SFFBIFH - PART 6

4 0 0
                                    

PART 6

SANDRA'S P.O.V

Pagdilat ko ng mga mata ko, inilibot ko naman kaagad ang paningin ko sa paligid. At nang mapansin kong parang hindi ito sa bahay ko bigla naman ako napabalikwas agad.

"Oh Sandra!" - kaagad namang sabi ni Aljon pagkalapit niya sakin para alalayan ako ulit humiga.

"Nasaan ako?" - tanong ko sakanya

"Nandito ka sa hospital, isinugod ka namin dito ng driver namin." - kaagad naman niyang sabi habang inaayos niya yung kumot ko.

"Huh? Bakit? Anong nangyari?" - nagtataka kong tanong sakanya.

"Wala ka ba maalala kung anu nangyari sayo kanina?" - tanong din ulit niya sakin.

Bigla ko namang naalala yung pagtakbo ko kanina papalayo kay Elias.

"Meron kaunti pero nung sumunod na yun hindi ko na alam tapos nagising nalang ako na nandito na ako." - sagot ko naman sakanya.

Tumango-tango naman si Aljon sakin at saka siya pumunta sa sofa at doon umupo.

"Dinala ka namin dito, mataas din kasi lagnat mo." - sabi niya ng hindi nakatingin sakin.

Tumango naman ako at saka pumikit.

"Thank you Aljon ah. Kung wala ka baka siguro napa-ano na ako sa daan." - pagpapasalamat ko sakanya habang nakapikit.

"Your welcome." - rinig ko namang sabi ni Aljon pero nagtaka ako kasi parang sobrang lapit niya.

At hindi nga ako nagkamali, pagmulat ko ng mga mata ko nakita kong ang lapit ng mukha ni Aljon sa mukha ko. Parang kunti nalang magkakadikit na mga labi namin.

"H-hoy! A-anong ginagawa mo?" - nauutal kong tanong sakanya.

"Hmm?" - tanging naisagot nalang niya sakin.

"A-Aljon lumayo ka nga." - utos ko sakanya.

"What if ayoko? Atsaka any minute nandyan na si Sir." - kaagad naman niyang sabi.

"Huh? Si Elias? Bakit? Sinabi mo ba sakanya?" - tanong ko naman sakanya.

"Yes. Pero may twist." - nakangisi naman niyang sabi sakin.

Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang unti unti na niyang nilalapit ang mukha niya sakin.

Wait! Hahalikan ba niya ako?

Magdidikit na sana mga labi namin ng bigla nalang may humila bigla sakanya paalis sa harapan ko.

*Booggssshh*

Bigla nalang ako nagulat at hindi agad nakaimik sa sumunod ng pangyayari dahil nakita ko na lamang si Aljon na nakahandusay sa sahig habang hawak hawak ang labi niyang pumutok.

"What do you think you are doing Aljon? Bakit mo hinahalikan si Sandra?" - inis na sigaw ni Elias kay Aljon.

"I knew it." - kaagad namang sabi ni Aljon bago siya tumayo.

"What?" - sigaw ulit ni Elias.

Bigla naman ako narindi sakanila kaya naman umalis muna ako sa kama ko at umawat na ako dahil muntik pa sana suntukin ni Elias si Aljon.

"Elias please! Pwede ba? Tama na yan." - awat ko kay Elias habang hawak hawak ko ang dalawa niyang braso.

Kaagad naman akong tiningnan ng masama ni Elias.

"At ikaw naman! Akala ko ba crush mo ako? Pero bakit nagpapahalik ka sa iba?" - galit na tanong niya sakin.

Binitawan ko naman kaagad si Elias at inis na tinitigan siya sa mga mata.

"Teka lang ah! Bakit ka ba nagagalit? Eh ano naman kung magkiss kami ni Aljon? Hindi mo rin naman ako type 'di ba? Atsaka crush palang naman kita CRUSH palang at sabi mo rin na pwede pa mawala yun." - galit ko ring sabi sakanya.

Mula sa galit na mga mata niya bigla nalang ito naging emosyonal na tila ba parang....nasasaktan?

Wait! Bakit naman siya masasaktan? Eh ako may crush sakanya tapos siya wala.

Hindi na muli pang nagsalita si Elias at padabog niyang pinulot sa sahig ang bag niyang nahulog atsaka siya tuluyang lumabas.

Naiwan naman ako na speechless at naguguluhan sa ikinikilos ni Elias.

"Ang weird talaga niya." - bigla ko naman nasabi.

"I knew it Sandra." - rinig ko namang sabi ni Aljon sakin.

Kaagad naman akong napalingon sakanya ng may pagtataka.

"Huh?" - tanging naisagot ko.

"Gusto ka niya." - sabi niya atsaka tumingin bigla sakin. "Gusto ka ni Sir Elias kaya siya ganun umasta pagdating sayo." - pagtutuloy niya.

"What??" - gulat ko namang sabi kay Aljon.

Hindi na umimik pa si Aljon at bigla nalang siya umalis sa harap ko at lumabas ng room ko.

Napaupo naman ako habang iniisip yung sinabi ni Aljon at mga pangyayari kanina.

"Gusto ka ni Sir Elias"

Totoo ba yun? Gusto niya ako? Pero parang imposible naman yata.

***********

A/N: overthink ka na muna dyan sandra haha.

- janicerizo0615

She Fell First, But I Fell HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon