PART 10
"Sandra?" - tanging lumabas sa bibig ko nang makita ko siya.
Kaagad ko naman siyang nilapitan at niyakap.
"A-Aray!" - bigla namang sabi niya.
Bigla naman akong kumalas sa pagkaka-yakap sakanya at saka ko hinaplos ang mukha niya.
"S-Sandra... A-Akala ko hindi ka na babalik? Akala ko hindi mo na ako babalikan." - maluha-luha kong sambit sakanya atsaka ko siya niyakap ulit.
"Ha? T-Teka sino ka ba?" - tanong naman niya na ikinagulat ko.
Kaagad naman ako ulit kumalas sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan siyang mabuti kasi baka mamaya nagkakamali lang pala ako or namamalikmata.
Pero hindi eh. Si Sandra talaga 'tong nasa harapan ko. Siyang siya mismo eh.
"Sandra? Hindi mo na ba ako maalala? Nakalimutan mo na ba ako?" - tanong ko naman sakanya.
Nagulat naman ako nang bigla naman niyang pinaikot mga mata niya atsaka tinaasan ako ng kilay.
"Duh? Do i know you?" - irita naman niyang tanong sakin.
"Sandra ako 'to si Elias. Hindi mo na ba talaga ako matandaan? 'Di ba crush na crush mo ako?" - saad ko naman sakanya.
"Arrrghh! You know what? Nakakasira ka ng araw sa totoo lang." - mataray naman niyang sabi sakin.
"Bakit naging ganyan ka na bigla? Hindi ka naman ganyan dati ah?" - nagtataka ko namang sabi.
"Look! Mister? Elias right? Hindi ako si Sandra at lalong hindi ko kilala 'yang Sandra na sinasabi mo so please lang, tigilan moko at huwag mo ng sirain pa lalo ang araw ko. Okay?" - kaagad naman niyang sabi atsaka siya umalis sa harapan ko.
Naiwan naman akong natulala dito sa kinatatayuan ko habang tinititigan siya papalayo sakin.
Kitang kita ko kung paano nagbago ang aura niya. Mula sa pananamit, make-up at kilos pati ugali ibang iba na.
Bakit hindi na kita makilala Sandra? Hindi ba talaga ikaw yan? Gusto ko malaman ang totoo.
Kaagad ko namang tinawagan si Aeron para humingi ng tulong.
'Oh pre napatawag ka?' - sagot naman ni Aeron sa kabilang linya.
"Kailangan ko ng tulong mo ulit pre." - sagot ko naman.
'Tungkol ba ulit kay Sandra yan pre?' - tanong naman niya.
"Oo pre, kanina kasi nakita ko siya nandito sa work, hindi ko alam kung bakit parang bigla siya nagbago tapos sabi niya hindi daw siya si Sandra at hindi niya daw kilala si Sandra. Pero pre sure ako na siya talaga yun." - pagkukumbinsi ko sa sinasabi ko.
'Paano ka nakakasigurado na siya talaga yun pre? Baka naman kamukha lang?' - saad naman niya.
"Hindi pre eh. Siya talaga yun! Yung mukha niya at pananalita siyang siya mismo hindi ako nagkakamali." - saad ko pa.
'Okay sige pre. Ako na bahala diyan sa bagay na yan aalamin ko ang totoo kung si Sandra ba talaga yung nakita mo.' - sabi naman niya.
"Okay pre, salamat talaga." - sagot ko naman agad atsaka pinatay ko na ang tawag.
Limang buwan Sandra. Limang buwan na hindi kita nakita at nakasama. Ngayon pa ba? Na nakita na kita ulit? Hindi na ako papayag na mawawala kapa ulit sakin Sandra.
SANDRA'S P.O.V
Hoy grabe! Muntik na ako dun ah.
Buti nalang nakaalis kaagad ako doon kung hindi mabubuking ni Elias na ako talaga 'to.
"Oh Sandra? Anong nangyari sayo? Bakit parang hingal na hingal ka?" - nagtataka namang tanong ni Aljon sakin.
"Ah eh kasi...." - hindi ko agad naituloy yung sasabihin ko sana kasi huminga muna ako malalim, tumakbo kasi ako kanina para hindi agad ako masundan ni Elias.
"What? May nangyari bang hindi maganda?" - nag-aalala naman niyang tanong sakin.
Umiling-iling naman ako sakanya atsaka uminom muna ako ng tubig.
"Saan ka ba kasi galing? Kanina pa kaya kita hinahanap." - saad niya.
"Galing kasi ako dun sa dati nating work." - sabi ko naman.
"WHAT??" - kaagad namang sabi ni Aljon na ikinagulat ko.
"Anong ginawa mo dun? Edi nakita ka ni Elias?" - inis naman niyang tanong sakin.
"Oo ganun na nga... Nakita niya ako at... At niyakap." - sagot ko naman at kaagad akong napayuko.
"Anung sabi niya nung nakita ka niya? Alam na ba niya ang totoo? Sinabi mo na ba sakanya?" - tanong niya.
Umiling naman ako sakanya.
"Then what? Ano lang nangyari nung nakita ka niya at niyakap?" - curious niyang tanong.
"Actually, hindi ko sinabi sakanya ang totoo na ako si Sandra. Nagpanggap akong ibang tao sa harapan niya at nagpanggap akong hindi ko siya kilala. Since tutal naman ibang iba naman aura ko ngayon siguro naman napaniwala ko siya na hindi talaga ako yung nakita niya." - saad ko naman sakanya.
"Pero Sandra... Kilala mo si Elias. Alam kong alam mo na gagawa na naman ulit ng paraan yun para hanapin ka." - saad naman niya.
Oo nga pala hays. Pero for sure mahihirapan ulit siya na malaman ang lahat ng information na meron sakin ngayon.
Hindi niya pwedeng malaman kung nasaan ako ngayon at kung anung nangyayari sakin ngayon. Mas maigi nalang na hindi na niya ako makita at maalala pa para hindi na siya lalong masaktan pa.
Mahal na mahal ko na si Elias pero hindi na pwede pa.
************
A/N: ouch! bakit kaya hindi na pwede pa? huhu!
- janicerizo0615
BINABASA MO ANG
She Fell First, But I Fell Harder
ContoSandra has a crush on Elias, while Elias doesn't care about Sandra's feelings. But everything is on the fence when Aljon is around Sandra. Is it possible that he likes Sandra or is he just too concerned? Let's find out their whole story. - janiceri...