If Love is Real, it will Happen... (Uncut Version part II)

37 1 0
                                    

“Kung mahal mo ako ay magtitiwala ka…maniniwala ka…”
“Tama na! Ayoko nang marinig ang mga kasinungalingan mo!”
“Mahal kita! Maniwala ka dahil ‘yan ang totoo!”
“Sinungaling!”
“Trix, mahal kita! Will you please try to listen!”
“Shut up!” Nabigla siya nang walang anu – ano’y sakupin ni Radge ang kaniyang mga labi. Pinilit
niyang kumawala subalit tila wala siyang lakas upang gawin iyon. Maging ang sarili ay
ipinagkanulo na siya sa pananabik na nadarama sa lalaking kaharap.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay namalayan niyang nakakulong ang kaniyang mukha
sa mga palad ni Radge.
“Open your heart and try to listen, baby…mahal kita! Walang oras o kahit minutong hindi kita
inisip! Mahal kita kaya mas pinili kong magalit ka kaysa tuluyan kang mawala sa akin!
Naiintindihan mo ba? Ang mga rosas…ang mga taong naririto…ang lahat ng mga ito’y para sa’yo
dahil mahal kita!” malakas ang tinig na sabi nito. Kung titingin lamang sila sa paligid ay makikita
nila ang pagluha ng mga taong naroon.
Nang lumuhod si Radge at yumakap sa kaniya ay nabuwag ang pundasyon ng galit niya sa
dibdib. Sa halip na sumagot ay iyak ang naging tugon niya. Ano pa bang patunay ang kailangan
niya? Heto at nakaluhod sa kaniyang harapan ang lalaking akala niya’y sa panaginip na lamang
niya mamahalin.
Hindi na niya kailangan ang magtanong. Sapat na si Radge. Sapat nang narito ang lalaking
kaniyang minamahal at magiting na nag – aalay ng pag – ibig sa harap ng lahat ng taong
naroroon.
“ Ilang beses mo na ‘kong sinaktan pero paulit – ulit kitang minamahal…Oh Radge, I so hate you!
At kahit gaano kasakit ang magmahal sa isang tulad mo, paulit – ulit yata akong susugal…”
Nang muling angkinin ni Radge ang kaniyang mga labi ay napayakap na rin siya dito. Tila ba sa
simpleng halik na iyon ay lumipad ang mga agam – agam niya. Ang lahat ng tanong ay napawi
na sa kaniyang isipan. Wala ng ibang mahalaga kundi ang makasama nang tuluyan ang binatang
minamahal.
“Only God knows how much I wanted to kiss you like this…crush you in my arms and never let
you go…but baby…we need to get married before the sun sets.” Bulong nito na nagpangiti sa
kaniya. Lumapit si Jeda at iniabot kay Radge ang Haku lei na puno ng mga puting orkidyas at
tuluyan na siyang napaiyak nang isuot nito iyon sa kaniyang ulo.
Mahal niya si Radge at handa siyang muli ay magtiwala rito. Panghahawakan niya ang pag – ibig
na iniluluhog nito dahil sa pagkakataong iyon, saksi na ang Diyos at ang mga taong mahal niya
sa pag – ibig na iniaalay ng binata. Wala na siyang mahihiling pa.
Nang sa wakas ay ibigay ng pari ang basbas ng pag – iisang dibdib nila ni Radge ay
nagpalakpakan ang lahat ng naroon. Wala namang kapantay ang ligayang nadarama niya.

EPILOGUE – TRUE LOVE HAPPENS…
It was their very first night to sleep together as married couples. At ang kaba ay hindi maalis – alis
sa kaniyang dibdib. Tapos na ang kasal at ang mga bisita ay nasa kani – kaniya na ring kubong sadyang nakalaan para sa mga ito.
Nang ilahad ni Radge ang bawat pangyayari ay hindi niya maiwasan ang mamangha, magalit at
mahabag sa asawa.
Nang araw na naaksidente si Radge ay pinuntahan ito ni Ingrid. Doon ay ipinagtapat ni Radge
dito ang lahat – lahat mula sa simula kung paano sila nagkakilala hanggang magkahiwalay ang
kanilang mga landas. Subalit hindi ito basta pumayag na ganoon lang kadaling matatapos ang
lahat sa kanila ni Radge kaya naman nang umalisang binata sakay ng kotse ay sumunod pa rin
ito.
Tumawag ito kay Radge habang kapwa sila nagmamaneho patungo sa lugar kung saan naroon
si Trixia. Sinubukan ni Ingrid na sabihin kay Radge na walang preno ang sasakyang dala nito sa
kagagawan na rin ni Martin subalit huli na ang lahat at naganap na ang aksidente.
“Nang magkamalay ka? Hindi mo ako nakilala ‘diba? Paanong…” tanong niya habang nangingilid
pa rin ang luha dala ng masakit na alaala.
“Heavens! Pwede bang hindi kita makilala? Kung sakali mang mabura ang alaala ko, makikilala
ka pa rin nito…” nang itapat ni Radge ang nakaikom na palad sa dibdib ay napangiti siya.
“…nang magkamalay ako ay si papa ang una kong nabungaran. And right there and then, he told
me what’s going on…Ang hayup na Claudio ay matagal na palang nagbabanta kay
papa.Nabuhay si papa sa takot na kamkamin ng ama ni Ingrid ang mga negosyong pinaghirapan
nila ni Tito David – ang ama ni Martin.…”
“Pero bakit? Bakit gagawin ng papa ni Ingrid iyon?”
“May isang lihim silang magkakaibigan na dinala ni Tito David hanggang sa hukay. Ang lihim na
iyon ay ang pagkatao ni Martin. Nang naging ganid si Tito Claudio at ninais nitong kamkamin ang
hacienda na pinaghirapan nilang tatlo, doon nagsimula ang mga problema. Bagaman kaisa siya
sa pagpapaunlad nito ay kabi – kabila ang iniwan niyang utang ng hacienda kaya naman ng
magsagawa sila ng financial report ng lahat ng assets ay lumitaw na wala nang karapatan ang
papa ni Ingrid sa negosyo. Nagalit si Tito Claudio at pinagbintangan ng kung anu – ano ang
papa. Nang kausapin siya ng papa ay puro panunumbat ang sinabi nito. At diumano ay
manunumbalik lang ang pagkakaibigan nila kung… ”
“kung…?”
“…kung pakakasalan ko si Ingrid.”
“Pero bakit? Ano ang kinalaman noon?”
“Ang sabi ng tusong si Claudio ay upang manatili lamang ang pagkakaibigan hanggang sa mga
susunod pang salinlahi but the man was a devil! He knew eversince that the property was already
transferred to my name. I even bought the rights of Tito David from Tita Magda. But using his
very own daughter, Lacerna planned everything for his own good. Inamin ng isang tauhan ni
Lacerna kay Mundo na kung makasal kami ni Ingrid ay ako naman ang isusunod niyang
ipapapatay upang sa gayon ay walang kahirap – hirap niyang makuha ang hacienda. Very clever,
isn’t it?”
Napailing siya nang marinig ang paglalahad ng asawa.
“Kaya nang malaman nilang may namamagitan sa atin ay agad silang kumilos. Nang magbalik
ang malay ko ay naroon si papa at ang gahamang Lacerna ay agad na isinakatuparan ang
maitim na balak nito! Hindi ka ba nagtaka na hindi ka pinapasok ng mga doktor nang magkamalay ako? Ang lahat ng tauhan sa ospital ay binayaran ni Lacerna at noon din ay
inutusan nila akong itatwa ka. Noon una ay hindi ako sumang – ayon sa ibig nila pero nang
malaman kong ang aking silid maging ang boutique mo at bahay ko ay may mga camera bugs,
wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod…They threatened to kill you if I won’t marry
Ingrid and you just can’t imagine how I was torn into pieces thinking that they might hurt you…”
“Pero…bakit si Martin? Bakit pati siya ay nakasali sa sigalot na ito?”
“Dahil hindi lang niya basta pinsan si Ingrid! Si Martin ang bunga ng panghahalay ni Lacerna kay
Tita Magda! At gagawin ni Martin ang lahat kilalanin lang siya ng tunay niyang ama! At bahagi
niyon ay ang masamang balak nila laban sa’yo at kay papa…”
“Oh my God…” nanlumo siya sa narinig.
“Nagsimulang manganib ang buhay mo nang malaman ng magkapatid ang tungkol sa’tin kaya
mas pinili kong talikuran ka…masyado silang ganid sa kapangyarihan at pera…at ang ibig nila ay
taglayin ni Ingrid nang tuluyan ang pangalan ko.”
Huminga ito ng malalim bago nagpatuloy.
“Isa pa ay wala akong magawa. Nawalan ng pandama ang ibabang bahagi ng aking katawan.
Naging imbalido ako noon kaya labag man sa aking kalooban ay napilitan akong sumunod sa
gusto nila. I agreed to marry her but in one condition…kailangang maibalik ko muna ang sarili ko
sa normal bago ‘yon kaya lumipad kami patungong Australia para sa mga operasyon…bagay na
pabor sa akin at bahagi ng aking mga plano…
Nahahabag na napatingin siya sa maamong mukha ni Radge. Hindi niya lubos na maisip na
nangyari ang lahat ng iyon.
“Doon ay nakakulong ako. Walang telepono. Walang kahit ano. Lahat ay nakadepende kay Ingrid
and it was like hell. Ang isiping narito ka at nanganganib ay bagay na hindi magpatulog sa
akin…”
Hinagkan niya ito sa labi bago muling tinunghayan ang mukha nito.
