PART 4
*Kinabukasan*
Maaga akong nagising sa tunog ng phone ko kaya naman kinuha ko kaagad.
Nakita ko naman mga messages ni Sandra sakin at binasa isa-isa at kaagad ko din naman siyang nireplyan.
Ayaw ko sana tanggapin yung inaalok niya sakin na pagkain kaso nung sinabi niya na ibibigay nalang niya kay Aljon, doon talaga ako nainis.
Para saakin yun eh bakit niya ibibigay sa iba? Eh pag akin na, akin na talaga.********
Nang makarating na ako sa work mukha agad ni Sandra ang hinanap ko.
At nakita ko naman siyang naka duty na sa counter habang nakangiti pa ito sa mga customers.
Shit! Ang ganda pala niya pag nakangiti, ngayon ko lang narealize.
"Good morning sir!" - kaagad namang bati sakin ng mga crew na nakakita na sakin.
Kaagad naman akong napalingon sa mga crew nung nakita kong napatingin din si Sandra sakin.
"G-Good morning din." - bati ko din sakanila.
Nag huling sulyap muna ako kay Sandra bago ako tuluyang dumiretso sa office ko.
Kaagad namang bumungad sakin ang pagkain na galing kay Sandra pagkarating ko palang sa table ko.
Binasa ko naman ang letter na naka-notes sa ibabaw ng takip.
'para sa napaka-gwapo kong bf, kainin mo 'to ah huwag mo sasayangin. i love you kahit kunwari lang hahaha.'
Bigla naman ako napangiti sa nabasa ko pero binawi ko rin naman agad kasi mali yun.
Kaagad naman akong umupo at saka ko binuksan yun. Kaagad ko namang naamoy ang napakasarap na fried rice, bigla tuloy ako nakaramdam ng gutom kaya naman kinain ko kaagad.
Nasa kasarapan na ako ng pagkain ng fried rice at isusubo ko na sana yung hotdog ng bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Sandra.
"Gutom yarn?" - kaagad naman niyang sabi habang natatawa.
Bigla naman akong napatigil sa pag subo sana nung hotdog at tiningnan si Sandra.
"Ano ginagawa mo dito?" - masungit kong tanung sakanya.
"Ito naman sungit sungit agad, aga aga ah. May itatanong lang naman sana ako." - sabi niya sakin.
"Ano yun? Itanong mo na." - sabi ko sakanya.
"Magpapaalam lang sana ako para bukas. May importante kasi akong lalakarin." - seryoso naman niyang sabi sakin.
"And then?" - sabi ko habang nakatingin sakanya ng diretso.
"Okay lang ba wala muna ako bukas?" - tanong niya.
"Bakit ano ba lalakarin mo bukas?" - tanong ko rin sakanya.
"A-Ahm punta kasi ako ng hospital." - nauutal niyang sabi.
"Okay!" - kaagad ko namang sagot sakanya.
"Okay na yun? Pwede ako umabsent bukas?" - ulit niyang tanong sakin.
"Paulit ulit? Okay na nga 'di ba?" - nakasimangot kong sabi sakanya.
"Okay thank you hehehe! Hoy aljon pwede daw." - rinig kong sabi niya.
Isasarado na sana niya yung pinto ng may marinig akong hindi maganda.
"Wait!" - pigil ko sakanya.
Napatigil naman siya sa pagsarado ng pinto at nagtatakang tumingin sakin.
"Why? May sasabihin pa po ba kayo sir?" - takang tanong niya.
Tumayo naman ako kaagad at nilapitan siya.
"Tama ba yung narinig ko?" - sabi ko sakanya.
"Na ano?" - nagtataka pa rin niyang tanong.
"Kasama mo si Aljon bukas sa hospital?" - tanong ko sakanya.
"Ah oo sasamahan niya kasi ako bukas kasi restday naman daw niya." - kaagad naman niyang sagot sakin.
Aba talaga nga naman! Proud na proud kapa habang sinasabi yan ah.
"Bakit sakanya pa? Madami naman diyan pwedeng samahan ka, wala ka bang pamilya na pwede sumama sayo?" - naiinis ko pa ring tanong.
"Yung parents ko kasi nasa province kasama mga kapatid ko, wala naman ako relatives na malapit sakin kaya ako lang mag isa sa nirerent kong bahay, eh si Aljon willing naman daw po siyang samahan ako eh." - sabi niya sabay tiningnan niya si Aljon.
"Then i-cancel mo yun." - kaagad kong sabi sakanya.
"Huh? Hindi ko pwede i-cancel ang pag punta ko sa hospital." - sagot naman kaagad niya.
"No! I-cancel mo na si Aljon, ako na ang sasama sayo, sunduin kita bukas sa bahay mo. Sige na back to work." - sabi ko sakanya atsaka ako tumalikod para bumalik sa table ko.
Hindi ko na siya narinig pa na nagsalita at ang tanging narinig ko nalang ay ang pagsarado niya ng pinto.
Bigla naman ako napabuntong-hininga pagka-upo ko.
Arrgh! Weird. Bakit ganito? Naiirita ako pag kinukulit niya ako pero ayaw na ayaw ko naman na may kinakausap siyang ibang lalaki.
************
A/N: ay nako elias umamin ka na rin kasi para hindi ka nagseselos dyan haha.
- janicerizo0615
BINABASA MO ANG
She Fell First, But I Fell Harder
ContoSandra has a crush on Elias, while Elias doesn't care about Sandra's feelings. But everything is on the fence when Aljon is around Sandra. Is it possible that he likes Sandra or is he just too concerned? Let's find out their whole story. - janiceri...