EPILOGUE

2 0 0
                                    

EPILOGUE

A/N: guys! ito na po yung last part ng story nila huhu medyo masakit nga lang. T_____T

ALJON'S P.O.V

Kanina ko pa ulit tinatawagan si Elias kasi nasa emergency room na si Sandra, pero nagtataka ako kasi hindi ko na siya makontak.

"Excuse po! Excuse po!" - sigaw naman ng mga nurses habang hila hila at tulak tulak nila ang isang stretcher bed at may lalaking duguan doon na nakahiga.

Tinitigan ko namang maigi yung lalaki na yun at doon ko napagtanto kung sino.

"ELIAS?" - bigla ko namang nasambit.

Kaagad ko namang nilapitan yung mga nurses at doctor para tanungin kong anung nangyari.

"Teka! Teka lang po! Ano pong nangyari sakanya? Kaibigan ko po siya." - kaagad ko namang sabi sakanila pagkalapit ko.

"Nagkaroon po ng aksidente sa kalsada at isa siya sa napuruhan dun sa aksidente na yun." - kaagad namang sabi ng isang nurse sakin.

"What? Paano? Bakit?" - sunod sunod ko namang tanong.

"Mamaya na po Sir! Kailangan na kaagad namin siya maipasok sa emergency room." - kaagad namang sabi nung isa pang nurse.

Kaagad naman nilang ipinasok sa emergency room si Elias at naiwan ako ditong natulala at iniisip kung anu ba nangyayari.

Bakit nangyari sakanila 'to? Una si Sandra, nawalan siya bigla ng malay kanina at napansin kong wala na siyang pulso. Tapos ngayon si Elias? Naaksidente? Lord bakit? Mahal nila isa't-isa eh.

Kaagad naman akong dumiretso sa labas ng ER Room para silipin kung anu na nangyayari sa dalawa.

Pero hindi ko inaasahan ang makikita ko....

"No... No!!!!" - humihikbing sigaw ko.

1 YEAR LATER...

"Hey?" - rinig ko namag tawag sakin nung taong nasa likuran ko.

Kaagad ko naman siyang hinarap at nginitian.

"Oy ikaw pala? Ano ginagawa mo dito?" - tanong ko naman sakanya.

"Ikaw nga dapat kong tanungin nyan eh. Natutulog kapa ba? Parang halos yata araw araw kang nandito eh." - natatawa naman niyang sabi sakin.

Natawa naman din ako sakanya.

"Bakit ikaw din naman ah. Tingnan mo ngayon nandito ka ulit." - natatawa ko ding sabi sakanya.

Tumawa naman siya atsaka biglang hinampas yung kanang braso ko.

"Baliw ka talaga hahaha! Malamang bibisita ako, bakit ikaw lang ba may karapatan?" - medyo mataray niyang tanong sakin.

"Hindi naman hahaha! Syempre nakakapagtataka lang na araw araw ka din napunta dito, baka naman ako talaga gusto mong makita?" - nakangisi kong tanong sakanya.

"Hoy sira! Hindi ah asa ka naman. Malamang bibisitahin ko yung bebe ko nuh." - sabi niya sabay inirapan ako.

"Sus! Talaga lang ah." - natatawa ko namang sabi sakanya.

"Oo nga! Sumbong kita sa bebe ko eh." - sabi naman niya sabay turo niya sa puntod ni Elias.

"Kahit magsumbong kapa sakanya hindi ka pa rin niya papansinin kasi hindi ka niya gusto hahaha!" - pang-aasar ko naman sakanya.

"Luh? Sakit nun ah! Hmp. Ikaw nga din naman eh kahit titigan mo pa magdamag yung puntod ni Sandra at kahit pa tumirik mata mo hindi ka din niya mapapansin kasi si Elias din ang gusto niya so patas lang tayo." - pikon naman na sabi niya sakin.

Natawa naman ako sakanya sabay kinurot ko ang pisngi niya.

"Sira ka talaga Kyla! Hahaha pero okay lang atleast naiparamdam ko kay Sandra kung gaano ko siya kamahal nung panahong nabubuhay pa siya." - saad ko naman sakanya atsaka ako napatingin sa puntod ni Sandra.

"Buti kapa nga eh. Pano naman ako na laging tinataboy ni Elias. Pero alam mo, sad to say nga lang hindi man lang sila nagka-aminan man lang kung gaano nila kamahal ang isa't isa." - saad naman niya habang nakatingin sa puntod nung dalawa.

Tama siya! Mahal nila isa't-isa pero hindi man lang nagka-aminan kasi parehas na sila kinuha ni Lord.

Pero atleast kahit sa huling hantungan sila pa rin nagkatuluyan. Nawa'y maging masaya kayo diyan sa langit alam kong wala na kayong sakit na nararamdaman ngayon.

**************

A/N: sorry guys! hindi happy ending ang story ni sandra at elias huhu. thank you sa pagbabasa at sa mga magbabasa palang salamat po sana magustuhan nyo kahit maikli lang. :)

- janicerizo0615

She Fell First, But I Fell HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon