Naisip niya, hanggang ngayon ay wala pa rin palang
pagbabago si Radge. Magiliw at malambing ito sa taong minamahal nito samantalang wala
naman itong patawad sa mga taong hindi nito gusto. Malas lamang niya dahil ngayon ay sa huli
na siya nakabilang.
"I'm sure. Pero puno na ang booking namin 'til the last month of the year, so sorry to disappoint
you."
Nagulat siya nang bigla nitong haklitin ang braso niya. He lowered his face to her and almost
tugging her arms, he spoke with annoyance and superiority.
"Hindi mo maaaring tanggihan ang kasal na ito, Trixia! Kung ano man ang galit mo sa akin ay
isantabi mo muna. I badly need your help and I'll do everything just to make you accept it."
"At paano kung hindi ko tanggapin? Masyadong malaki ang atraso mo sa'kin para gawan kita ng
pabor, may I remind you of that." Ganti niyang sabi rito. Nanghihina man ang tuhod ay pinilit
niyang hindi maging mabuway ang kaniyang pagkakatayo.
"I am warning you, Trixia. Don't try me." Muling babala nito na tinumbasan niya ng mapang -
uyam at mapanuring titig. May kung ilang sandaling nagsukatan sila ng tingin ng lalaki at nang sa
pakiwari niya ay hindi na niya kaya, saka niya namalayang mabilis nitong inangkin ang mga labi
niya.
May kung ilang sandaling huminto ang paligid para kay Trixia. Wala siyang ibang nararamdaman
sa mga oras na iyon kung hindi ang halik ni Radge. He was almost crushing her mouth with
extreme hunger and anticipation but she was not holding back - instead, she was passionately
accepting his kisses and even returning it with equal intensity.
She felt his kisses deepened and when his hands reached her lower back, she instinctively
arched her body closer to Radge which made him kissed her with more warmth.
And just when she thought the kisses were eternal, he released her. Both hands were cupping
her face as if she would disappear any moment and the gesture only made her heart ached.
Throbbing lips and pierced spirit were both consuming her. Was it life that is unfair or Radge,
himself? She felt like crying but her tear ducts seemed not functioning at the moment. Radge
kissed the bridge of her nose and she closed her eyes. Another kiss to both of her cheeks and
she almost sob. One more kiss to her forehead and then, she cried. She still loves him. That, she
admitted now. No other man but Radge.
TRIXIA was beautiful. Indeed beautiful...and tempting...
So many years have passed and she was still the same stunning Trixia that he knew. He stared
at her as if she was the only living specie on earth. Her lips were wet and a bit swollen from his
kisses. Why does it feel right to touch her like this? And just by kissing her made his heart beat
and his knees melt like that of a heated ice berg.
The reality struck as soon as she laid her very eyes on him. He gathered all his strengths and
released her. But it was never easy. Resisting her charm was like forgetting how to breathe...how
to rise...and live...He found his hands caressing her face...and kissing her again and again as he
could. But the magic spell flew as soon as they heard that particular sound of an engine. She
immediately composed herself and saw Radge doing the same thing.
"Hello guys! So I was right to think that you are here, honey!" Ingrid showed up and kissed Radge
on his cheek.
"How did you know?" she heard him whispered against Ingrid's ears. Yeah right, he was trying to
surprise Ingrid and she shouldn't have known he was there.
Napahinga siya nang malalim. Oo nga pala at ito ang kasintahan ni Radge. Bakit ba niya nalimutan iyon? Pakiramdam niya ay tila nasa entablado silang tatlo at ngayon ay dumating na
ang bida upang bawiin ang pag - aari nito mula sa kontrabidang gaya niya.
"Hello, Trix. How are yah?" she greeted her as her arm enveloped her king's waist. It was a clear
manifestation that Radge was hers...and she got the signals.
"I'm good. Where's Martin?" basta na lamang lumabas iyon sa bibig niya.
Nakaramdam niya ng pagkapahiya nang nagkibit - balikat si Ingrid. Bakit nga ba dito niya
hahanapin ang kasintahan?
"I mean, he phoned and told me he's going out with you...and with Mrs. Montes, right?"
"Yup and he went back to his office after having lunch with us. By the way, drop the formality,
Trix. Why don't you start calling him mommy? You and Martin are getting married in less than a
year's time, right?" nakangiting wika nito na halata ang diin sa huling sinabi.
She looked at Radge and their eyes met.
"Am I right for suggesting that, baby?"
Radge cleared his throat and she saw his jaw muscles tightened. Baby?! She heard him said 'uh
- uh' before turning back at her.
"By the way, Ms. Destreza, everything is now set, okay. I'll just call you for details and please...do
charge your cellphone bat next time." Makahulugan itong ngumiti sa kaniya.
"What details? Can I..."
"No - no, stop prying, honey. You're so nosy. This is something out of your business." Bahagya
siyang nagtaka nang makita ang kaseryosohan sa mga mata ni Radge. Bakit ganoon ang sinabi
nito kay Ingrid? Kung gusto talaga nitong sorpresahin ang dalaga, maaari naman itong gumawa
ng alibi sa kasintahan at hindi sa ganoong paraan nito iyon sasawayin. Bahagya siyang
nakaramdam ng inis sa binata. Hanggang ngayon ba ay ganito pa rin ito kung umasta sa mga
kabaro niya?
Nakita niya ang bahagyang pag - irap ni Ingrid kay Radge pero matapos iyon ay lalo itong
nagsiksik sa katawan ng kasintahan. She felt a sudden ache while watching them...but at the
same time felt the urge to tell Ingrid what happened just before she arrived. Ano kaya ang
gagawin nito kung malalaman nito ang namagitang romantikong eksena sa pagitan nila ni
Radge? All the more, what would she do if she would learn that she was part of Radge's life back
then in their Senior years? Or come to think of it... had she ever really been a part of his life?
Nang magpaalam ang magkasintahan ay tila siya nauupos na kandila na napaupong muli.
Kasabay niyon ay ang pagsisisi dahil hinayaan niyang mangyari ang hindi dapat. Ano na lamang
ang sasabihin ni Radge? Na hanggang ngayon ay may pagtingin pa siya rito? Sigurado siyang sa
mga sandaling iyon ay nililibak na siya nito nang talikuran.
Hindi siya dapat manahimik sa isang tabi at hintayin na lamang ang atake ng opensa. Kailangan
niyang kumilos para maisalba ang sarili niya mula sa mapaglarong si Radge. Kung inaakala
nitong siya pa rin ang dating Trixia ay nagkakamali ito. Kusang kumilos ang mga kamay niya at
tinawagan si Martin. They should get married as early as possible, if only to save her from Radge.
"Hello, Kim... Yes, it's me, I wanna talk to Martin, please."
"BAKIT NAMAN kasi natin kailangang magmadali? I need to fly to Japan this November, hon.
How about January para beginning of the year?"
"Martin, November pa iyon. Let's get married before ber month then." She knew she was being
insane but who cares, anyway?
"What's happening to you? Why rush?" tila nagtatakang tanong nito. Tinawagan niya ito at
sinabing puntahan siya sa Ladies and Gents noon din na ginawa naman nito.
"I just wanna get married...ano pa ba ang hinihintay natin? Madali kong masasabihan sila Inay sa
probinsiya. Hihingi ako ng tulong kay Ate Madel para ikuha na sila ng tiket. Basta gusto ko nang
ikasal, Martin! Magpakasal na tayo!" she was almost hysterical and screaming.
Nagulat siya nang mula sa amusement ay galit ang rumehistro sa mga mata ng nobyo. Mula sa
bulsa ay umangat ang kamay nito patungo sa kaniyang mukha. Banayad nitong hinaplos ang isa
niyang pisngi saka unti - unting bumaba ang kamay nito sa kaniyang leeg at huminto roon ng
kung ilang sandali.
"Are you hiding something from me, Trixia? Bakit nagmamadali ka? Are you...are you...?"
Nagimbal siya nang maunawaan ang tinutungo ng mga salita ni Martin. Iniisip ba nitong buntis
siya? Magagalit nga ito kung ganoon dahil ni minsan ay hindi niya ito pinayagang lumampas sa
limitasyon niya.
"Ano ang ibig mong sabihin?" sinagilahan siya ng takot nang unti - unting humigpit ang kamay ni
Martin sa mismong pulso ng kaniyang leeg.
"I so love you honey, but I'll wring your beautiful neck the moment you cheat on me." Muli nitong
diniinan ang palapulsuhan niya sa bahaging iyon ng katawan bago iyon tuluyang binitawan.
Napaubo siya dahil doon. Hawak ang leeg ay gimbal na napatingin sa nobyo. Bigla ay tila
natauhan naman ito at yumakap sa kaniya.
"I'm sorry, I'm sorry...I'm so sorry, Trix. Hindi ko sinasadya." Mabilis na hingi nito ng paumanhin.
Nang hindi siya kumibo ay marahas siya nitong niyakap at paulit - ulit na humingi ng tawad.
"Nabigla lang ako. Hindi ko kasi maunawaan ang biglang pagbabago ng isip mo. Pero sige, kung
'yan ang gusto mo ay ikaw ang masusunod. Ayusin mo na ang mga detalye at magpapakasal
tayo sa lalong madaling panahon." Napatingin siya sa mga mata ni Martin. Dapat ay masaya siya
sa tinuran nito pero bakit hindi iyon ang nararamdaman niya? Bakit tila may kahungkagan siyang
nadarama sa kabila ng pagsang - ayon ng nobyo? Tama nga ba ang desisyon niyang
magpakasal dito?
NAGHAHANDA na siya sa pag - uwi at inaayos na lamang ang ilang detalye ng silver wedding
na nirerebisa niya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Nang sinuhin ang caller ay agad
siyang kinabahan. Alas nueve ng gabi at tumatawag si Radge? Ano ang pakay nito?
Pinatay niya ang cell phone saka muling itinuloy ang ginagawa. Kailangan niyang matapos iyon
dahil gumagabi na at nag - iisa lang siya. Nauna nang umuwi ang kaniyang mga tauhan at hindi
rin naman niya inaasahang gagabihin siya nang ganoon. May napansin siyang isang maliit na
detalye sa simbahan na makasasagabal sa magandang daloy ng kasal ng kaniyang kliyente. Sa
ganitong pagkakataon ay hindi siya maaaring magpabaya kaya naman buong sikap niyang
inaayos ang lahat sa abot ng kaniyang magagawa. Nirebisa niya ang iskedyul ng pagdadala ng
bulaklak hanggang maging sa pag - aayos noon at tsinek ang mga datos na umaayon sa plano
niya.
Malalim na ang konsentrasyon niya nang biglang bumalabag ang pinto ng kaniyang opisina.
Marahas siyang napasigaw sa matinding takot at madaling nagsiksik sa sulok.
Ang intruder sa dis oras ng gabi ay walang iba kung hindi si Radge. Nakaitim ito ng t-shirt na
tinernuhan ng fitted maong jeans. She felt relieved and safe upon seeing him but it was just for
few seconds. Galit niyang nilapitan ang pangahas na lalaki at inihanda ang sarili sa paninita dito.
"At ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Sisirain mo ba ang opisina ko?!" galit na wika niya.
May kung ilang sandaling walang kibo si Radge. Hindi ito sumagot at pagkuwa'y lumapit at
tumayo sa mismong harap niya. Umangat ang mga kamay nito at humaplos sa kaniyang mukha
at kasunod ng kamay ay ang mga labi nitong banayad na dumampi sa noo at buhok niya. He
looked scared and devastated and she wondered why.
"Are you okay?" Nalito siya sa ikinikilos nito pero hindi naman magawang alisin ang mga kamay
ng binatang ngayon ay tuluyan nang yumapos sa kaniya. She felt safe in his arms and God forbid
her for yearning more.
"I just checked if you're okay...I thought something happened and..."
Humaplos ang isang kamay nito sa kaniyang mukha samantalang ang isa ay nananatiling
nakayakap sa kaniya.
"Oh God, why are you still here?"
He touched her face...her nose and finally claimed her mouth for a very passionate kiss that
seems eternal. A kiss that opened her heart to reality that Radge was the only man that could
bring her on knees. He kissed her lusciously and she was lost.
Nang magsimulang kumilos ang kaniyang mga kamay payakap sa leeg nito ay hindi niya iyon
pinigil. Lalong lumalim ang mga halik nito at naramdaman niya ang unti - unti niyang pag - angat
patungo sa kung saan. She closed her eyes and let him bring her anywhere he wanted.
Naramdaman niya ang paglapat ng kaniyang likod sa settee ng kaniyang opisina. Kasunod niyon
ay ang mabigat na bulto ng katawan ni Radge na bolta - boltaheng kuryente ang hatid sa kaniya.
Mahal niya ito. Iyon ang totoo. Pero tama ba? Tama bang ipagkaloob niya rito ang buong
pagtitiwala niya? Kasabay ng isiping iyon ay ang pagsalit ng isang pangyayaring paulit - ulit na
gumagambala sa kaniya.
TATLONG LIBONG PISO. Bigla ay tila naging yelo ang pakiramdam niya. Namanhid ang
kaniyang buong katawan na at nabalot ng sama ng loob ang damdamin niya.
"Did you raise it this time?" bigla ay nasabi niya.
Umangat ang ulo ni Radge at nakita niya sa mga mata nito ang pagtataka. Nagtatanong ang
eskpresyon ng mga mata nito.
"Ang pusta mo? Tinaasan mo naman sana. You're about to get my most priced possession, by
the way." Pinigil niyang mabasag ang kaniyang tinig. Nakatingin siya sa kawalan habang sinasabi
iyon subalit batid niyang nakamasid si Radge sa mga kilos niya.
"Great! Just great!" tanging nasambit ni Radge bago ito tuluyang tumayo at iwan siyang nag - iisa
sa settee.
Pinilit niyang ibangon ang sarili at saka mabilis na inayos ang nagusot na damit. Kinakain siya ng
matinding sakit ng loob at masidhing damdamin para kay Radge pero dapat niyang pangibabawin
ang kaniyang pag - iisip sa gitna ng lahat. Isa iyon sa mga natutunan niya mula sa sakit na
idinulot ni Radge sa buhay niya. "Kung iniisip mong kailangan kita... think again, Radge dahil nagkakamali ka."
Hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang saglit na pakikiraan ng pinagsamang lungkot at poot
sa mga mata ni Radge pero binalewala niya iyon.
"I lived my life without you for eight years and I survived...I will still survive for the next fifty years
of it. I don't need you Radge, so please get lost."
May kung ilang sandaling nag - atubili ang binatang magsalita subalit sa huli ay pinanatili na rin
nitong tikom ang bibig. Tahimik itong lumabas sa opisina niya...at tahimik din siyang lumuha.
"MARTIN, you know I hate surprises! Saan ba talaga tayo pupunta?" bahagyang iritadong sabi
niya.
Araw iyon ng Huwebes at walang pasabing basta na lamang dumating sa Ladies and Gents si
Martin. Nagsalo sila sa isang tanghalian na mismong dala rin nito at matapos iyon ay tinanong
siya nito tungkol sa aktibidades niya sa Linggong iyon.
Matapos nitong malaman na maayos na ang lahat tungkol sa kasal na pangangasiwaan niya sa
darating na Linggo ay madali siya nitong pinagpalit ng damit. Ang sabi ay magsisimba lamang
sila pero nagulat siya nang makitang may kasama itong driver at ihatid sila nito sa domestic
airport.
Ilang beses niyang tinanong si Martin pero tanging iling lang ang isinasagot nito. Napangiti siya
nang mapait. Ang nagagawa nga naman ng pera.
Nagawa nitong isakay siya ng eroplano nang ang lahat ng detalye ay ito ang nag - asikaso. Ilang
oras lang ang binilang at walang balakid na nakarating sila ng Kalibo Airport. Doon pa lang ay
may hinala na siya kung saan sila patungo pero tanging mainis na lamang ang kaya niyang
gawin dahil ayaw magsalita ng nobyo.
Konsolasyon na lamang na hindi nila kasama si Ingrid na nangangahulugang wala ring Radge na
manggugulo sa tahimik niyang mundo.
Mula sa Kalibo ay lumulan sila sa bus na nagbaba sa kanila sa Caticlan. Mula naman doon ay
sumakay sila ng bangka at sa loob lamang ng halos tatlumpung minuto ay narating na nila ang
Boracay. Motorised pedicab ang naghatid sa kanila patungo sa Inn na diumano ay tutuluyan nila
ni Martin.
Hindi niya pinansin ang kabang nadama nang sumagi sa isip ang ideyang silang dalawa lamang
nito sa isla. Ikakasal na sila ni Martin at marahil ay panahon na upang ibigay niya rito ang
karapatang mahalin siya nang higit sa nagagawa nito.
"O, galit ka pa?" bigla ay tanong ni Martin nang makababa sila. Sumalubong sa kaniya ang white
sand na tila naglalaro sa silahis ng papalubog na araw.
"Do I need to thank you for not talking to me for hours?" bahagyang irap niya gayung ang totoo ay
nag - uumapaw ang tuwa niya na narating niya ang lugar na iyon.
Kinabig siya ni Martin bago kinintalan ng mariing halik sa leeg na ikinapitlag niya. Hindi siya dapat
nakararamdam pa ng ganoon dahil malapit na silang ikasal ng nobyo.
"Honey, I just wanna surprise you! Gusto mong makarating dito 'diba?" wika nito na tila balewala
ang nararamdaman niya. Napailing siya sa bahagyang nagbabangong inis sa dibdib niya. Kailan
ba niya makakasanayan ang gawaing iyon ni Martin?
"Oo nga pero mas masaya sana kung nakapamili muna tayo ng mga ibabaong damit saka tayo
pumarito." Sana ay napaghandaan nila ang lakad na iyon, hindi gayun na tila wala man lang
silang baong kahit anong gamit.
"Don't worry, Ingrid will take care of that."
Lumipad ang tingin niya rito.
"Kasama natin si Ingrid dito?!" gulat na tanong niya. Kung gayon ay...kasama rin nito si...
"Oh, Radge, pare! Where's my pet?" hindi na niya naitikom ang bibig nang makita ang
papasalubong na si Radge. Itinuro nito ang isang maliit na stall kung saan ang mga tao ay
salimbayang pumapasok. Ayon dito ay naroon si Ingrid maging ang magkapatid na Ricci at
Dianna.
Naging mabuway ang pagkakatayo niya at kung hindi dahil sa mabilis na pag - alalay ni Radge
ay muntik na siyang matumba.
"Careful, baby..." bulong nito sa punong tainga niya na ikinatindig ng kaniyang mga balahibo.
Mabilis niyang inayos ang sarili bago pa mapansin ng nobyo ang nangyayari sa kaniya. Salamat
na lamang at malayo ang tingin nito at hindi nito napansin ang tila kisapmata sa bilis na eksenang
iyon. Baby? Why does it sound so good in her ears? and seems right?
Kinain ng pangamba ang puso niya habang nakamasid sa maamong mukha ni Radge Paolo De
Vera.
BINABASA MO ANG
When Bad Boy met his match
RomantikThe story is came from the writer named Yesha. I just want to share it with you on how I appreciated her story and love the flow. And I hope you like it too.