked herself and was
relieved when she saw her pajama bottom is on. But just the same…she shouted and pulled the
sheet to cover her top.
“Ano ka ba? Don’t make any noise!” madaling tinawid ni Radge ang pagitan nila at itinakip ang
isang kamay sa kaniyang bibig.
“Bakit wala akong damit? Nasaan ang…”
“You were too drunk last night and I didn’t have any choice but to change your
clothes…”nagmamadaling wika ng lalaki.
Ang mukha nito ay isang dangkal lamang ang layo mula sa kaniya.She smelled the teasing male
scent and it was torture.
“…change my clothes? Nasaan ang damit na sinasabi mo?” pagkuwa’y tanong niya.
Isang napakapilyong ngiti ang nanulas sa mga labi ni Radge.
“Errr…I tried my best…but I failed…You were too sexy to ignore, baby. I couldn’t resist your
charm.” Nakangising wika nito na ikinapula ng mga pisngi niya. Saglit niyang natitigan ang
matikas na katawan nito. Muscles were developed in proper places, not any single sign of
unnecessary fat. Inilayo niya ang tingin bago tuluyang humantong sa bahaging iyon ng binata na
tanging manipis na tuwalya lamang ang tumatapi.
“Can you please explain all these things, Mr. De Vera? Naguguluhan na ako.” Bahagya niyang
nahawakan ang ulo nang bahagya itong kumirot sanhi ng labis na pagkalito.
“Oh, come on. Mr. De Vera now after what happened last night?” he teased.
Domoble ang sakit ng ulo niya nang maisip ang tinutukoy nito. Hindi ba at panaginip iyon?
Nanlumo siya sa matinding kahihiyan. Unti – unti ay nagbalik sa isip niya ang ilang malalabong
eksena na akala niya ay sa panaginip lamang naganap.
“Wala ang magpinsan. Kagabi ay may natanggap na tawag si Ingrid kay Tito Claudio na
kailangan nitong umuwi dahil sa kung anumang dahilan na tila napakaimportante…” Nakita niya
ang bahagyang galit na nagdaan sa mga mata nito. “…masyado nga yatang importante para
iwan ka ni Martin nang nag – iisa.” dugtong nito. Napatanga siya. Iniwan siya ni Martin kay
Radge?
“Tinangka ni Martin na ihatid ka dito kagabi pero mahigpit ang pagtanggi mo kaya naman
napilitan siyang ipagbilin ka na lang sa akin.”
“Anong oras sila…babalik?” tanong niya matapos ang ilang sandaling pag – iisip. Hindi niya
mapaniwaalang iiwan lang siya ng basta – basta ni Martin doon. Bakit ba kapag si Don Claudio
na ang tumawag ay hindi ito makatanggi? Ito rin ang nagbigay ng ideya sa nobyo na isama ang
anak sa lakad nilang iyon.
“Katatawag lang ni Martin bago ka magising at sinabing ngayong hapon daw sila babalik dito.”
“Ang mga kasama natin? Nasaan sila?” Alam kaya ng mga ito na nasa iisang silid sila ngayon ng
kasintahan ni Ingrid?
“Bago ka pa ihatid ni Martin sa mesa ay wala na sila doon. But I’m sure they knew you’re safe
with me.” Tudyo nito at hindi niya naiwasan ang mapairap.
“Yeah, right.”
Kumilos si Radge upang ayusin ang sarili. Napatanga siya nang malaglag sa sahig ang tuwalya
na nakabalabal dito at huli na upang iiwas pa niya ang tingin. Nakita na niya ang bagay na hindi
niya dapat makita…at pakiramdam niya ay hihimatayin siya sa labis na kaba. Ipinikit niya ang
mga mata kasabay ng marahas na pagsinghap.
“Open your eyes.” Narinig niyang sabi nito.
Sunud – sunod na iling ang ginawa niya.
“Buksan na kasi.” tudyo nito.
“Radge, ano ba?! Itago mo nga ‘yan!” sigaw niya.
“Tingnan mo muna.” Naririnig niya ang pigil na pagtawa nito at dumadagdag lang iyon sa
excitement na nadarama niya.
“Hindi puwede!”
“Puwede!”
“Hindi nga!”
“Puwedeng – puwede!”
Napadilat siya sa labis na inis subalit ganoon ding kabilis na napapikit nang muling makita ang
hubad na katawan ng pilyong lalaki. There are things in this world that would really never change.
And Radge was counted.
“All girls are allowed to stare, babe…but only you have the right to touch it.” Sinundan nito ng
halakhak ang sinabi.
“Bastos!” at hindi na niya napigilan ang kiligin at matawa sabay hagis dito ng unan na naabot
niya.
KASALUKUYAN silang nakaikot sa munting apoy na nagagatungan ng kahoy. Papalubog na ang
araw nang dumating si Martin at Ingrid at matapos ang hapunan ay agad silang nagsetup ng
bonfire.
Magkakatabi ang bawat pares na nakaupong pabilog. Putol na puno ng kahoy ang nagsilbing
upuan nila. Sa tapat nila ni Martin ay si Radge at Ingrid. Sa kanilang kanan naman si Donnabelle
at Armand at sa kaliwa ay ang mag – asawang Ricci. Sa tabi naman ng mga ito nakapuwesto si
Vanessa at Lemuel.
Gamit ang gitara ay masiglang tumitipa ng kahit anong awitin na maisipan si Lemuel at
sumasabay naman sa pag – awit ang buong grupo. Maging siya ay nadadala sa atmosperang
hatid ng paligid at si Radge ay kapuna – puna ring napapadalas na rin ang pagtawa.
“Hey, hey, hey! Why don’t we play truth or dare?” napatingin ang lahat kay Vanessa at sabay –
sabay na sumang – ayon. Bigla ay nagkatinginan sila ni Radge.
Nang ilahad ni Vanessa ang mechanics ng laro ay tuwang – tuwa ang grupo. May hawak itong
munting kahoy at sa saliw ng Bahay Kubo na sinasabayan ng tugtog ni Lemuel ay iikot iyon sa
mga kamay nila. Ang huling may hawak ng putol na kahoy ang siyang taya sa laro.
Sinimulan na nila ang Truth or Dare at unang tinapatan niyon ay si Ricci. Dare ang pinili nito at
laking tuwa ng grupo ng iutos ni Martin na sumayaw ito sa tabi ng bonfire na walang pag –
aalinlangang ginawa naman nito.
Sumunod naman ay si Armand na inutusan naman ni Donabelle na kumuha ng pagkain. Muling
umawit ang grupo at umikot ang putol na kahoy. Pigil ang kaniyang hininga nang huminto iyon sa
kamay ni Radge.
“Ako ang magtatanong…truth or dare, pogi?” wika ni Vanessa. Nagtawanan ang buong grupo sa
sinabi nito.
“Truth.” Sagot ni Radge na umani ng malakas na sigaw sa mga babae.
“Okay, game. Who was your first love?”
Saglit na katahimikan ang namayani at nabitin ang paghinga niya sa ere. May ilang sandali ang
lumipas bago sinagot ni Radge ang tanong.
“I met a girl when I was in Fourth Year High and…I loved her though she didn’t believe me…”
bahagya itong huminto at ang mga mata ay itinutok sa kaniya. Nagbaba siya ng tingin sa takot na
mahalata ng grupo ang kaniyang nadarama.
“Stop it honey, nagseselos na ‘ko.” wika ni Ingrid. Kantiyaw ang inabot nito kay Donna at
Vanessa.
Muling umikot ang kahoy at sa pagkakataong iyon ay tumapat naman iyon kay Ingrid. Dare ang
pinili nito.
“Go girl, give your boyfriend a French kiss!” sigaw ni Donna.
Walang pag – aatubiling hinawakan ni Ingrid ang mukha ni Radge at hinagkan ito ng matagal.
Tila iyon na ang pinakamatagal na sandali sa buhay ni Trixia. Sa pagkakataong iyon ay
naunawaan niyang mahirap pala ang maghintay. Sa isip ay binilangan niya ang nagagaganap na
eksena at sumasakit man ang dibdib ay nagawa niyang marating ang bilang na 20!
Dalawampung segundo ang itinagal ng French kiss na iyon!
Nagkagulo sa kantiyawan ang grupo nang matapos ang makapigil – hiningang eksena. Nang
tumingin si Radge sa kaniya ay tila ba humihingi ito ng pang – unawa…o nasa isip lang ba niya
iyon?
Muli ay umikot ang kahoy hanggang sa maikutan silang isa – isa. Nang matapat kay Martin ang
kahoy ay Truth ang pinili nito. Si Ingrid ang nagprisintang magbigay ng tanong.
“Martin, who is the most important person to you now? Be honest.” Humahagikgik na tanong nito.
Sumama ang timpla ni Martin sa tanong na iyon. Ilang sandali ang lumipas bago ito sumagot.
“My father.” wika nito nang nakangisi.
Hinagisan ito ni Donabelle ng barbecue stick sa paa.
“Father ka diyan! No stir!”
Tumawa naman ito na nakatingin kay Ingrid.
“Siyempre naman, ang honey ko lang. Who else?” muling sagot nito. Nakatingin ito sa kaniya at
dinampian pa nito ng halik ang kaniyang kaliwang pisngi. Muli ay ang sigawan ng grupo.
Siya na lang ang hindi natatapatan kaya nang magsimulang umawit ang lahat ay inantala ng mga
babae ang paghawak sa kahoy. Sinadya ang istratehiya upang matiyak na sa kaniya iyon hihinto.
“I’ll be the one to ask Trix.” si Ricci ang nagprisintang magtanong rito.
“First of all, I’d like to say thank you for making my wedding so, so memorable, sis.” Simula nito at
pagkuwa ay ngumiti sa kaniya. Inabot pa nito ang kaniyang kamay tanda ng taos na
pasasalamat.
“Oo nga. Ang ganda ng kasal at hindi halatang hindi dumating sa oras ang best man.” Kantiyaw
naman ni Vanessa.
Tumawa lang si Martin at hindi nagkomento sa birong iyon.
“Yeah. Kaya hindi rin ako sisipot sa wedding niyan.” Tugon naman ni Ricci nang nakatawa.
“Trix, you very well know that Martin has been our friend since time immemorial,” nagbigay ito ng
daan sa kantiyawan bago ito nagpatuloy. “We just wanna know…how much do you love our
friend, Martin?” dugtong nito nang nakangiti.
There. Ano ba ang isasagot niya?
“I was about to say Dare, Ricci.” tugon niya. Bakit hindi siya nabigyan ng option?
“Just answer it, Trix. Play the game!” singit naman ni Ingrid. “Or…hindi mo ba kayang sagutin ang
tanong?” makahulugang tanong nito.
Napaligon siya sa kinauupuan ni Martin at tila ibig magpasaklolo rito pero maging ito man ay tila
naghihintay ng isasagot niya. Si Radge ay titig na titig sa kaniya at halos ay hindi niya
masalubong ang titig na iyon. Pinakiramdaman niya ang sarili habang ang mata ay nakatutok kay
Radge.
“I love him. I loved him since the day I met him…and still loving him now despite everything.” She
spoke as if talking to herself.
Nagkaingay ang grupo saka siya tila nagising mula sa pangangarap. Nang umangat ang tingin
niya kay Radge ay may nakarehistrong hinanakit sa mga mata nito. Naramdaman niya ang
kamay ni Martin na humawak sa kaniya.
“That’s so sweet of you, honey. I love you too.” and kissed her.
TILA NAPAKAHABA ng gabi para sa kaniya. Naging palaisipan sa kaniya ang mga nangyari
mula nang umagang nagisnan na kasama sa iisang silid si Radge hanggang sa huling pagtitipon
ng grupo.
Nang umagang iyon ay inalok siya ni Radge na mag-almusal sa labas ng beach house pero
nagpakatanggi – tanggi siya. Hindi niya ibig magkaroon ng hindi magandang impresyon sa kanila
ang mga kaibigan ng magpinsan kung sakaling makita sila ng mga ito.
Napapayag niya si Radge na iwan na siya nito sa kondisyong lalabas siya ng gabing iyon upang makipag – usap dito. Natatakot kasi siyang maabutan sila ni Martin na magkasama sa iisang
silid. At hindi niya alam ang kaya nitong gawin.
Nang dumating si Martin ay kinausap niya ito subalit tumanggi itong sagutin ang lahat ng tanong
niya. May kinalaman diumano sa negosyo ang pagpapatawag ng ama ni Ingrid kaya kinailangang
bumalik ng mga ito sa Maynila. Hindi na niya isinatinig pa ang maraming katanungan hanggang
sa mag – aya na nga itong lumabas upang muli ay sumama sa barkada at maghapunan.
Sa buong maghapong iyon ay nagkulong lang siya sa silid at laking pasasalamat na hindi na siya
muling ginambala pa ni Radge. Pero ngayon nga ay nagpaparamdam na ito. Halinhinang text at
tawag ang ginagawa nito na isa man ay wala siyang sinagot. Paano kung hindi totoong pagod sa
biyahe si Martin at maisipan nitong puntahan siya sa silid?
Pumikit siya at pilit na iwinaksi ang mga alalahanin sa isipan. Ibig niyang agad ay makatulog
upang hindi na niya mapansin ang bawat sandaling lumilipas. Unti – unti na siyang nakakatulog
nang marinig ang mahinang katok sa pintuan. Kinabahan siyang napabalikwas ng upo.
Alas onse y kwarenta ang ibinabadya ng orasan na nakasabit sa dingding. Gabing – gabi na at
kinakabahan siya sa sinumang taong kumakatok sa kaniyang pinto. Tumayo siya at dahan –
dahang lumapit roon.
Nabigla siya nang salubungin ng yakap at halik ng kaniyang panauhin…
Sinikap niyang ilayo ang sarili sa binata at pabulong ngunit mariing nagsalita.
“Ano ang ginagawa mo rito?!” paninita niya.
“Bakit hindi ka bumababa? Kanina pa ako nilalamok sa labas ah.” Nakapaloob ang mukha niya
sa mga palad ni Radge at napahawak siya sa mga bisig nito.
“Hindi ito tama. Hindi tama ang ginagawa mo. May sari – sarili na tayong mundo. I have Martin
and you have Ingrid…that alone is a reason to move on…” pinipilit niyang alisin ang mga kamay
nito pero tila lalong humihigpit iyon subalit kakatwang hindi naman siya nasasaktan; bagkus ay
tila hindi naman niya talaga ibig na bitawan siya ng lalaki.
“I have never moved on, babe and will never move on. Nasasaktan ako isipin pa lang na hindi ka
na sa akin. Sa tuwing nakikita kong kasama mo si Martin, ibig kong magwala…I was so stupid for
letting you go!”
Nang magsimulang manubig ang mga mata ni Radge ay napasigok na rin siya. Bigla ay nanakit
ang kaniyang mga mata at ang pagbalong ng mga luha ay tila naging simbilis ng pagpintig ng
puso niya at hindi na niya nagawang pigilan pa.
“I love you, Trix. If moving on means forgetting everything about you, I’d rather not breathe.”
Lumuhod ito sa harap niya saka yumakap sa kaniyang baywang.
“Mahal mo pa rin rin ako, ‘diba? Ako ang tinutukoy mo kanina hindi ba?”
Ang lahat ng pagtitimpi niya ay lumipad na sa hangin. Sa halip na sagutin ang tanong ay lumuhod
din siya sa harap ni Radge saka ito hinagkan. Tila pansumandaling tumigil ang pag – inog ng
daigdig para sa kaniya. Si Radge lang ang tanging nakikita niya at wala ng iba…ang lalaking
tanging inikutan ng buong buhay niya…Wala ng iba pang mahalaga sa mga sandaling iyon kundi
si Radge…
Nang matapos ang halik na iyon ay mahigpit siyang ikinulong ni Radge sa mga bisig nito.
“That is more than enough, baby. I couldn’t ask for more. I love you so much.” She closed her
eyes and felt his presence. She just wished that their love is going to be real this time around…
BINABASA MO ANG
When Bad Boy met his match
RomanceThe story is came from the writer named Yesha. I just want to share it with you on how I appreciated her story and love the flow. And I hope you like it too.