SFFBIFH - PART 12

1 0 0
                                    

PART 12

ELIAS'S P.O.V

Tahimik na naglalakad ako papunta sa parking area kung saan naka-park ang kotse ko nang bigla namang mag-ring ang phone ko.
Kaya naman kaagad ko itong kinuha mulsa sa bulsa ng pantalon ko.

*0915******9 CALLING*

Number lang? Sino naman kaya 'to? Sasagutin ko ba or hindi? Baka kasi mamaya scam lang 'to?
Pero halos naka-dalawa na siyang tawag kaya naman sinagot ko na.

"Hello?" - kaagad ko namang sabi sa kabilang linya.

"ELIAS!!! ELIAS!!!" - rinig ko namang sigaw nung nasa kabilang linya.

Maririnig din yung tunog ng ambulansya.

"Teka! Sino ka ba? Bakit ang ingay ingay ng ambulansya?" - inis ko namang tanong sakanya.

Baka mamaya nampaprank call lang 'to? Pero kilala niya ako eh.

"Elias! Si Aljon 'to." - kaagad namang pagpapakilala nung nasa kabilang linya.

"Teka? Aljon? Oh bakit ka napatawag? Atsaka nasaan ka ba?" - nagtataka ko namang tanong sakanya.

"Elias! Pumunta ka na agad sa hospital ngayon din. Sa [Hospital Location] kami pupunta." - kaagad naman niyang sabi.

"Huh? Teka! Bakit sinong pupuntahan sa hospital? Na-hospital ka ba?" - gulat ko namang tanong sakanya.

"S-Si Sandra! Isusugod ko siya sa hospital ngayon." - kaagad naman niyang sabi na ikinagulat ko.

"What? Bakit ano nangyari sakanya?" - gulat na tanong ko ulit.

"Basta! Mamaya ko na sasabihin, pumunta ka na agad bilis." - utos niya sakin.

"Okay okay sige!" - kaagad ko namang sabi atsaka binaba ko na ang tawag.

Kaagad naman akong dumiretso sa kotse ko at pinaharurot agad yun papunta sa hospital na binanggit ni Aljon.

Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi talaga ako nagkakamali na si Sandra nga yung nakita ko kanina. Sa wakas makikita na ulit kita Sandra.

Kaso nga lang, ngayon ko pa nga lang ulit siya makikita at makakasama ng matagal bakit sa hospital pa? Bakit na-hospital ka na naman ulit?

Sa sobrang kagustuhan ko na makita ulit siya at makasama, mas lalo kong pinabilis ang pagmamaneho ko para makarating kaagad ako dun.

Yun nga lang sa sobrang pag iisip ko at pagmamadali hindi ko na namalayan na may sasakyan pala na sasalubong sakin kaya naman....

*PEEEEEPPPPP!!! BOGGSSHHH!!!*

Hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari dahil nahirapan na ako makahinga.

************

A/N: hoy elias hindi ka naman kasi nagdahan dahan sa pagmamaneho huhu.

- janicerizo0615

She Fell First, But I Fell HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon