SFFBIFH - PART 3

5 0 0
                                    

PART 3

Kaagad na rin naman akong lumabas ng office at pinabalik ko na ulit sa trabaho yung kasama kong crew.

Papunta na sana ako sa counter para sana magmonitor kasi mahirap na baka may magkamali na naman, nang mapansin kong may kinakausap ng masinsinan si Sandra sa may isang table sa gilid.

Pinagmasdan ko sila parehas, gwapo din naman yung lalaki pero mas gwapo ako syempre.

Aalisin ko na sana ang paningin ko sakanila nang bigla kong makita na hinawakan ng lalaki ang kamay ni Sandra pero si Sandra pilit na inaalis yun.

Bigla naman nagtiim ang mga bagang ko at naningkit ang mga mata ko nang makita ko yun.

Kaya naman kaagad ko silang nilapitan at sapilitan kong inalis ang kamay nung lalaki sa kamay ni Sandra.

Bigla naman silang nagulat sa ginawa ko at napatingin sila parehas sakin.

"What the heck! What's your problem bro?" - inis na tanong sakin ng lalaki.

"Problema ko?" - inis ko ding tanung sakanya at saka ko nginisihan. "Ikaw problema ko." - dagdag ko pa ulit.

"Oh bakit ako? Inaano ka ba? Shota kita?" - nang-aasar na tanong niya sakin.

Bigla naman kumuyom mga kamao ko sa sobrang inis.

"Hindi. Pero yung kinakausap mo at hinahawakan ang kamay ay gf ko." - bigla kong nasabi sakanya sa sobrang inis.

"E-Elias..." - rinig kong bulong ni Sandra sa likod ko.

Kaagad na napatingin yung lalaki na nasa harap ko kay Sandra at tinuro ako.

"Sandra shota mo 'to? Hindi ako nainform, maangas pala 'to?" - sabi niya kay Sandra.

"Kuya Bry please umuwi ka na." - Kaagad naman na sabi ni Sandra.

Bigla namang kumunot ang noo ko sa narinig ko.

"Kuya? Magkaano-ano kayo?" - naguguluhan kong tanong sakanila.

"E-Elias kasi... Magpinsan kami. Siya si Kuya Bryan." - sabi ni Sandra.

Kaagad naman nanlalaki ang mata ko sa gulat at napatingin dun sa tinatawag niyang Kuya Bry.

"What? I-I thought..." - hindi ko natapos sasabihin ko ng bigla nalang umalis yung bryan habang pangisi-ngisi ito at umiiling-iling.

Rinig ko naman na bumungis-ngis sa likod ko si Sandra.

"Anong nakakatawa?" - kaagad kong sabi pagka-harap ko sakanya.

"Nagseselos ka ba sa pinsan ko?" - nakangisi niyang tanong sakin.

"No!! Bakit ako magseselos?" - medyo napalakas yung boses ko.

Kaagad naman nagtinginan samin ang mga customer sa katabi naming table pati na rin mga crew.

"I'm sorry." - kaagad kong sabi at saka ako umalis.

Hindi ko na nilingon pa si Sandra sa sobrang inis at kahihiyan na rin.

**************

A/N: guys hindi naman halata na seloso si Elias haha. mukhang need yata siya i-eenroll sa anti silos class ni prof jack roberto haha.

- janicerizo0615

She Fell First, But I Fell HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon