“CLASS, meet your new classmate from Bulacan, Ms. Trixia Destreza.”
Tinig iyon ng adviser ng klase nila. Nagpakilala siya ng sarili at matapos iyon ay pinalakpakan
siya ng klase. Nabigla pa siya nang mahagip ng mata ang lalaking nakasalubong sa opisina ni
Mr. David ng nagdaang araw. Kung gayon ay kaklase niya pala ito. Hindi niya alam pero biglang
kumabog ang dibdib niya sa isiping iyon.
Nang tumunog ang bell hudyat ng recess ay hindi siya umalis sa kinauupuan. Wala pa siyang
kilala sa mga kaklase kaya naman minabuti na lamang niyang pag – aralan ang susunod na
subject nila. Nakakopya na siya ng schedule sa labas ng pinto ng classroom at nabigyan na rin
siya ni Ms. Perez ng mga libro. Ayon dito ay nabayaran na iyon ng Tiya Belen niya ng nagdaang
araw at ngayon lamang naibigay sa kaniya.
Nakakailang pahina na siya ng Social Studies book nang maramdaman ang brasong lumapat sa
kanang balikat niya. Hindi agad siya nakahuma sa pagkabigla. Ilang sandali rin ang lumipas bago
siya natauhan at mabilis na inalis ang brasong nakaangkala sa kaniya. Matapos iyon ay matalim
ang tinging hinarap ang pangahas na gumawa noon.
“Ikaw?” kulang ang salitang pagkagulat upang ilarawan ang naramdaman niya ng mga sandaling
iyon.
Ang lalaking pilyong nakangiti ay hindi naman kumibo pero umaktong tila wala itong kaalam –
alam sa sinasabi niya. Nakaturo pa sa sarili nito ang hintuturo na tila nagtatanong kung ito ba ang
kinakausap niya. Nainis siya at nakapameywang na tumayo sa harap nito saka dinuro ang lalaki.
“Hoy, ang kapal ng mukha mong salingin ako!”
Hindi agad nakahuma ang nabiglang si Radge at bago kumibo ay niligid muna ng tingin ang ilang
kaklaseng naiwan din sa loob ng classroom at kasalukuyang nanonood sa kanila.
“Me? Are you talking to me?” painosente pa ring tugon nito.
“Sino pa nga ba ang kakausapin ko eh tayo lang ang magkatabi rito? Bakit andito ka sa row
namin? ‘Diba sa likuran ka?” sita pa rin niya rito. Wala siyang pakialam kahit transferee siya sa
klase. Hindi uubra sa kaniya ang trabaho ng lalaking ito.
“Ahermmm…Excuse me Ms….?”
“…Destreza!”
“…Excuse me, Ms. Destreza but this one is my seat.” Tinuro pa nito ang silyang kinauupuan.
“Yeah, right.”
“Yeah, that’s right. This is my seat and we’re seatmates here. Can’t you see, magkasunod ang
surnames natin?”
Ilang saglit siyang hindi nakasagot sa sinabi nito. May punto nga ito kung ang pagbabasehan ay
ang mga apelyido nila, Destreza siya at De Vera ito at base sa pagkakaupo ng mga kaklase niya,
alternate nga iyon, lalaki at babae ang halinhinang magkakatabi.“O ngayon? Ano ang kinalaman noon sa kamay mo na nasa balikat ko kung ganoon?” pagtataray
pa rin niya. Baka hindi nito alam na narinig niyang may warning na ito mula sa opisina ng punong
– guro. Isang – isa na lamang at matatanggal na ito sa klase or worse, sa paaralan na iyon.
“Hmm…alangan namang namamasyal ‘diba?” kumindat pa ito sa kaniya at ilang saglit na
nahulog sa kinalalagyan ang puso niya dahil sa sinabi nito. Gayunman ay hindi siya nagpahalata.
“Namamasyal pala ha…!” gagad niya sa sinabi nito at matapos ang limang segundo ay ipinalo sa
ulo nito ang librong hawak na naging sanhi ng pagsigaw nito.
“…o ayan, pasyalan mo ang mukha mo!”
“Ouch!” sapo nito ang bahagi ng ulong tinamaan nang may kakapalan ding libro.
“Yan ang bagay sa’yo.” Sabi niya bago kinuha ang gamit at tuluy – tuloy na lumabas ng
classroom.
NAIINIS siya sa sarili. Kangina pa siya mukhang tanga na nakaupo roon habang tinatanaw si
Trixia. Ilang ulit na siyang binuska ng mga kaibigan na may gusto sa babae . Ilang ulit na rin
niyang sinabing hindi siya pumapatol sa promdi at sigang kagaya nito pero hayun nga at
nagkakandaduling siya sa pagsilip dito sa pagitan ng siwang ng mga bintana ng classroom.
Nang nagdaang araw ay wala sa plano niyang akbayan ito. Ang orihinal na plano ay tabihan
lamang ang babae at magpakilala rito pero nanaig na naman ang kayabangan niya at sa halip ay
inakbayan ito. Nagbunga iyon ng maliit na bukol sa ulo niya nang hampasin ng malakas ng libro
nito.
Hindi siya nainis dito bagaman nasaktan hindi lamang ang ulo kundi pati ego niya. Mas lamang
ang salitang paghanga upang ilarawan ang nadarama sa mga sandaling iyon. Ito ang kauna –
unahang babaeng gumawa ng ganoon sa kaniya. Siya, si Radge Paolo De Vera ng Flash Team
ng eskuwelahan nila, hinampas ng libro sa ulo ng bagong saltang estudyanteng si Trixia?
Nakakatawa. At talagang pinagtawanan siya ng mga kabarkada niya dahil sa pangyayari.
Kung dati lang iyon ay hindi siya papayag ng basta ganoon lamang. Hindi siya makakapayag na
saktan lang ng kahit sino kaya ang pagpapalampas na ginawa niya sa inakto ng babae ay
palaisipan pa rin sa kaniya hanggang ngayon.
Ngayon nga ay recess time na naman at hindi gaya ng nagdaang araw ay lumabas ng classroom
si Trixia upang doon magbasa. Marahil ay naiinis na ito sa kaniya base sa ekspresyon ng mukha
nito kanginang katabi niya. Doon na siya sa totoong upuan niya naupo sa harapan at hindi rin
nakaligtas iyon sa mga kaklase at gurong bumati kung bakit bigla ay naisipan niyang bumalik sa
tunay na upuan. Pilyong ngiti lamang ang isinasagot niya sa mga ito at hindi nakaliligtas sa
kaniya ang palihim na pag – irap ni Trixia.
Ilang minuto na lamang at matatapos na ang recess nila pero hindi pa rin niya nakukuhang
diskartehan ang babae. May crush siya rito, tanggap na niya iyon pero hindi niya alam kung
paanong makakalapit dito.
Matinding kantyaw ang inabot niya sa barkada nang masaksihan ang ginawa ni Trixia kaya
upang makabawi sa pagkapahiya ay sinabi niya sa mga itong mapapasakamay niya ang bagong
kaklase. Napasubo na siya nang gaya ng dati ay pumusta ang mga ito at labag man sa kalooban
ay pumayag siya. Tinaasan pa niya ang pusta niya.
Ang siste, napagkasunduan ng grupong sa bawat araw na lumilipas na hindi niya nakukuha ang
matamis na oo nito ay katumbas ng isang daang piso at isang buwan lang ang palugit ng mga ito
sa kaniya. Sa kabilang banda ay magkakamit siya ng tatlong libong piso kung mapapasagot naman niya si Trixia. Hindi niya kailangan ang pera, dangan nga lamang ay hindi rin niya gustong
mabuska ng mga ito. Nang mainip ay tumayo at lakas – loob na lumapit sa babae.
Hindi pa siya nakakalapit ay naramdaman na nito ang kaniyang presensiya at mabilis pa sa alas
kuwatrong tumayo ito at umiwas. Mabilis niya itong sinunandan at hinawakan sa braso.
“Ano ba?” Pumiksi ito.
“Inaano ka ba?”
“Yun naman pala eh ano ang isinusunud – sunod mo diyan? Get out of my way!”
Nakita niya sa gilid ng mga mata ang unti – unting pagdami ng mga estudyanteng nakamasid sa
kanila. Lalong nangibabaw ang kagustuhan niyang mapaamo ito.
“Teka muna, masama bang lapitan ka?”
Lumabi ito sa kaniya. Muntik na siyang napatanga sa ginawi nitong iyon. Naaakit ba siya dito?
“Hindi naman pero ayoko ng gulo, Paolo.” Sabi nito na mababa na ang tinig. Huminto na rin ito sa
paglakad at humarap sa kaniya.
“Wala namang may gusto ng gulo, Trixia. Ikaw nga itong basta na lamang nanghahampas ng
libro sa ulo eh. Nagkabukol tuloy ako.” Sabay hawak niya sa ulo.
“Kasalanan mo naman kaya ko ginawa iyon.” Bahagyang pagtataray pa rin nito.
“Sorry na, huwag ka nang magalit sa akin, Bati na tayo ha.”
Masusi siya nitong tiningnan saka tumango. Bigla ang alingawngaw ng kantiyawan sa paligid
kaya nanumbalik ang kagustuhan niyang magpasikat sa mga ito.
“Okay na ba tayo?”
“Oo na.”
“Sigurado ka?”
“Oo na nga.”
“Guys, kami na ni Trixia!” sigaw niya sa mga naroroon saka mabilis na hinalikan sa pisngi ang
nagulat na si Trixia. Ang nabiglang babae ay nanlaki ang mga matang itinulak siya saka mabilis
na tumakbo papalayo sa mga naroroon. Hiyawan ang mga tao sa paligid kaya dapat ay magsaya
siya pero bakit tila hindi iyon ang kasalukuyan niyang nararamdaman?
Malayo na ay nakatanaw pa rin siya sa tumatakbong si Trixia at base sa kilos nito ay umiiyak ang
babae. Nakaramdam siya ng pagsisisi sa ginawa. Nadala na naman siya ng taglay na
kapilyuhan.
“ANG KAPAL ng mukha ng lalaking iyon.” Bulong niya sa sarili habang nagpupunas ng luha sa
pisngi. Sukat ba naming halikan siya sa harap ng maraming estudyante. Akala pa naman niya ay
totoo sa loob nito ang paghingi ng sorry, iyon naman pala ay umaarte lang ito at muli ay gagawa
ng eksena sa harap ng marami. Talagang wala ng pag – asang magbago ang lalaking iyon.
Pahiyang – pahiya siya sa sarili. Pakiramdam niya ay daig pa niya ang utu – utong unggoy na
nagpaisa dito.
Pero bakit ganoon? Bakit hindi yata nakikiisa ang damdamin niya sa dikta ng isip niya? Hindi man
niya maamin sa sarili, may kung anong bumubulong sa kaniya na nakakakilig ang ginawa ni
Radge. Gayunpaman ay determinado siyang ipakita ritong hindi niya nagustuhan ang inasal nito.
“TRIXIA, kunin mo na ito, please. Lagot ako kapag hindi mo ito kinuha, baka sa kangkungan ako
pulutin kapag nagalit si Radge sakin.”
Naiirita siya sa mga pakulo ni Radge. Noong isang araw ay nagpadala ito sa janitor ng sulat.
Kinuha niya iyon pero hindi niya pinagtangkaang basahin man lamang, diretso iyon sa trash bag
na hawak nito at batid niyang hindi iyon nakaligtas sa paningin ng lalaki.
Ngayon naman ay ang kaklaseng si Matthew ang pinagpadalan nito ng sulat at may kasama
pang isang long stemmed white rose. Alam nitong hindi niya matitiis si Matthew dahil lubhang
napakabait nito sa kaniya. Madalas ay ito ang kausap niya sapagkat may inclination ito sa pag –
aaral at hindi pabayang kagaya ni Radge.
Lamang ay tila hindi normal na tao ang tingin ng marami dito. Akala yata ng mga kaklase ay nerd
at weird si Matthew dahil sa makapal na salamin sa mata na gamit nito pero ang hindi alam ng
mga ito ay isang matalinong pag – iisip at malalim na istorya ng buhay ang nakapaloob sa
makapal na salamin na iyon. Alam niya dahil kahit paano ay naging close na sila nito. At ngayon
nga ay si Matthew ang kinasapakat ni Radge sa kalokohan.
Pinakatitigan niya ang hawak na sulat at bulaklak na hawak ni Matthew. Sa peripheral vision ay
nakikita niyang nakatingin sa kaniya si Radge.
“Please naman, Trix. Hindi na ako makagalaw sa nerbiyos eh. Get the flowers na, come on.”
She stared at the poor guy. Come to think of it, he’s kind of a cute. Iyon nga lang, kulang ang
pagkalalaki nito kung ang pagbabasehan ay ang nerbiyos na kitang – kita sa mga mata nito ng
mga sandaling iyon. She smiled sweetly and took the flowers from him.
“Oh, thanks for the flowers Matthew! I love them!”
Knowing that Radge was looking, she smelled the flowers without getting the letter from Matt.
Then, she suddenly gave Matt a light kiss on his cheek. Bigla na lang niyang naisip iyon. Hindi
niya alam kung saan nanggaling ang kapilyahang ginawa at kulang na lang ay mapahalakhak
siya sa nakitang reaksiyon ni Radge.
Kasama ang mga kaibigan ay nakatayo ito sa isang puno ng acacia na malapit sa classroom nila
at siya naman ay nakaupo sa bench na nasa harap ng canteen ilang metro ang layo sa mga ito.
Hindi nalingid sa kaniya nang ihagis ni Radge sa kung saan ang iniinom nitong softdrinks nang
halikan niya si Matthew. Ilang sandali ay nakita niyang palapit na ito sa kanila. Si Matt naman ay
nanlaki ang mga matang nagtatanong sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay nito saka
binulungan na siya ang bahala.
“What’s this, Samartino?” bungad nito. He was pertaining to Matthew.
“Errrr…” the poor guy couldn’t utter even a word.
“Hey, ano ang ginagawa mo dito?” she snapped at him. Siniguro rin niyang nakataas ang isang
kilay niya habang kausap ito.
“Ask this guy, Trix. You should have not kissed him.”
“Wow! And who are you to tell me that, De Vera? We are not even close, excuse me.”
“Oh, yes we are, Trix.” He grinned. Matapos ay muling ibinaling ang tingin kay Matthew at nabigla
siya nang pitsarahan nito iyon.
“Didn’t you tell Trix I gave her the flower? Hey, by the way, where’s the letter?” Binitawan nito si
Matthew at nang makita ang sulat na nalaglag marahil sa pagkakahawak nito ay lalong nagalit
iyon. Uupakan na lang nito ang lalaki nang umawat siya. Hinawakan niya ang polong suot nito at
ang braso ng lalaki.
“Ano sa tingin mo yang ginagawa mo, aber?”
“Tuturuan ko ng leksiyon ang kumag na ito!” The man was talking to her with his one hand on the
collar of poor Matt.
“Alam mo, Radge, nananahimik ‘yung tao at pati na rin yung collar niya. Will you please leave him
alone?”
“Hindi niya sinabi sa iyo na sa akin galing ang rose at sulat diba? Kaya hinalikan mo siya!”
“Oh my! Sa’yo ba galing ang rose na ito?” kunwa ay gulat na tanong niya. Radge frowned and
she was a bit surprised to have noticed that simple gesture was cute to him.
“See? He never bothered to tell…”
“Bakla ka ba? Sa’yo naman pala galing eh bakit may messenger ka pa? Why not give it
personally?”
“Bakit, pinapansin mo ba ako?” Binitiwan nito ang collar ni Matt at humarap sa kaniya.
“Kahit na. Hindi tama yung sa iba mo pinapadala ang mga concerns mo. Tapos, pag pumalpak
eh manggugulpi ka ng tao. Jeezzz…you’re such a loser.”
Ginaya lang niya ang line na iyon sa isang sikat na comedy program pero hindi iyon binili ni
Radge at sa halip ay namula na naman ang mukha nito sa inis.
“Kung ako ba ang magbibigay ng mga ito…” bahagya itong tumigil at lumingon kay Matt upang
kunin ang sulat, “akina nga iyan…” then get back at her, “will you get it?”
“Alam mo, kung may gusto kang gawin, dapat ginagawa mo iyon ng hindi ka muna agad umaasa
sa kung anumang kapalit noon. You should learn how to wait.” She pouted.
“Kita mo na?”
“Oo! Nakikita ko! Ikaw ang hindi makakita, De Vera! Ang laki mong tao, wala kang buto! Saka
excuse me, bakit ka ba nagpapadala ng mga ganito? May crush ka ba sakin?”
Napansin niyang sandali ring natigilan ang lalaki at namula habang napapatingin sa mga taong
nasa paligid at nakikinig sa kanila.
“Trix, I have to admit you have everything I would run for a girlfriend, pero sa ngayon ay
tinitingnan ko pa kung talagang papasa ka sa standards ko. Please let me take my time to do it.”
Muntik na siyang masamid sa sinabi nito. Kapal talaga ng fes huh!
“Take my time na pinagsasasabi mo diyan! FYI, Mr. Yabang…kung sa iyo lang din ay tatlong
beses kong pipiliin si Matthew! Tse, dyan ka na nga! Let’s go, Matt!”
Iyon lang at umabresyete na siya sa braso ni Matt at iginiya ito paalis sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
When Bad Boy met his match
RomanceThe story is came from the writer named Yesha. I just want to share it with you on how I appreciated her story and love the flow. And I hope you like it too.