PART 2
Kinabukasan, habang busy ako sa pagserve sa mga customer nagulat nalang ako ng bigla nalang may sinisigawan yung isang customer sa counter.
Napatingin ako bigla doon at nakita ko ang isang cashier na maluha luha habang humihingi ng sorry sa customer.
Kaagad naman akong lumapit para alamin kung anu talaga ang nangyayari.
"Excuse me. Ano pong nangyayari dito?" tanong ko.
"Ah kasi sir, si Sandra po kasi nagkamali siya sa pagsukli sa customer. Nakaalis na sana mga customer kaso nung napansin ata nila na kulang sukli nila binalikan nila si Sandra." - sabi ng isang cashier sakin.
Tumango naman ako at kaagad kong kinausap ng mahinahon ang mga customer.
"Excuse me maam. Ako nga po pala si Elias Velasco and Crew Manager po ako dito. Pasensya na po kayo kung nagkamali ng pagsukli sainyo ang kahera namin. Bago lang din po kasi siya mag iisang buwan palang." - paliwanag ko.
"Ay aba! Kausapin niyo 'yang kahera niyo hindi marunong magbilang ng isusukli eh. Dapat diyan tinatanggal na eh." - galit na sigaw ng customer habang dinuduro niya si Sandra.
Tiningnan ko si Sandra at kitang kita ko naman kung paano siya manginig sa sobrang takot siguro at kahihiyan niya.
Kaagad ko namang hinawakan ang mga kamay niyang nanginginig, at kaagad naman siyang nagulat at napatingin sakin.
Hindi ko sinasadyang mapatitig sa mga mata niya habang namumula ito kaya naman kaagad akong napaiwas at humarap nalang sa customer habang hawak hawak ko pa rin ang mga kamay niya para kumalma siya.
"Maam, hindi naman po puwede na basta basta nalang kami magtanggal ng empleyado hangga't napag-uusapan naman po ng maayos unless kong ninakaw niya po ang pera at hindi na binalik sayo. Pero naibigay naman na po niya sainyo di ba?" - mahinahon kong sabi sa customer.
Tumango naman ang customer pero tinitigan niya pa rin ng masama si Sandra at dinuduro duro pa.
"At humingi na rin po siya sainyo ng sorry 'di ba? Hindi naman po niya sinasadya yun, nalito lang siguro siya. Huwag po kayong mag-alala kakausapin ko po siya para hindi na maulit pa." - dagdag ko pa.
Bumuntong hininga naman muna ang customer at saka tuluyang umalis.
Kaagad ko namang tiningnan si Sandra.
"Mag-usap tayo. Sumunod ka sakin" - madiin kong sabi sakanya.
Binitawan ko na mga kamay niya at tuluyan na akong umalis at ramdam ko naman na sumunod kaagad siya sakin.
Nang makarating kami sa office, sumalubong naman kaagad samin ang lamig na nagmumula sa aircon.
Kaagad akong napatingin kay Sandra at kitang kita ko na nilalamig din siya kaya naman kaagad kong pinatay muna ang aircon.
"Maupo ka na muna." - kaagad kong sabi sakanya at saka ko nilock ang pinto.
Nang bumalik na ako sa table ko, nakita ko naman na nakatayo pa rin siya at nanlalaki ang mga matang nakatingin sakin.
"What?" - tanong ko sakanya at saka ko siya tinaasan ng kilay.
"B-bakit mo nilock ang pinto?" - nauutal niyang tanong sakin.
"Why? Masama ba? Mag-uusap tayo eh, about sa nangyari kanina between you and those customers na nagalit sayo." - inis kong sabi sakanya.
"P-pero alam mo naman na crush kita 'di ba? Huwag mo sana ako itake advantage huhuhu!" - mangiyak-ngiyak niyang sabi sakin.
"Huh? Anong pinagsasabi mo?" - naguguluhan kong tanong sakanya.
"H-huwag mo sana ako gahasain please! Nagmamakaawa ako." - biglang siyang lumuhod.
"Hoy! Teka sandali. Bakit ganyan iniisip mo? Tumayo ka nga diyan." - galit kong sabi sakanya.
Kagaad naman siyang tumayo at tumingin sakin pero umiwas din naman kaagad ng tingin.
"Tumingin ka nga sakin Sandra." - sabi ko.
Sumunod naman kaagad siya sakin kaya naman nagkatitigan kami bigla. Sumunod kong tiningnan yung mapupula niyang labi at sa hindi ko inaasahan bigla akong natempt na parang gusto kong halikan yun.
Unti-unti ko na sanang nilalapit ang mukha ko sakanya para sana halikan siya nang bigla nalang...
*Knock knock knock*
"May kumakatok." - kaagad na sabi ni Sandra.
Doon ay parang bigla akong natauhan sa gagawin ko sakanya sana, kaya naman bigla nalang ako umalis sa harap niya at binuksan kaagad ang pinto.
*Door Open*
"Sir, sorry sa istorbo pero may naghahanap po kay Sandra." - kaagad namang sabi ng isang crew sakin.
Tiningnan ko naman kaagad si Sandra at sinenyasan ko siya na pwede na siya lumabas.
Kaagad naman siyang naglakad palabas pero bago siya tuluyang lumabas bigla siyang bumulong sakin.
"Akala ba ko ba mag-uusap tayo? Pero bakit muntik mo na akong halikan?" - nang-aasar niyang bulong sakin at kaagad na siyang umalis.
Napailing-iling nalang ako habang tinitingnan siya papalayo saamin.
"Weird." - sabi naman ng kasama kong crew.
****************
A/N: eyy! nabitin ba kayo? haha. comment kayo guys pag nagustuhan nyo 'to hihi.
- janicerizo0615
![](https://img.wattpad.com/cover/350698929-288-k832790.jpg)
BINABASA MO ANG
She Fell First, But I Fell Harder
Short StorySandra has a crush on Elias, while Elias doesn't care about Sandra's feelings. But everything is on the fence when Aljon is around Sandra. Is it possible that he likes Sandra or is he just too concerned? Let's find out their whole story. - janiceri...