PART 7
SANDRA'S P.O.V
Tahimik at nakatulala ako dito sa room ko nang bigla nalang bumukas ang pinto.
Napatingin naman ako agad at tiningnan ko kong sino ang pumasok. Nakita ko naman na pumasok si Aljon at ang Doctor.
"Hello Sandra. How's your feeling? Feel better or not? And by the way, I'm Doc. Marco." - kaagad namang sabi sakin ni Doc.
"Hello din po. Okay naman po ako Doc. Actually nakakaramdam pa rin ako ng kaunting pagkahilo pero kaya ko pa naman po." - kaagad ko naman sabi kay Doc.
Nakita ko naman na biglang napabuntong-hininga si Doc kaya naman nagtaka ako.
"Bakit po Doc? May problema po ba?" - nagtataka kong tanong sakanya.
Bigla namang tumingin si Doc sakin ng seryoso sakin.
"Actually, for now hindi kapa muna pwede lumabas ng hospital." - kaagad namang sabi ni Doc.
"P-po? Bakit po?" - gulat kong tanong sakanya.
"May mga tests kaming gagawin sayo bukas, so for now kailangan mo muna ng sapat na pahinga." - sabi ni Doc.
"Wait Doc! What do you mean po na madami pang tests na gagawin kay Sandra? Mataas lang naman po lagnat niya 'di ba? So bakit kailangan pa ng maraming tests?" - tanong naman ni Aljon.
"I agree po Doc. Actually, ang balak ko po sana talaga is magpapacheck-up ako ng ulo ko bukas, kasi lagi nasakit tapos minsan lumalabo na rin paningin ko pero hindi naman po siguro malala yun." - sagot ko naman ko naman kay Doc.
"Yan na nga yung problema natin kaya kailangan maagapan yan. Possible kasi na it's either may brain clot ka or brain aneurysm." - kaagad din namang sagot ni Doc sakin.
Bigla namang nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi ni Doc sakin.
"WHAT?? NO!!!" - gulat din na sabi ni Aljon.
Napatingin naman ako kay Aljon at kitang kita ko kung paano siya nanlulumo sa narinig.
"So kailangan mo ng maraming pahinga para bukas." - dagdag pa ni Doc atsaka tuluyan na siyang umalis.
"S-Sandra! H-hindi naman yun totoo 'di ba? Wala kang ibang sakit 'di ba?" - mangiyak-ngiyak na sabi ni Aljon sakin habang hawak hawak niya kamay ko.
Nanlulumo din naman ako sa sinabi ni Doc. Ang daming what if's sa utak ko, pero sana hindi totoo yun. Gusto ko pa mabuhay ng matagal.
Kaya imbis na umiyak ako sa harap ni Aljon, dinaan ko nalang sa tawa yun.
"Hahaha! Para kang tanga diyan. Huwag ka nga umiyak, di naman totoo yun eh." - sabi ko kay Aljon.
"P-Pero Sandra. What if.... What if totoo yun?" - biglang tanong niya sakin at bigla niya hinaplos ng marahan ang ulo ko.
Nagulat naman ako sa ginawa niya kasi hindi naman ako sanay na ganito siya sakin. Oo magkaibigan kami pero hindi naman siya ganito ka-concern sakin...nung una.
"A-Aljon ano ginagawa mo? Bakit naging ganyan ka bigla?" - nagtataka kong tanong sakanya.
Nagulat na naman ako ng bigla niyang halikan ang ulo at noo ko.
"Sandra! Hays manhid ka ba?" - parang naiinis na tanong niya sakin.
"Huh?" - naguguluhan ko namang tanong.
"Manhid ka nga talaga. Hindi mo ba ramdam?" - dagdag pa niya.
"Ang alin ba yun? Diretsuhin mo na kasi ako." - naiinis kong sabi sakanya.
"Kanina... Yung nangyari... Sinubukan kong pagselosin si Si Sir Elias para malaman ko kung totoo nga yung hinala ko na gusto ka niya. At dun ko napatunayan na totoo nga." - sabi niya sakin.
Napakunot naman bigla ang noo ko sa sinabi niya.
"At paano mo naman nasabi na totoo hinala mo na gusto nga niya ako? Malay mo naman concern lang talaga siya sakin atsaka alam niya kasing crush ko siya." - sabi ko naman sakanya.
"Hindi... Hindi mo kasi naiintindihan." - dagdag naman niya.
"Ang alin ba kasi yun? Bakit kasi hindi niyo nalang ipaintindi sakin? Hindi naman ako manghuhula eh kung bakit siya nagkakaganun at kung bakit ka rin nagkakaganyan sakin." - naiinis na talagang sabi ko.
Kainis! Hindi nalang kasi sabihin eh ang dami pa paligoy-ligoy nito. Sarap sapakin eh.
"Totoo yung hinala ko sakanya na gusto ka niya kasi ganun din ako." - sabi pa niya.
"Anong ganun ka rin?" - mataray kong tanong sakanya.
"Arrrggghh! Shit naman Sandra." - sabi niya atsaka bigla siya tumayo.
"Minumura mo ba ako?" - inis kong tanong.
"Sandra napaka-manhid mo talaga. Hindi mo ba ramdam na gusto rin kita?" - bigla namang sabi niya sakin.
Nanlalaki na naman ulit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
Langhiya! Kanina kay Sir Elias? Tapos ngayon kay Aljon? Ang ganda ko naman ata masyado? Hindi ko naman sila ginayuma.
"Ano? Hindi ka na nakapagsalita diyan?" - galit na tanong ni Aljon sakin.
Napatingin naman ako bigla sakanya.
"Eh bakit ka galit? Atsaka paano ako makakapagsalita agad eh kanina niyo pa ako ginugulat?" - pasigaw ko namang sabi sakanya.
Nagulat nalang ako nang bigla nalang hawakan ni Aljon ang dalawang balikat ko at nilapit ang mukha sakin.
"Sandra! Gaya ni Sir Elias... Gustong gusto kita. At hinding hindi kita susukuan kahit Crew Manager pa ang karibal ko pagdating sayo. Tandaan mo 'to, hinding hindi ako nagpapatalo." - sabi naman niya atsaka siya umalis sa harap ko at lumabas.
Bigla naman ako napa-enhale at exhale dahil feeling ko hindi agad ako nakahinga kanina.
Wew! Grabe! Nakakagulat naman masyado yung mga revelations for today's video ah. Naguguluhan tuloy ako kung anu ba talaga dapat kong maramdaman kung kikiligin ba ako o malulungkot.
Susubukan ko na sana tumayo para sana mag-cr, nang bigla ulit bumukas ang pinto ng room ko at pumasok si....
"Elias?" - gulat kong sabi habang nakatingin sakanya.
*************
A/N: OMG!!! grabeng revelation naman yarn nakakaloka haba ng hair ni sandra haha.
- janicerizo0615
BINABASA MO ANG
She Fell First, But I Fell Harder
Historia CortaSandra has a crush on Elias, while Elias doesn't care about Sandra's feelings. But everything is on the fence when Aljon is around Sandra. Is it possible that he likes Sandra or is he just too concerned? Let's find out their whole story. - janiceri...