SFFBIFH - PART 9

1 0 0
                                    

PART 9

5 MONTHS LATER...

It's been five months since after nung nagkaroon kami ng matinding away ni Aljon dahil kay Sandra.

At limang buwan na rin na hindi na nagpaparamdam sakin si Sandra. I tried sending her a messages many times, but she's not responding me anymore.

Hindi na rin siya pumapasok sa work pati na rin si Aljon. Sinubukan ko na rin bumalik sa hospital nun kinabukasan kaso sabi ng doctor at mga nurses na nakalabas na daw si Sandra at hindi ko na naabutan pa.

"Oy sir! Tulaley ka na diyan anyare?"

Nagulat naman ako nung may nagsalita bigla sa likuran ko kaya naman humarap kaagad ako.

"Oh Kyla ikaw pala? Anong kailangan mo?" - tanong ko sakanya.

"Ah eh kasi sir aalukin lang sana kita hihihi." - saad naman niya tapos biglang nagpa-cute sa harapan ko.

Tss! Bakit ba ang daming papansin sa mundo? Hindi naman bagay sakanya.

"Alukin saan?" - seryoso ko namang tanong ulit sakanya.

"Pwede ba kitang yayain mamaya sir? Dinner date sana tayo?" - sagot naman niya sabay biglang umiwas ng tingin habang nakangiti na parang ewan.

Bigla ko namang naalala si Sandra dahil sa ginawa niya. Tss! Si Sandra lang tinatanggap kong nagpapapansin at nagpapa-cute sakin.

Arrrghh! Sandra! Nasaan ka na ba?

"Oy sir? Hello? Are you still there?" - tanong niya habang kumakaway-kaway sa harapan ko.

Bigla naman ulit ako napabalik sa ulira't ko, natutulala kasi talaga ako kapag naaalala ko si Sandra.

Maya maya lamang ay biglang nilapit ni Kyla yung mukha niya sa mukha ko kaya naman napaatras ako ng kaunti.

"Anong ginagawa mo?" - naiinis kong tanong sakanya.

"Sir? Natutulala ka ba sa kagandahan ko?" - tanong naman niya.

"Bakit? Maganda ka ba?" - inis kong sagot sakanya.

Bigla naman niyang inilayo ang mukha niya sa mukha ko at biglang sumama ang tingin sakin kasabay nun ay pinagkrus niya ang mga braso niya.

"Ang sama mo naman sakin sir hmp! Pero kapag si Sandra halos matunaw na siya sa mga titig mo sakanya, eh sa totoo lang hindi naman ganun kagandahan yun atsaka malandi pa yun eh, tingnan mo naman ngayon halos limang buwan na ang nakakalipas hindi na siya bumalik dito sa work pati si Aljon. Alam mo feeling ko nagtanan na yung dalawa kasi halos kalat na kalat ditong may something sa dalawa, lagi ba namang magka-dikit eh parang mga tuko." - naiirita naman niyang sabi sakin.

Bigla naman nag-pantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya kaya naman naihampas ko bigla ng malakas ang kamay ko sa ibabaw ng table ko.

Kitang kita ko naman ang pagka-gulat niya habang nanlalaki ang matang nakatingin sakin.

"S-Sir? B-Bakit?" - nauutal naman niyang tanong sakin.

Kaagad naman ako lumapit sakanya at tinitigan siya ng masama.

"Mas okay pa na pagsalitaan mo ako lahat lahat ng masasakit at hindi maganda, huwag na huwag lang si Sandra." - may diin kong sabi sakanya.

Pagkatapos kong sabihin yun sakanya umalis na ako sa harapan niya at balak ko na sanang lumabas ng office ko nang bigla ulit siyang magsalita.

"Alam mo Sir? Hindi ko alam kung anu ba ang nakita mo kay Sandra na wala sakin. Maganda naman ako." - sabi niya.

Hindi na muna ako kumibo at nanatili akong nakatayo dito sa pwesto ko habang iniisip ko kung anu nga bang nakita ko kay Sandra na wala kay Kyla?

Oo inaamin ko... Inaamin ko na gusto ko na talaga si Sandra, siya lagi laman ng puso at isipan ko, halos hindi ako mapakali simula nung hindi ko na siya nakakausap hanggang ngayon. Grabe na pag-aalala ko sakanya at.... Miss na miss ko na rin siya.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ko kay Sandra nang bigla namang yumakap si Kyla sakin mula sa likuran ko.

"What the heck? Kyla anu ba?" - naiinis ko namang sigaw sakanya, kasabay nun ay ang pag-alis ko ng pagkakayakap niya sakin mula sa likuran ko.

"Bakit kasi hindi nalang ako? Matagal nang wala dito sa Sandra! Bakit siya pa rin? Hindi ba pwedeng ako nalang?" - mangiyak-ngiyak naman niyang saad sakin.

"Bakit hindi ikaw? Ha? Bakit hindi ikaw? Kasi hindi ikaw si Sandra. Hindi ikaw ang gusto ko." - inis kong sagot sakanya.

Kitang kita ko naman kung paano bumuhos ng sunod sunod ang mga luha niya habang nakatingin sakin.

"Bakit? Ano bang meron siya na wala ako? Mas maganda naman ako sakanya 'di ba?" - saad pa ulit niya.

"Ito tatandaan mo Kyla. Ganda lang ang meron ka, pero yung ugali mo? Walang wala kumpara kay Sandra." - sagot ko naman sakanya.

Hindi naman kaagad siya nakaimik dahil sa sinabi ko. Kaya naman nagsalita ulit ako.

"Oo sabihin na nating hindi ganun kagandahan si Sandra kung ikukumpara sayo. Mas maganda ka sakanya oo, pero kung ugali ang pagbabasehan talong talo ka ni Sandra. Bakit? Dahil siya kahit ganun yun, minsan makulit at nakakairita din pero hindi siya katulad mo na plastic." - dagdag ko pa.

Bigla naman siyang napatigil sa pag-iyak at napatingin sakin.

"Plastic? Paano niyo nasasabing plastic ako?" - naiinis niyang tanong sakin.

"Narinig kita dati na pinagsalitaan mo ng hindi maganda si Sandra habang kausap yung iba niyong kapwa kahera pati na ibang crew tungkol sakanya at kay Aljon, tapos nung nakita moko bigla moko ngingitian na parang wala lang? Akala mo kasi siguro hindi ko narinig?" - nakangisi kong saad sakanya.

Bigla namang nanlalaki ang mga mata niya sakin.

"S-Sir kasi... About dun usap-usapan lang kasi talaga yun dito sa work natin." - pag-dadahilan naman niya.

"Usap-usapan man o hindi wala pa rin kayo karapatan mang-husga ng ibang tao. Bakit alam niyo ba ang buong pangyayari? Alam niyo ba kung nasaan talaga sila ngayon?" - naiinis kong sabi sakanya.

Umiling-iling naman siya sa tanong ko.

"Oh 'di ba? Ang kakapal ng mga mukha niyo mag-chismisan pero yung mga trabaho niyo hindi niyo naman magawa ng maayos, lalo ka na! Halos napaka-dami mo nalang errors!" - iritado kong sabi sakanya.

Hindi na siya nakaimik pa dahil sa sinabi ko. Kaya naman kaagad ko na siyang iniwan at lumabas na ako ng office.

Habang naglalakad ako papunta sa counter bigla naman akong napatigil nang may makita akong pamilyar na tao.

T-Teka????

**************

A/N: ay nako kyla wag ka na kasi umepal pa. team sandra lang kami haha char! omg! sino kaya nakita niya?

- janicerizo0615

She Fell First, But I Fell HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon