SFFBIFH - PART 11

1 0 0
                                    

PART 11

Kaagad naman kaming umuwi ni Aljon sa pansamantalang tinutuluyan namin ngayon.
Pero bago yun sinigurado muna namin na walang nakasunod o makakaalam kung nasaan talaga kami ngayon.

"Sandra? Ano na ba talaga ang plano mo?" - tanong naman kaagad ni Aljon sakin.

Hindi ko naman muna agad siya sinagot kasi dumiretso muna ako ng kwarto ko at kaagad din akong nagpalit ng damit, pagkatapos ay saka na ako lumabas ng kwarto at kaagad sumalampak sa sofa.

Maya maya lamang ay biglang umupo sa harapan ko si Aljon at tinitigan akong maigi.

"What?" - naiirita ko namang tanong sakanya.

"Hindi mo sinagot yung tanong ko kanina." - kaagad naman niyang sabi.

Kaagad naman akong umiwas ng tingin at bumuntong-hininga.

"Look! Wala pa ako naiisip na plano sa ngayon, so please huwag mo na muna ako tanungin sa mga ganyan." - sagot ko naman sakanya.

Kaagad naman akong tumayo at kinuha ko yung isang bote ng alak na nasa dining table at nagsalin ako sa isang baso.

Balak ko na sana laklakin yun nang bigla namang agawin sakin ni Aljon yung alak na isinalin ko sa baso.

"Aljon ano ba?" - inis ko namang tanong sakanya.

"Kailan kapa natutong uminom ng alak? 'Di ba ka-bilin-bilinan ng Doctor na bawal ka sa alak? Hindi mo na ba matandaan mga bawal sayo?" - inis namang tanong niya sakin.

"Ano bang pakialam mo? Hindi naman siguro agad ako mamamatay 'di ba?" - iritado ko namang sagot sakanya.

Dahil sa galit niya, kaagad naman niyang nilaklak yung alak na dapat sana ay iinumin ko.

"What the? Iinumin ko yun eh. Bakit ba nakikialam ka?" - galit ko namang sabi sakanya.
Balak ko na sana kunin yung baso na ininoman niya para sana salinan ko ulit ng alak nang bigla namang hawakan ni Aljon ang kamay ko.

"Bakit ba ang tigas tigas na ng ulo mo? Wala ka ba plano na ipaalam sa lahat 'yang sakit mo? Sa pamilya mo? Sa mga kaibigan mo? At kay Elias?" - naiinis niyang tanong sakin.

"Bakit pa? Mamamatay din naman ako. Mas okay na nga na hindi na nila malaman eh." - sagot ko naman sakanya.

"Sandra naman! Tigilan mo nga kakasabi ng mga ganyan." - saad naman niya.

Akala ko tapos na siya makipag-usap sakin kasi tumalikod na siya kaso bigla ulit siyang nagsalita.

"Okay fine! Kung hindi mo kayang sabihin sakanila ang sitwasyon mo... Ako na ang magsasabi." - kaagad naman niyang sabi atsaka siya naglakad palabas na sana ng bahay.

"Wait!" - pagpigil ko naman sakanya.

Kaagad din naman siyang napatigil at tumingin sakin.

"Bakit ba gustong gusto mo na sabihin sakanila ang sitwasyon ko? Hindi ka ba masaya na nasosolo mo ako? Hindi ka ba masaya na tayong dalawa lang magkasama?" - tanong ko naman sakanya.

Nagulat naman ako nang bigla ulit siya lumapit sakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko at hinaplos haplos iyon.

"Sandra naman! Syempre masaya ako. Masaya ako na kasama kita ngayon at nasosolo, dahil alam mo naman kung gaano kita kamahal 'di ba?" - kaagad naman niyang sabi.

"Then bakit kailangan mo pa sabihin sakanila ang sitwasyon ko? Lalong lalo na kay Elias?" - tanong ko sakanya.

Kaagad naman niyang binitawan ang mga balikat ko at napaiwas siya ng tingin.

"Dahil alam ko, kahit hindi mo sabihin sakin. Ramdam kong mahal na mahal mo si Elias at ramdam ko rin na mahal ka din niya. So bakit ko pa ipagsisiksikan ang sarili ko sa taong alam ko namang hindi ako ang gusto." - saad naman niya at bigla siyang tumitig sa mga mata ko.

Kitang kita ko naman sa mga mata niya yung sakit.

"I-I'm sorry." - tanging naisambit ko nalang sakanya.

Hindi ko rin kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin kasi may punto rin naman siya.
Pero nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin at halikan sa ulo.

"Masaya ako kasi nakakasama kita ngayon sa totoo lang at nayayakap pa kita ng ganito. Pero alam mo? Deep inside, masakit din sakin 'to. Kasi alam ko namang hindi talaga ako ang gusto mong makasama." - naiiyak naman niyang sabi sakin.

"A-Aljon..." - nakokonsensya ko namang sambit sa pangalan niya.

"Ssshhh... Huwag mo ako masyado intindihin at isipin, gustong gusto ko lang iparamdam sayo yung ganito, at kung gaano kita kamahal." - kaagad naman niyang sabi.

Bigla namang nagbagsakan ang mga luha mula sa mga mata ko.

"Sa totoo lang, siguro kung ako ang nakakita kay Elias kanina at hindi ikaw? Siguro sinabi ko na agad sakanya ang sakit mo. Bakit? Kasi ang unfair din naman para sakanya yun. Wala siyang ka-alam alam na may sakit ka, at kanina doon palang sa sinabi mo, ramdam ko kung gaano kasakit para sakanya yung ginawa mo kahit kung ako man, at sakin mo ginawa yun? Doble dobleng sakit ang mararamdaman ko." - sabi niya.

Hindi na muna ako umimik at pinapakinggan ko mga sinasabi niya.

Totoo naman kasi talaga may point siya.

"Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pa ilihim sakanila 'yang sakit mo? Baka nga mas makatulong pa yun eh atsaka atleast man lang makasama ka pa nila ng matagal kasi hindi natin masasabi ang oras at panahon." - dagdag pa niya.

Magsasalita pa sana ako nang bigla nalang ako makaramdam ng pagkahilo at panghihina ng katawan.

Hanggang sa hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari at.....

"SANDRA!!!"

***********

A/N: hala ka! anung nangyari kay sandra? huhu.

- janicerizo0615

She Fell First, But I Fell HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon