SFFBIFH - PART 8

2 0 0
                                    

PART 8

ELIAS'S P.O.V

"Elias?" - gulat na tanong ni Sandra sakin pagkapasok ko palang ng room niya.

"Sandra." - sambit ko sa pangalan niya atsaka ako tuluyang lumapit sakanya.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko kanina ka pa umalis?" - tanong niya sakin.

"Actually! Bumalik ako para ibigay sayo 'to." - kaagad ko namang sabi atsaka ko inabot sakanya ang flowers at fruits.

"Flowers tsaka prutas? Wait! Bakit may pa-ganito?" - confused namang tanong niya sakin.

"Wala lang. It's just... It's just a peace offering dahil sa nangyari kanina. Kasalanan ko kung bakit nandito ka sa hospital at nagkasakit ka." - paliwanag ko naman sakanya.

"Oh siya sige na. Aalis na ako, pahinga ka na ah at pagaling ka." - dagdag ko.

Aalis na sana ako ng biglang hawakan ni Sandra ang kaliwang braso ko para pigilan ako.

"Elias wait!" - pagpigil niya sakin.

Humarap naman ulit ako sakanya.

"Yes? May sasabihin ka ba?" - tanong ko naman sakanya.

"K-Kasi..." - nauutal niyang sabi.

"Kasi? Ituloy mo." - kaagad ko namang sabi sakanya.

Tumitig muna siya sa mga mata ko.

"Gusto ko kasi malaman kung totoo ba?" - sabi pa niya.

"Na ano?" - kaagad ko ring sabi.

"T-Totoo bang gusto mo ako?" - biglang sabi niya na ikinagulat ko.

"What?" - gulat na tanong ko sakanya.

"Gusto ko lang kasi talaga malaman kung totoo ba sinabi ni Aljon na kaya ka nagkaka-ganun sakin kasi gusto mo ako?" - dagdag pa niya.

F*ck! Malilintikan ka talaga sakin Aljon.

"What? Si Aljon? Paano naman niya nasasabi yun?" - tanong ko sakanya.

"Sinubukan niya kasing pagselosin ka kanina, hindi naman talaga kami totoong nag-halikan. Gusto niya lang talaga malaman kung tama daw hinala niya at nakumpirma daw niya na gusto mo ako at kaya niya nasabi yun kasi ganun din daw nararamdaman niya sakin." - pagpapaliwanag naman niya sakin.

Napataas naman bigla ang isang kilay ko sa sinabi niya.

"What do you mean? Anong nararamdaman niya sayo?" - naiinis kong tanong sakanya.

"Na ano...  Gusto niya rin daw ako." - sagot niya sakin.

Bigla namang nagpantig ang tenga ko sa narinig ko at napakuyom bigla ang kamao ko.

Hindi na ako nagsalita pa at kaagad akong lumabas ng room ni Sandra para hanapin si Aljon.

Pero kung sinuswerte nga naman hindi ko na pala kailangan lumayo pa para hanapin siya kasi nakasalubong ko na kaagad.

"Aljon!" - sigaw ko sakanya kaya naman napalingon kaagad siya sakin.

"Oh Sir? Nandito kapa pala?" - nakangisi naman niyang tanong sakin.

Kaagad ko naman siyang sinugod at kinuwelyuhan.

"Huwag mo akong matawag-tawag na Sir!" - inis kong sabi sakanya.

"So anu pala? Elias lang? Atsaka anu pa ba ginagawa mo dito? 'Di ba nakaalis ka na?" - nang-aasar na tanong niya sakin.

"Anong ginagawa ko dito? Malamang pumunta ako para kay Sandra, pero yung nalalaman ko ang hindi ko nagustuhan." - inis kong sabi sakanya.

"Na ano?" - tanong naman niya sakin.

"Totoo ba? Ha? Totoo ba? Gusto mo si Sandra?" - galit kong tanong sakanya.

Bigla namang nagbago ang facial expression niya dahil sa sinabi ko. Mula sa nakangisi at nang-aasar biglang naging galit na din.

Bigla naman niyang tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kwelyo niya at tinulak ako.

"Eh ano naman sayo kung gusto ko siya? Bakit masama ba magka-gusto sakanya?" - inis niyang tanong sakin.

Kumuyom ulit ang kamao ko sa narinig ko.

"Oo masama! Masama yun dahil ayokong may ibang nagkaka-gusto sakanyang iba." - galit ko namang sabi.

"Wow grabe! Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo dahil kung gusto ko siya hindi na mababago pa yun. Gusto ko si Sandra at wala ng makakapigil pa sakin dun kahit na ikaw pa." - sabi naman niya.

*BOOOGGSSHHH!*

Hindi ko na naman ulit napigilan ang sarili ko sa sobrang galit kaya nasuntok ko ulit siya.

"Ito tatandaan mo Aljon! Hinding hindi ako papayag na mapunta sayo si Sandra!" - galit kong sabi sakanya.

Pinunasan naman niya kaagad ang dugo sa labi niya at tumayo na muna siya bago ulit nagsalita.

"Bakit? Dahil ba crush ka niya kaya ayaw mo siya mapunta sakin? Gusto mo sayo lang siya kasi makakapag take advantage ka sakanya anytime na gustuhin mo?" - sabi naman niya bigla.

"Gago ka ba? Saating dalawa ikaw ang gusto siyang i-take advantage. Mataas ang respeto ko kay Sandra kahit pa minsan naiirita na ako sa kakulitan niya at ayaw ko siyang mapunta sa kagaya mong mukhang paa ko lang!" - inis kong sabi sakanya.

"Aba't tarantado ka ah!" - galit na sabi niya.

Susuntukin na sana niya ako kung hindi lang siya inawat ng guard.

"Mga Sir tama na po yan! Masyado na po kayong nag iiskandalo dito sa hospital. Nakakahiya sa ibang mga pasyente." - pag-awat samin ng guard.

Tumigil naman na kami ni Aljon pero hindi nawawala ang sama ng tingin namin sa isa't-isa.

"Bakit kasi hindi mo nalang aminin sa sarili mo na gusto mo siya kaya ka nagkakaganyan kay Sandra?" - bigla naman niyang sabi.

Doon naman ako biglang napaiwas ng tingin dahil sa sinabi niya kasi kahit ako naguguluhan din sa nararamdaman ko.

Hindi ko kayang umamin na gusto ko na nga si Sandra kasi hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sakanya baka kasi masaktan na naman ako at masaktan ko lang si Sandra.

"Hindi ko siya gusto." - tanging sabi ko nalang.

"What? Kung hindi mo siya gusto? Why are you acting like that? Why are you acting like a jealous?" - naguguluhan naman niyang tanong sakin.

"Dahil concern lang ako sakanya. It seems like she's my younger sister. Yun lang yun walang ibang meaning." - kaagad ko naman sabi sakanya.

Ayoko na humaba pa ang usapan namin kaya naman hindi ko na siya inantay pang mag salita at umalis na kaagad ako.

Oo aaminin ko. Totoong may nararamdaman na ako kay Sandra pero hindi pa ako sigurado dahil natatakot ako... Natatakot akong sumugal ulit, kaya ayaw ko rin magsabi agad sakanila lalo na kay Sandra.

*************

A/N: oyy grabe naman yarn! sana all pinag-aagawan haha.

-janicerizo0615

She Fell First, But I Fell HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon