Chapter 8

37 4 9
                                    

*Flashback

The last time I felt this kind of humiliation is when I was in high school. Pinilit ako ni Dad na i-enroll sa same school ni Stacey kahit na hindi sumasangayon ang Mommy niya na si Tita Criselda. At first, naging normal naman ang naging buhay ko sa school. Hindi rin kasi ako gaano maka-relate sa mga classmates ko dahil puro mayayaman ito at puro material na bagay lang ang laging pinaguusapan. Wala ring nakaka-alam na half sister ko si Stacey dahil surname ni Mama ang gamit ko ever since. Dad tried to convince me to change it pero hindi na rin ako pumayag dahil feeling ko iyon ang isa sa mga alala na naiwan sa akin ni Mama. Dito ko na rin na-discover na may talent pala ako sa archery nang mapilitan ako sumali sa Archery Club dahil sila nalang ang hindi pa puno ang member list.

Unang sabak ko sa training, mabilis kong natutunan ang basics kaya naman napabilib ko ang aming instructor. I was called an Archery Prodigy nung tumagal dahil kaya ko nang makipagsabayan ng skills sa mga senior members in a short period of time. Dahil doon, naging matunog na ang pangalan ko sa school at may mga ilan nang nagiging interesado sa akin.

Nang mabalitaan ni Stacey iyon, agad niya akong sinugod sa room ko nung nakauwi kami sa bahay.

"Papansin!" Sabay bato ng kanyang libro sa akin nang bigla siyang pumasok sa room ko.

Nagulat ako dahil tumama ang libro sa may bandang balikat ko. Agad akong napatayo at tinignan siya ng masama.

"Anong problema mo?!" Pasigaw na tanong ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin sabay tulak sa akin dahilan para matumba ako sa sahig.

"Ikaw! Ikaw ang problema! Masyado kang papansin sa school! Feeling mo porket nasa archery team ka eh sikat ka na! Isa ka lang namang bastarda ni Dad!" Galit na galit na sabi niya.

"Seriously, Stacey? You're acting like that dahil ano? Feeling mo nasapawan kita? I'll tell you what.." Panimula ko habang patayo ako sa pagkakatumba gawa ni Stacey. "Kahit kailan hindi ako nakipag compete sayo, Stacey. Dahil una sa lahat, I don't want to be like you na sobrang narcissistic!"

Stacey laughed sarcastically sabay pumamewang.

"Ah ganoon ba? Pwes, itong bagay sayo!" Sabay sabunot sa buhok ko.

I was caught off guard dahil hindi ko ine-expect na gagawin niya iyon. Out of defense, naitulak ko siya ng malakas papunta sa closet ko sa gilid. Hindi ko namalayan na Dad was there to witness kung ano ang nagawa ko kay Stacey.

"What the hell, Summer! What did you do to your sister?!" He shouted habang inaalalayan si Stacey na makatayo.

Nang mahimasmasan si Stacey, bigla itong umiyak at niyakap si Dad.

"Dad, wala naman akong ginagawa sa kanya tapos bigla nalang niya akong tinulak out of nowhere." Paawang sabi ni Stacey.

I was dumbfounded dahil sa narinig kong sabi niya. Dad immediately looked at me with his angry face.

"That's it, Summer! You are grounded for a month! Hindi ka magte-training ng archery dahil after classes, diretso ka dito uuwi, understood?!"

Napaawang ang labi ko sa naging decision ni Dad. Hindi manlang niya ako hinayaang mag explain ng side ko. He immediately belived what bullshit Stacey had said. Gusto ko sanang sumagot pero judging by the look on his face, mukhang useless lang rin naman.

I was really devasted during those times na hindi ako nakakapag training. Wala akong malabasan ng sama ng loob ko dahil wala akong naituring na kaibigan sa school na iyon. Halos lahat ng students takot sa grupo ni Stacey. Halos iwasan ako ang ng majority ng students sa school na para bang may nakakahawa akong sakit.

Yuki Ishikawa • LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon