PART 5
*8 hours later*
Finally natapos na rin yung shift ko. Kaagad naman ako pumunta ng locker ko para kunin na mga gamit ko at nang makauwi na.
After ko makuha mga gamit ko, dumiretso na ako palabas, pero hindi pa ako nakakasakay ng kotse ko nang makita ko si Sandra na kasama si Aljon.
Kaagad namang kumunot ang noo ko at sumandal muna ako saglit sa kotse ko habang nakapamulsa at pinagmasdan ko muna sila.
Subukan mo lang Aljon na may gawin kang hindi maganda kay Sandra malilintikan ka talaga sakin.
Maya maya lamang ay bigla silang nagtawanan kaya naman hindi ako nakatiis at nilapitan ko na kaagad sila.
"Saya niyo ah." - kaagad kong sabi pagkarating ko sa tabi ni Sandra.
Kaagad naman napatingin sakin ang dalawa at nginitian ako.
"Hi sir good evening! Kakaout niyo lang po ba?" - tanong naman sakin ni Aljon.
"Yeah. Hindi kapa ba uuwi?" - tanong ko sakanya.
"Actually, pauwi na rin po ako Sir nakipag-usap lang po muna ako saglit kay Sandra habang inaantay ko driver namin." - nakangiti naman niyang sabi habang nakatingin kay Sandra.
F*ck! Masasapak ko na talaga 'to.
Kaagad ko naman tiningnan si Sandra at kitang kita ko rin na nakangiti siya sa lalaking 'to na mukhang paa ko lang.
F*ck! Nakakainis.
Kaagad ko namang hinawakan kamay ni Sandra.
"Let's go Sandra! Aljon uuna na kami sayo ah, ihahatid ko na 'to si Sandra." - kaagad kong sabi.
Hindi ko na hinintay na sumagot si Aljon at kaagad ko ng hinila si Sandra papunta sa kotse ko at kaagad ko naman binuksan ang pinto sa passenger seat.
"O-oy sir wait lang!" - kaagad naman niyang sigaw habang pilit niya inaalis kamay niya na hawak hawak ko.
Napansin ko naman na sobrang higpit na pala ng pagkakahawak ko sa kamay niya kaya naman binitawan ko kaagad.
"I'm sorry. Sumakay ka na." - mahinahon kong sabi sakanya.
Nagtataka naman siyang tumitig sakin.
"Sir grabe! Ganun ba katindi pagka-ayaw mo sakin?" - medyo iritado niyang tanong sakin.
"What do you mean? At huwag mo na nga ako tawagin ng Sir nasa labas naman tayo eh, sa loob nga Elias lang tawag mo sakin eh." - inis ko ding sabi sakanya.
"Sobrang sakit ng pagkakahawak mo sa kamay ko. Crush kita oo at alam ko naman hindi mo ako type, pero huwag naman sana dumating sa point na nasasaktan mo na ako physically." - naluluha luha niyang sabi sakin.
Bigla naman ako nakaramdam ng pagka-konsensya at tiningnan ko kamay niyang nanginginig at namumula na rin.
Shit!
"Look! I'm sorry Sandra. Hindi ko sinasadya yun." - kaagad ko namang sabi.
Susubukan ko sanang hawakan ang mga kamay niya ng bigla niyang iiwas yun at napa-atras siya.
"Sorry pero.... Hindi ako sasabay sayo umuwi." - kaagad naman niyang sabi kasabay nun ang biglaan niyang pagtakbo papalayo sakin.
"Shit! Sandra wait!" - kaagad ko namang sigaw pero hindi siya lumingon sakin.
BINABASA MO ANG
She Fell First, But I Fell Harder
Short StorySandra has a crush on Elias, while Elias doesn't care about Sandra's feelings. But everything is on the fence when Aljon is around Sandra. Is it possible that he likes Sandra or is he just too concerned? Let's find out their whole story. - janiceri...