“Narinig ko si Martin. May kausap siya sa telepono ng araw na dapat ay magkikita kami. May
pinapapatay siya at binanggit niya ang pangalan ko…I was so scared…”
“Same day when I called you. Nasa ospital ako noon at nang marinig ko ang pangalan mo
habang kausap ni Ingrid si Martin sa telepono ay gumawa ako ng paraan upang makapagkubli
kay Ingrid at matawagan ka. Salamat sa physical therapist na siyang kinasabwat ko upang lihim
akong ibili ng cellphone na nakatulong ng malaki upang maisakatuparan ang aking mga plano.
“Ang taong tumulong sa akin ng gabing iyon…bahagi rin ba siya ng plano?” aniya.
“It was Mundo, a friend of mine who used to be a detective agent. I was able to call him before I
talk to you. Alam ko kung nasaan kayo dahil sa narinig kong usapan ng magkapatid. Pero
pinakiusapan ko siyang huwag magsasabi ng kahit ano para na rin sa kaligtasan mo.”
“Kaya pala…he was really weird that time…”
“He really is…But I owe everything to that brute. He was the one who handled everything here.
Siya ang kumilos upang malaman kung saan naroon si papa at ligtas nila itong nabawi mula sa
mga kamay ng mag – ama. Ngayon ay pagdurusahan nilang mag – ama ang mga nagawa nila.
Si Ingrid naman na naiwan sa Australia ay nangakong hindi na uuwi pa ng bansa kapalit ng
kaniyang kalayaan. ”
“I am just glad everything is over. Your mom was right. May awa ang Diyos. At kung totoo ang
pag – ibig natin sa isa’t – isa, magtatagpo tayong muli upang ipagpatuloy iyon…”
“And we truly found each other despite everything, baby.”
“How about the wedding? How did it happen?” bigla ay naitanong niya.
“Dalawang beses kong tinawagan si Jeda noon upang iayos ang kasal. What were you thinking
huh? It was for Ingrid? No way. The moment I saw you, alam ko sa sarili kong hindi ko na
hahayaang magkalayo pa tayo.”
“Para sa akin ang kasal na tinutukoy mo noon?”
“Yes, my beloved. Gusto ko sana ay ikaw mismo ang mag – ayos para personal mong
maisagawa ang lahat ng gusto mo pero dahil sa mga nangyari ay naiba ang mga plano. Thanks
to Jeda for doing the favor. I used to call her twice a week to check on you and of course to make
sure everything for the wedding is set.” nakangiti ang mga mata ni Radge at nangungusap
habang sinasabi iyon.”
“Paano mo naman nasigurong magpapakasal ako sa’yo? Maayos ang pagsasama namin ni
Martin until you came.” wika niya.
“I never thought for a second that you will refuse me, baby. Alam kong pakakasalan mo ako
anuman ang mangyari.”
“Aren’t we being conceited here?” nangingiting wika niya.
“Stating facts is not a conceit.” kinabig siya ni Radge and planted kiss on her neck.
“Totoo na ba ang lahat ng ‘yan?”
“Maniwala ka dahil ang lahat ng ito ay totoo. Walong taon kong pinarusahan ang sarili ko sa
nagawa kong pananakit sa’yo. Wala akong ginawa kung hindi ang mag – aral nang mag – aral at
nang makatapos naman ay walang humpay na trabaho. Sa isip ko ay muli tayong magkikita sa
tamang panahon. Hahanapin kita at maipagmamalaki ko nang inayos ko na ang buhay ko…hindi
na ako ang bad boy na kilala mo…ang lahat ay binago ko para sa’yo… Kung hindi pag – ibig ang
tawag roon, sabihin mo sa’kin kung ano…”
Sa halip na sumagot ay inilapit niya ang mukha sa asawa. She kissed him all around his face.
“I love you so much, Radge…”
“At mahal na mahal din kita. Ikaw ang buhay ko, Trixia.”
Nang maramdaman ang paglilikot ng kamay ni Radge sa kaniyang basal na katawan ay masuyo
niyang tiningnan ang asawa. Ang kapanatagan ay nasa mga mata nito at alam niyang hindi siya
nagkamali sa ginawang desisyon.
“Honey, we have a lifetime to do it…” aniyang kunwari ay inaantok na.
“Yes, I know…but I want to do it though…now…” tugon nito na hindi mapigil sa ginagawa.
“Can’t we sleep?” kunwa ay pagod na tanong niya.
“Sure…I’ll let you sleep after this…”
Napatili siya sa sumunod na ginawa ni Radge. At sigurado siyang hindi na siya makakatulog pa.
Anong damdamin pa ba ang hihigit sa pag – ibig? Wala na marahil. Ang pag – ibig ang ugat ng
lahat. Ang dahilan ng lahat. Kaya nitong magbata ng anumang pasakit at hilahil kung ito’y
sadyang totoo. Walang balakid na hindi malalampasan ng wagas na pag – ibig at mapalad ang
sinumang nakasusumpong nito.
W A K A S

When Bad Boy met his matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon